IAR [51]

47.3K 1.6K 136
                                    

Copyright © chiXnita

NAPABALIKWAS AKO dahil sa isang malakas na sampal, na hindi ako sigurado kung sampal nga, na tumama sa'king pisngi. Tila nabingi ako't naalog ang loob ng bungo ko. Nanunuot sa'king balat ang malakas na epekto nito.

Napahimas ako sa mukha at dumilat. Tumambad sa'kin ang lupa at mas nahilo ako dahil nakasampa ang aking tiyan sa balikat ng isang lalaking malaki ang pangangatawan; nakaharap ang mukha ko sa kanyang likod.

Saka nanlaki ang aking mga mata nang bumalik sa'kin ang lahat. Tumili ako. "Put me down! Put me down!" Sinuntok ko ang kanyang likod. Napapadaing siya pero hindi ako pinakawalan.

"Bitiwan mo nga ang maarteng iyan, Leo!" Narinig kong sabi ng isang babae sa unahan. Sumikdo ang puso ko. Binalot ako ng kaba at takot. Hindi ko pa nasisilayan ang mukha niya ngayon ngunit sigurado akong siya iyong babaeng nakita ko sa bahay.

Pabagsak na ibinaba ako ng lalaki. Napahimas ako sa balakang dahil ito ang unang tumama sa damuhan. Nagsalubong ang aming mga mata. Agad akong umiwas.

Hindi naman siya gano'n katangkaran katulad ni Grant pero sa titig pa lang niya'y malalagutan na ako ng hininga. Maigting ang kanyang panga. Malalaki ang mga braso at may dalawang silver na hikaw sa tuktok ng kaliwang tainga. Maayos ang kanyang bigote't balbas. Para siyang Indian.

Hindi ko siya kilala pero nakakatiyak akong sunod-sunuran siya sa babaeng 'to na hindi ko rin kilala.

"Mamamatay tao ka na nga, ang arte-arte mo pa! Tumayo ka nga!" Mariin na sambit ng babae na ngayon ay nakatayo na sa'king harapan. Nakapameywang siya. Nakataas ang kilay sa'kin. Nakasuot siya ng itim na blouse at itim rin na hapit na pants.

Napatayo ako kahit na nanginginig ang aking katawan. Hindi ko maitikom ang bibig at hindi rin ako kumukurap. Nakatitig lang ako sa kanya.

Hindi siya si ate. Hindi siya si Xyrene! Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili.

Hindi naman talaga siya si ate. Ang tanga ko! Ba't ko napagkamalan na siya si Xy, eh, napakaimposible?

Nakita ko pa si ate sa bahay namin bago ako umalis doon. At kung magigising man siya, isa ako sa unang makakaalam. At hindi naman siguro siya makakatayo agad mula sa pagkakacomatose?

Sana nga si Ate Xy na lang siya. Kasi miss na miss ko na siya. Pero hindi, eh. Hindi siya.

Pero kung hindi siya si ate... Sino siya?

"Hey, Xhaiden Heather!" aniya at pinagsnap ang mga daliri sa may mukha ko. Napakurap ako. Hindi ko namalayan na nakatunganga na ako sa kanya. Ang kaninang seryosong mukha niya'y ngayon ay nakangisi, na tila may binabalak na masama sa'kin. Kinilabutan ako!

Kamukha ko siya. Kamukha namin siya ni ate. Bakit? Bakit namin siya kamukha?

Triplets ba kami?

Gusto kong sakalin ang sarili dahil impossible iyon. Hindi pabayang magulang si mommy. Impossible na mapalayo ang isa niyang anak, kung sakali.

Mas matangkad lang ako sa kanya ng kalahating pulgada. At tuwid ang buhok ko. Sa kanya ay medyo maalon-alon sa dulo pero itim din. Maliban doon, lahat ng anggulo ng mukha namin ay parehas. Mapungay at bilugang mga mata. Maamong kilay. Pati ang labi niya't ilong ay katulad ng sa'kin.

Shit! Para lang akong nakatayo sa harap ng salamin. Kaso kapag gagalaw ako, hindi siya susunod.

"W-Who are you?!" Nanginginig na pati labi ko. Nakatayo pa rin sa likod niya 'yong mukhang Indian. At kapag sinapak ko ang babaeng 'to... papatayin niya ako. Ayun ang sinasabi ng kanyang mga mata na nagbabadya sa'kin na 'wag akong magbalak ng kung ano.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon