IAR [13]

90.4K 2.8K 230
                                    

-13-

NAIS KONG idilat ang mga mata kaso inaantok pa talaga ako. Kaya lang hindi ko gusto ang nararamdaman ko. 'Yong feeling na may nakatingin sa 'yo at 'yong titig niya parang hinuhubaran ka... gusto kang kainin nang buo?

May pumisil sa 'king pisngi. "Wake up, baby." May bumulong din niyan sa tainga ko. Kaso wala ako sa tamang pag-iisip. Hinahatak pa rin ang talukap ng aking mga mata.

Ngumiwi ako nang pisilin niya ulit ang magkabilaan kong pisngi. Pinalo ko ang kamay niya. Pumihit sa kabilang side ng kama. Napabalik ako sa dating p'westo nang hatakin niya ako. Niyakap. Pati ang isang binti niya nakayakap sa legs ko. Napabalikwas na ako. Nawala ang antok.

"May kasalanan ka pa sa 'kin na kailangan mong bayaran." Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa hininga niyang tumatama sa 'king balat. Hindi pa siya nakuntento. Kinagat pa ang tainga ko. Nanlalaki ang mga matang hinarap ko siya nang marealize kung sino ang katabi ko.

"W-What are you doing here, Grant?" Itinulak ko ang dibdib niya para makaalis mula sa pagkakayapos niya pero hindi man lang siya natinag.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Ang laki ng kasalanan mo, 'tapos hindi mo man lang ako babatiin ng good morning?" Nakapaibabaw na siya ngayon sa nanginginig kong katawan. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot at inangat ito hanggang sa matakpan ang ilong ko. "Pinahirapan mo pa ako sa pagbubuhat sa 'yo galing rooftop hanggang dito."

"G-good morning, ano ba'ng kasalanan ko?" Akala ko ba napatawad na niya ako? "And what are you doing here?"

Hindi kami tabi matulog. Nasa kabilang kwarto dapat siya. Ano'ng ginagawa niya rito nang ganito kaaga? Ibig sabihin nagtabi kami? Malalagot kami kay Aling Cora kapag nalaman niya.

May pagkaconservative kasi si Aling Cora, kaya gano'n na lang ang kaba ko nang nakita niya kami sa sala kahapon na nakapaibabaw ako kay Grant. Lalong uminit ang pisngi ko nang maalala ang tagpong iyon. Nakakahiya talaga.

"Tinulugan mo lang naman ako nang hindi man lang nabibigyan ng midnight kiss," nakangusong sagot niya. Hinila ang kumot sa katawan ko at ihinagis sa paanan ng kama.

Arg! Grant naman.

"M-midnight kiss?" naguguluhang tanong ko habang tutop pa rin ang bibig. Ang dami na nga niyang nakuhang kiss sa 'kin kahapon, eh. Sunrise kiss, underwater kiss, after-cave kiss, before-lunch kiss, after-lunch kiss, sunset kiss at twilight kiss. Tapos meron pa pala no'n?

May fetish ba siya sa kiss?

Malapit na kaming maging endorsers ng Hershey's Kisses.

"Tinulugan mo ako. Hindi nakumpleto ang package-kiss para kahapon." Package-kiss? Mapungay ang abuhing mga mata niya habang mas lalong lumalapit ang kanyang mukha. Lumalabas din ang dimples niya dahil sa pagngisi-ngisi niya.

Kumalabog tuloy ang puso ko. Nagwawala. Napatingin ako sa kabilang side para umiwas. Dama ko na rin ang katawan niya sa 'king katawan. Hindi nga lang mabigat dahil nakatukod ang mga kamay niya sa tagiliran.

"S-sorry... hindi mo ba alam na narcoleptic ako? Insomniac ka samantalang ako narcoleptic kaya sorry na. 'Di ko naman sinasadya, eh."

Bata pa lang ako may narcolepsy na ako. Ito ang kabaliktaran ng insomnia. Kung ang insomnia nahihirapan makatulog, ang narcolepsy naman nakakatulog ka na lang bigla lalo na kapag pagod na pagod ka na. Madalas na nangyayari sa 'kin ang bagay na 'yon. Ang huling beses no'ng time na nagsagutan kami ni Grant kinaumagahan matapos nang may dinala siyang babae sa bahay. Napalunok ako nang sunod-sunod nang maalala ang tagpong 'yon.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon