IAR [50]

54.6K 1.5K 182
                                    

Copyright © chiXnita

MAHIGIT ISANG linggo na rin kaming nakakauwi mula sa bakasyon. Pero may hang-over pa rin ako sa mga nangyari. Inaasikaso namin ni Grant at ng buong pamilya namin ang darating na engagement sa susunod na buwan, ilang araw na lang.

Isasabay sa birthday ko. Excited na talaga ako.

Naririto pa rin si Kuya Clyde. Hanggang sa birthday pa siya ni Angel. Pero babalik din ulit siya sa Canada. Wala na yata talaga siyang balak na manirahan dito sa Pilipinas.

Nandito kami ni Grant ngayon sa Loriete's residence. Bumisita kami kay Mama Tracey at Papa Greg. Nasa bahay lang kasi ang mga ito sa tuwing weekend. At hindi naman pumasok si Grant sa opisina para rito kami kumain ng lunch.

Dinala namin sina Cygnus at Turner. Feeling niya kasi anak niya ang mga ito. Napapailing na lang ako pero gusto ko rin naman silang makasama.

"Kelan ang kasal?" Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig kay papa na katabi ni mama na katabi naman si Grey.

Katapat niya si Grant na katabi ko naman. Kumakain kami ng pananghalian. Maraming pagkain sa mesa pero wala akong gana. 'Tapos ang dami pang inilagay ni Grant na pagkain sa plato ko. Paano ko uubusin 'to kung kinakabahan ako?

Walang suot na salamin si papa pero mas mukha siyang masungit kapag nakikita ko ang kanyang mga mata nang direkta. Halos hindi ko nga maigalaw ang mga kamay para sumubo dahil sa mga titig niya.

"February 18, 'Pa," sagot ni Grant dahilan para muntik ko nang mabitiwan ang hawak na kutsara. Napabaling ako sa kanya, nandidilat ang mga mata. Nakatingin lang siya kay Papa Greg, seryoso ang mukha.

Napag-usapan na namin 'to, eh. Ang sabi ko, gusto kong maging June's bride. Dapat June kami magpapakasal. Kaso ang gusto niya February. Ba't ba nagmamadali siya? Hindi naman ako mawawala.

Isa pa, hindi gano'n kadali ang pagpapakasal. Maraming preparations ang kailangan. Seminars, etc. Kasalanan talaga 'yan ng RH Bill, eh.

Hindi na lang ako umimik at sumulyap na lang kay Mama Tracey na kanina pa nakangiti. Kanina pa niya kami pinapanuod ni Grant. Na para bang tuwang-tuwa siya na ikakasal na ang panganay niya. Lumulukso tuloy ang puso ko sa saya.

Si Grant kasi mama's boy. Kaya open si Grant sa kanya. I wonder kung ano'ng mga ikinukwento niya kay mama.

"Hindi ba p'wedeng ngayong December na? Tutal hindi na rin naman dapat kailangan ng engagement dahil nagkaroon na kayo dati, naudlot lang ang kasal n'yo," suhestiyon ni Mama Tracey na agad namang sinang-ayunan ni Grant.

"At nagkakaedad na rin kami. Kailan n'yo ba kami mabibigyan ng apo?" For the first time ngayong gabi'y nakita kong ngumiti si Papa Greg! Muntik ko nang mailuwa ang kanin sa bunganga ko. Hindi ko alam kung dahil mainit ito o sa sinabi ni papa.

Tumawa si Grant. Inilagay niya ang isang kamay sa itaas ng legs ko. Napapiksi ako. Kahit hapit ang denims na suot ko'y ramdam ko ang init ng kanyang palad.

"Oo nga, Minnie, ngayong December na. Kasal na natin sa birthday mo, imbes na engagement," malapad ang ngisi niya nang sumulyap sa'kin, kasabay nang marahan niyang magpisil sa legs ko at umakyat ang palad niya sa may hita ko.

Tuluyan ko nang nabitiwan ang kutsara at mabilis na tumayo. Parang may itinurok sa'kin na libo-libong boltahe. Muntikan na akong mapamura.

"S-Sorry po..." Uminit ang aking mukha. Naman kasi, kahit sa harapan ng parents niya, ang landi-landi niya. Umupo ako para kunin ang kutsara sa sahig pero ang gusto ko lang talagang gawin ay ang kurutin siya sa likod ng tuhod niya. Nilakasan ko talaga! Nakakainis siya!

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon