IAR [10]

114K 3.2K 455
                                    

-10-

AYAW NG katawan ko ang magbakasyon kami sa Trese Paradise, kahit na sabihin pang isang linggo lang. Kaso kinokontra ito ng buong pagkatao ko at sinasabing sumang-ayon ako kay Grant.

Kaya ang nangyari napapayag pa rin ako. Wala naman akong magagawa. Basta gusto ni Grant, gusto ko na rin. Hiling ko lang na sana hindi na kami pumunta sa particular na lugar na 'yon. Hindi ko yata kakayanin. Alam kong siya rin. Hindi ko nga alam kung ano'ng pumasok sa isip niya't naisipan niyang pumunta sa Trese.

Napadilat ako nang may humawak sa kamay ko at bahagyang pinisil. Dali ring pumikit nang mapagtanto na nasa ere pa rin kami. Simula no'ng nangyari 'yon kay ate, nagkaphobia na ako sa heights. Feeling ko ako naman 'yong mahuhulog anytime.

Inayos ni Grant ang headset sa ulo ko. 'Yong sinusuot sa tuwing sumasakay ng helicopter. Nasa chopper kami na pagmamay-ari nila. Hindi kasi p'wede 'yong sa amin dahil ginagamit ni daddy.

Magkatabi kami sa likuran. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay kong nanginginig. Pinagpapawisan din ang aking noo kahit sobrang hangin.

"Open your eyes," ani Grant. Feeling ko ang lapit niya sa 'kin dahil naaamoy ko ang mabangong hininga niya. Medyo pasigaw din ang boses niya dahil sa malakas na ugong ng chopper. Umiling ako nang sunod-sunod. Umisod pa palapit sa kanya. Ayoko. Natatakot ako. Kahit na ano'ng mangyari hindi ako didilat hanggang wala pa kami sa Trese. "C'mon... baby."

Nagpanting ang tainga ko kaya napadilat ako bigla.

Baby.

May magic ba ang salitang 'yan?

"Hindi ka naman mahuhulog, kaya 'wag kang matakot," walang kangiti-ngiti 'yong mukha niya. Hindi rin siya makatingin sa 'kin pero hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya sa akin o ano.

Naaalala niya kaya 'yong nangyari dati? Malamang. Napatawad niya na ba ako? Hindi ko alam.

"Look!" tinuro niya ang nasa ibaba kaya napatingin ako doon. Pipikit na sana ako kaya lang pinigilan niya ako. "Trust me, Heather."

"Wow!" Napaawang ang bibig ko nang makita ang tinuturo niya. Ilang taon na rin simula no'ng huli ko 'yang makita. Teenager pa ako. "Ang ganda talaga ng Trese Paradise."

Thirteen islands ito na magkakahiwalay. Kokonti lang ang pagitan ng bawat isla. Kailangan sumakay sa bangka o speed boat para makarating sa isa pa. Ang tubig dagat, kulay asul na may halong berde. Sobrang linaw nito kaya nakikita mula sa itaas ang ilalam.

Bawat island, may pamilyang nagmamay-ari. Private islands ang labing-dalawa dahil iyong pinakamalaki na nasa pinakagitna, ginawang public place ng pamilyang de Carpio.

Ang Isla de Carpio ay hugis gitara kapag nasa itaas. Kasing laki nito ang pinagsamang Roa Island and Loriete Island. Ginawa itong public place tatlumpong taon na ang nakakaraan. Ginawang capital ng mga islands. Pinatayuan ng palengke, private schools, hospitals, parks at iba pa.

Ang isla namin, Roa Island, hugis tabinging puso. Sa pinakadulo, may mataas na parte. Ito lang ang islang may ganitong style, 'yong tipong may bangin at ang ilalim batuhan at dagat. Dito nangyari ang pagkakaaksidente ni ate kaya hindi ko alam kung gugustuhin ko pang bumalik sa isla namin.

Hindi naman doon ang tuloy namin dahil sa Loriete lsland kami magbabakasyon, obviously ang pamilya nina Grant ang nagmamay-ari niyon. Ang hugis ng isla ay dalawang pinagsamang maliit at malaking bilog. Mukha siyang number eight or infinity. Kaya bagay talaga kami.

Heart and Infinity.

"Hindi ka pa bababa?" Napakurap-kurap ako nang magsalita si Grant. Saka ko lang napansin na tumigil na ang malakas na ugong ng chopper. Nakalapag na pala kami sa rooftop ng Loriete Palace.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon