IAR [22]

82K 2.4K 230
                                    

-22-

"Hey Den, that's mine."

"Shut up, Kez. This is mine."

"Zion Denice de Carpio, I'm older than you. Where's your manner? Give it back."

"Whatever, Keziah Antonette Moravia. I don't care if you're our leader, older, Kuya Zyle's ex-girlfriend, fling or something—"

"What? Don't you dare say that asshole's name in front of my face again, brat—"

"Tangina!" Napahawak ako sa magkabilang tainga sa pagsingit ni Angel sa dalawa. "Kanina pa kayo diyan. Hindi pa ba kayo titigil, ha?" Nilapitan niya si Denice at Keziah na pinag-aawayan ang pulang dress. Kami ni Angel nakatayo lang sa may pinto't natigilan nang makitang nagbabangayan sila pagdating namin.

"Whatever, Angel Faith Tuazon!" sabay na usal ni Den at Kez. Pinigilan kong matawa nang bumusangot ang mukha ni Gel. Ayaw niyang tinatawag sa buong pangalan. Umupo ako sa sofang bakante, katabi ang iilang nakalatag na dress na hindi nila pinapansin.

"Hi, Xhai!" Lumapit si Denice at nakipagbeso. Sumunod si Keziah, hinalikan din ako. Si Angel lang ang hindi nila pinansin. Umiling ako't kinuha ang men's magazine na nakalagay sa glass table. Si Angel Locsin ang cover sa harap.

"Gel, try this outfit!" Pinakita ko ang suot ni Angel Locsin. Black dress ito na may malalim na slit sa dibdib. Maganda ang damit. Maloloka ang makakakita once na suot na ito ni Angel, of course, ang Angel na nandidilat ang mga mata sa 'kin ngayon.

"Tinatangina mo ako, Xhai?" Pinandilatan niya ako. Hindi man lang hinawakan ang magazine na inaabot ko. Nagkibit-balikat si Kez. Si Denice natawa bigla at pumasok sa loob ng fitting room. Never na magsusuot si Angel ng ganitong klaseng damit. May pagka see-through kasi sa bandang tiyan.

"Girl, here's your dress na!" tili ni Carla, ang baklang nag-aasikaso sa shop na pagmamay-ari nina Denice. "For sure ang ganda mo diyan, girl." Kinuha lang ni Angel 'yon. Hindi na nag-abalang tingnan ang desinyo. Tiwala talaga siya sa taste ng baklang 'to.

"Ikaw, Xhai, may susuotin na?" tanong ni Keziah. Tumabi siya sa 'kin at hinayaan na lang na mapunta kay Denice ang pinag-aawayan nilang dress.

"Meron na. Sinamahan ko lang si Angel dito para kunin ang kanya." May susuotin na kami ni Grant para bukas. Si Mama Tracey ang naghanda, parent ni Grant.

"Mabuti ka pa. Itong isa kasi, mang-aagaw!" Inirapan niya si Denice na ngayon kalalabas lang galing fitting room.

"Tsk! Oo na, ate! Maganda ka naman, eh," pang-aasar naman ni Denice. Napangiwi lang si Kez sa sinabi niya. Rumarampa si Den sa harap ng malaking salamin.

"Where's Irish?" tanong ni Angel kay Denice habang tumitingin ng boots na ipangpapares sa outfit niyang mala-black woman. Ibang klase talaga ang bruha. Party ang pupuntahan tapos ganyan ang susuotin niya.

"Kasama niya ang fiancé ko!"

"Asa ka naman kay Cyclone," singit ni Kez. "Forever Shantal ang lalaking 'yun." Umirap pa.

"Bitter ka lang kay kuya Zyle. Lakad ulit kita?" ani Denice. Nakakaloka ang ngiti.

"As if! Ako kaya ang hinahabol ng kuya mo, duh?"

"Tangina! Mag-aaway na naman kayo?" asik ni Angel, inabot niya ang boots sa babaeng katabi na natutulala sa kanila. Ang ibang mga assistant dito sa shop, nakatingin lang sa amin, hindi malaman kung ano'ng gagawin.

Lumapit si Keziah sa isang stall na maraming dress na nakasabit. "Mas maganda pala ito kaysa doon sa pula," tukoy niya sa silver dress at inabot sa isang babae nakasuot ng pang salesclerk.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon