IAR [22.25]

74.9K 2.5K 188
                                    

"MERRY CHRISTMAS, ma, pa!" Humalik ako sa pisngi ng mga parents ni Grant. Nagmano din si Grant sa kanila. Kararating lang namin sa bahay ng mga Loriete. Sabay kaming lahat papunta sa Tuazon Hotel sa Makati. Doon kasi ang venue ngayong taon para sa Chirtmas party.

"Merry Christmas," simpleng tugon ni papa. May pagkasungit talaga siya. Ngumiti lang si mama at bumati rin. Tumalikod na siya at sinundan si papa. Kung si daddy under ni mommy. Si mama naman sunod-sunuran kay papa. Sinundan ko sila ng tingin. Nakasuot na sila ng formal attire. Terno ang kanilang kasuotan parehas na may bahid na blue.

Dumiretso sila sa kusina kung nasaan nandoon na si mommy at daddy, kasama si Kuya Xyrus. Nag-uusap-usap. "Merry Christmas, mom, dad!" Niyakap nila ako na para bang miss na miss na nila ako. Niyakap ko rin si kuya.

Nakasuot na kami ng mga dapat suotin. Magkapares din ang suot ni mommy at daddy. May bahid na kulay maroon naman ang kanilang kasuotan. Kaso 'yong kay mommy mapapangiwi ka talaga dahil may pagkaweird na naman. Akala mo Halloween party ang pupuntahan at hindi Christmas party. Kumikinang pa ang kanyang spider earrings at scorpion necklace na silver.

"Are you okay?" Hinapit ako ni Grant sa bewang. "You looked tense." Ngumiti lang ako. Tumango.

"You looked gorgeous, Baby Xhai!" Baling ni kuya Xyrus. Napangiti ako. Pinasadahan niya ang kabuoan ko. Nakasuot ako ng light brown dress na lagpas tuhod ang haba. May manggas din. Ayaw kasi ni Grant ng tube o sleeveless. Simple lang ang ayos ko. Tinalo pa ako ni mommy na nagmukhang teenager minus the pagiging weird. Ayoko kasing makaagaw ng atensiyon kapag nasa party na kami.

"Thanks, kuya. You looked sizzling hot on your suit, too." Kinindatan ko siya. Ang gwapo niya sa suot niyang tuxedo.

"Merry Christmas, dude!" Nakipagfist bump siya kay Grant. Gumanti lang din ng bati si Grant. "Where's Ryder?" Napalabi ako. Sabi ko na. Mas close si Kuya Xyrus at Green, compare kay Grant. Hindi ko alam kung bakit.

Pinipisti siguro ni Green si kuya. O baka pinainom ng gayuma?

"I don't know." Grant shrugged.

"He's with Grey. Kanina pa sila nasa party," tukoy ni Mama Tracey sa kanyang bunsong anak na si Grey Trevon Loriete. Gusto ko tuloy makita si Grey. For sure, ang cute niya sa kanyang tuxedo. Inayos ni mama ang hand bag na nakalagay sa kaliwang braso. Napangiti ako sa ayos niya. Hindi siya mukhang doctor sa kanyang itsura.

"So, let's go?" yaya naman ni daddy. Inalalayan si mommy sa pagtayo.

Tumayo si Papa Greg at hinawakan ang bewang ni Mama Tracey. Kuminang ang suot niyang eyeglasses dahil sa pagreflect dito ng ilaw. Napalunok ako. Nakakatakot talaga siya.

May kanya-kanya kaming dalang sasakyan. I wonder kung bakit naisipan pa nilang magkita-kita dito sa bahay ng mga Loriete kung pwede namang dumiretso na sa Tuazon Hotel. Isang sasakyan lang ang dadalhin ng mga parents namin. Nakasanayan na. Si Kuya Xyrus naman, mag-isa. Obviously, sabay kami ni Grant sa pulang kotse niya.

Paglabas ng sasakyan, sumalubong sa 'min ang pulang carpet na nakalatag papasok ng hotel. Buong hotel ang gagamitin sa event. Dito kasi matutulog lahat ng kabilang sa Trese. Kung may tulogan nga na mangyayari. Pagmamay-ari ito ng mga Tuazon, nina Angel. May mga kumikislap na iba't-ibang kulay na Christmas lights sa paligid. Malahiganteng Christmas tree at music na hindi pang Christmas song kung hindi pang-party. As usual, bongga ang event na ito ng thirteen families.

Hindi pa kami nakakapasok ni Grant sa loob, panay na ang flash ng mga camera sa paligid.

Sinalubong kami ng ilang mga kakilala. Ngiti-dito. Batian at kamustuhan. Hindi na nabura ang ngiti ko dahil kahit saan ako tumingin may mga kakilala ako. Humiwalay ang mga parents namin. Pumunta sa pwesto nina Tita Brenda, mama ni Brix.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon