IAR [29]

64.4K 1.9K 300
                                    

-29-

Xhaiden Heather Roa's POV

"No!" sigaw ni Green sa 'kin kaya natameme ako. Kinagat ko ang labi at pumihit para talikuran siya. Hinawakan niya ako sa siko. "C'mon, Xhai—" Hindi ko nakontrol ang sarili. Nasampal ko siya nang malakas sa kaliwang pisngi.

"I hate you..." Sinuntok ko siya sa dibdib. "I hate you. Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to?"

Isang linggo na yata ang lumipas simula nang patulugin ako ni Green. Ang sabi ko sa sarili, hindi ko siya kakausapin pero wala akong choice kung hindi ang humingi ng tulong mula sa kanya.

Nakakainis. Nakakabwisit.

Nababadtrip pa rin ako ngayon kapag naalala na ilang hakbang na lang ang layo ni Grant kaso naging bato pa. Ayaw kong kausapin si Green pero siya lang makakatulong sa 'kin. Si mommy at daddy, ipinagkatiwala na talaga ako sa isang ipis.

Hatid-sundo niya ako sa bahay. Kung saan-saan lang kami pumupunta. Wala ako sa sarili sa mga oras na 'yon kung hindi ang sumunod sa kanya. Hindi rin ako nagpalya na pakiusapan siyang payagan akong makipagkita kay Grant.

Bakit ba hindi niya ako kayang pagbigyan?

Bawal akong gumamit ng kahit anong gadgets. Kahit nga ang mismong cellphone ko hindi ko na muling nahawakan. Si mommy, ang madalas na sinasabi sa 'kin... kailangang sumunod ako sa kanya at kailangan kong sumama kay Green para mapadali ang aking therapy.

Anong therapy?

For heaven's sake, wala akong sakit!

Hindi ako baliw. Hindi rin ako adik. Bakit kailangan ng therapy?

Kung ituring nila ako parang may taning na ang buhay ko. Bakit si Green ang kasama ko palagi? 'Di ko maintindihan ang mga magulang ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw nila akong payagan na makipagkita kay Grant.

Bakit palagi nila akong sinasaktan?

Kahit kay na Angel at Brix ayaw nila ako payagang makipag-usap, dahil alam nilang tutulungan ako ng dalawang 'yon.

Ano ba'ng problema ng mga magulang ko? Hindi na nga nila ako pinapayagang makipagkita kay Grant, pati ba naman sa mga kaibigan ko?

Ang bilis lumipas ng mga araw at hindi ko 'yon nagugustuhan. Pakiramdam ko may bombang nakatanim sa loob ng puso ko, kasi bawat tick-tock ng orasan, mas lalo akong nasasaktan. Alam kong sa susunod na araw kapag 'di ko pa nakita si Grant, mababaliw na ako nang tuluyan.

Umayos ako ng upo, 'yong tipong nakaluhod. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Green. Nakalagay ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng tuhod, nakatiptoe ang mga paa habang nakadikit ang pang-upo rito.

"Green, p-please—" Inilagay niya ang hintuturo at hinlalaki sa pagitan ng dalawang mata at sunod-sunod na umiling. Mahigpit din ang pagkakakuyom niya sa isang kamao. Napaupo siya sa paanan ng kama rito sa loob ng kwarto ko. Napayuko ako bigla. Tumutulo ang mga luha ko sa suot kong pajama. "Parang awa mo na..."

"I'm sorry, Xhai—"

Lumuhod na ako nang tuluyan para abutin ang isang kamay niya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko. Isinubsob ko ang noo sa tuhod niya para hindi siya tumayo.

"P-Please... Green? Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa 'yo. P-pagbigyan mo naman ako. Hindi ko na iisipin ang mga pang-aasar mo. Papatawarin din kita sa lahat ng mga kasalanan mo. Ngayon lang, payagan mo naman akong makita si Grant. Kahit ngayon lang. H-hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako. Hindi nawawala 'yong bumubulong sa 'kin na kailangan ko siya. Hindi na ako mapakali. Gusto ko talaga siyang makita. Kahit na hindi ko siya makausap, okay lang. Please, ngayon lang... Ngayon lang. Ikaw lang ang pwedeng tumulong sa 'kin. Green—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sa sunod-sunod na paghikbi. Naninikip ang dibdib ko sa kakaiyak. Tila binibiyak ang aking utak.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon