IAR [35]

63.8K 2.3K 247
                                    

Copyright © chiXnita

Xhaiden Heather Roa’s POV

NAKATITIG SA’KIN si Tita Brenda, pero tagus-tagusan ang tingin ko sa kanya. Ilang araw na rin yata siyang nagpapabalik-balik sa silid na kinaroroonan ko ngayon, pero hindi ko sinasagot ang mga tanong niya. Ni hindi ko nga maintindihan kung ano'ng mga tinatanong niya.

Sawang-sawa na rin ako sa mga nakikita ko rito sa kwarto na medyo may kalakihan. Katulad ito ng kwarto ko sa bahay. Halos gayang-gaya ang lahat ng gamit pati na rin ang purple at rosy motif.

Wala ako sa mismong kwarto ko dahil may maliit na kitchen dito sa loob at iba ang posisyon ng banyo. Wala rin ako sa third floor dahil nang sumilip ako sa bintana ay magandang garden kaagad ang aking nakita, ni kapitbahay wala.

May kutob na ako kung nasaan ako. Nasa loob ako ng bahay sa loob ng malaking bahay. Ibig sabihin ay nandito ako sa bahay nina Brix. Madalas ako rito noon. Hindi ako maaaring magkamali.

Mahilig si Tita Brenda sa mga bulaklak at iba't ibang klaseng halaman. Kaya may garden sa gitna ang kanilang tirahan. May mga pinto ito na kumukonekta sa iba't ibang bahagi ng bahay. Nakikita ang kalangitan kapag nasa garden ka. Sa sobrang laki nito ay rito rin makikita ang kanilang swimming pool.

Ang hindi ko maintindihan ay kung ano'ng ginagawa ko rito?

Akala ko bumisita lang kami nina mommy. Para kasing naririnig ko ang boses nila habang natutulog ako. Kaso, paggising ko, wala sila sa tabi ko. Sarado rin ang lahat ng mga pintong kumukonekta sa bahay ni tita nung lumabas ako. Doon ko nalaman na natrap ako rito.

Wala rin akong maalala kung paano ako napunta rito, pero hindi ko makakalimutan ang huling pagkikita namin ni Grant. Hindi naman ako tanga. Alam kong ayaw na niya akong pakasalan. Ayaw na niya akong makasama. Ayaw na niya akong makita matapos ng nagawa ko kay Lexy.

Sino ba namang matinong tao ang gugustuhin pang manatili sa tabi ko matapos ang nangyari?

Mabuti na lang maayos si Lexy.

He's gone. Gone. Alam ko 'yon. Mahirap tanggapin. Ayaw kong pumayag. Pero ano'ng magagawa ko kung nakakulong ako rito? Kahit si Brix ay hindi ko rin nakikita.

Sino'ng tutulong sa'kin? Si Tita Brenda? Eh, ilang araw na akong halos mamatay sa kakaiyak, hindi niya pa rin ako pinapauwi! Hanggang sa natuyo na lang ang mga luha ko sa mga oras na 'to.

Pagod na pagod na ako. Basag na basag. Durog na durog. OA na kung OA, pero iyon ang nararamdaman ko. Gusto kong magmura. Gusto kong magwala. Gusto kong magpakamatay na lang talaga. Ang lupit ng mundo. Walang hiya!

Tapos nalaman ko pang si Silver ay si Green. Hanggang ngayon… hindi ako makapaniwala. Paano nangyaring siya si Silver?

"Do you want to see Grant?" agad akong napatingin kay tita. Nagpanting ang pandinig ko at agad sumagot.

"Opo!"

Nakaupo kami paharap sa isa't isa. Napapagitnaan namin ang bilog na glass table. May hawak siyang mga papel. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Inilagay niya rito ang itim na ballpen. Sa kabila naman ay ang mga papel.

"Before that, you need to answer all of these questions, Xhai. Nakabase sa magiging sagot mo kung makakauwi ka na ba para makita siya o hindi pa." Tumayo siya at tinapik ang balikat ko. Hinimas niya rin ang aking buhok. "I'll be back. You can call me too if you're done. Don't rush things, take your time," dagdag pa niya at iniwan akong nakatunganga.

Napatitig ako nang matagal sa mga bond papers. Siyam na piraso lahat. Ipinaikot ko ang ballpen sa mga daliri at kinagat ang dulo habang unti-unting kumukunot ang noo.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon