IAR [33] - Grant Turner Loriete

66.7K 2K 561
                                    

-33-

Grant Turner Loriete's POV

HINDI KO na mabilang kung ilang shots ng brandy ang aking nainom. Tinitigan ko ang tatlong bote ng beer sa itaas ng counter dito sa mini bar sa bahay. Walang epekto ang mga 'yon kaya brandy ang ipinalit ko.

Hindi naman ako mahilig uminom; kung may okasyon lang. Kaso gusto kong lunurin ang sarili hanggang sa mamanhid ang aking buong katawan, makatulog at makalimutan ang lahat.

Kahit sandali lang.

Nagsalin ako ng alak sa kopita. Dumulas 'yon sa palad ko't bumagsak. "Damn..." Napasabunot ako sa buhok at isinubsob ang mukha sa counter. Hinawi ko ang mga bote ng beer hanggang sa mahulog din ang mga ito at magkabasag-basag. "Fuck... Shit!"

Hindi ko na alam kung ano pang mura ang hindi ko nababanggit sa sobrang frustration na nararamdaman.

Nang malaman ko kaninang binawian ng buhay si Lexy para rin akong pinatay.

Walang nakakaalam kung ano'ng naramdaman ko. Walang nakakaintindi kung ano'ng nararamdaman ko. Si Heather ang may gawa no'n pero pakiramdam ko ako ang sumaksak kay Lexy at hindi siya. Ba't ba nangyari 'to?

Lahat ng ginawa kong katangahan simula umpisa napunta sa wala.

Pinapunta ko si Lexy sa bahay para dalhin ang mga mahahalagang papeles na dadalhin sa Singapore. Wala na akong balak na pumasok ng opisina no'n dahil wala pa akong tulog buong magdamag.

Gulong-gulo rin ang isip ko sa mga nangyari sa pagitan namin ni Heather.

Nagpaalam din si Lexy na magleleave. Nasa ospital ang mga magulang niya, sa kanilang probinsiya, dahil sa isang aksidente. Pinayagan ko.

Malamang na ang naabutan ni Heather na eksena sa kusina, habang nagluluto ako ng almusal namin, ay iyong napuwing ako ng tanginang paminta na hindi ko alam kung paano napunta sa 'king mata.

Siya dapat ang magluluto dahil natalo siya sa napag-usapan namin, kaso ang himbing ng tulog niya. She's physically and emotionally tired. She needs to rest. Kaya inako ko na. Tumulong lang si Lexy na kunin 'yong puwing sa 'king mata.

Walang hiyang paminta! Tangina!

Then... it happened.

Hanggang ngayon, hindi pa rin 'yon nawawala sa isip ko. Nakokonsensiya ako para kay Lexy. Hindi ko rin maiwasan ang mag-alala. Sa oras na magising si Heather, tiyak na magkakatrauma siya.

Hindi rin mabura sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Mommy Xyria kanina sa ospital.

Heather's obsessed with me.

Alam ko naman, eh.

Dati pa!

Noong una, hindi ako makapaniwala. Kaya kung ano-anong kagagohan ang mga pinaggagawa ko para layuan niya ako.

Pero sa huli... hindi ko rin kaya na iwan niya ako.

Katangahan. Kabobohan. Katarantaduhan. Kagagohan. Ano pa bang 'di ko nagagawa?

Akala ko, may magagawa ako para sa kanya. Pero ako lang din ang sumisira at nananakit sa kanya.

Gago ko talaga!

Sa oras na magising si Heather, itutuloy nila ang four to five months therapy. Ang masaklap baka umabot pa nang mahigit kalahating taon. 'Tapos ano?

Hindi niya ako p'wedeng makita? Hindi ako maaaring magpakita? Fuck!

Pinaparusahan ba ako? Ito ba ang kabayaran sa mga kasalanan ko?

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon