IAR [21]

72.9K 2.2K 174
                                    

-21-

SUMALAMPAK AKO ng upo sa kama at humalukipkip. Katatapos lang tumawag ni mommy. Hindi raw siya makakasama sa lakad namin ni Angel dahil may aasikasuhin sila ni daddy. Kasama sila sa mga naghahanda sa gaganaping Christmas party ng thirteen families bukas ng gabi.

Pupunta kami ni Angel ngayon sa shop na pagmamay-ari ng mga de Carpio. Kasama namin ni Gel sina Denice at Keziah dahil wala pa siyang nahahanap na formal attire para bukas.

"Hindi ba pwedeng magpahinga muna ako ngayong araw?" Reklamo ko at pabagsak na humiga. Lumunok ako. Hinawakan ang leeg dahil sa pamamalat ng boses. Napapagod pa talaga ang katawan ko sa ginawang pagtakbo kahapon at pagsigaw sa ipis na nagngangalang Green. 'Tapos aalis ulit ako ngayon? Bukas may party. Wala bang pahinga muna?

Nababanas talaga ako kapag naaalala si Green. Ayoko nang isipin kung ano'ng nangyari sa amin kagabi dahil mababadtrip lang ako. Mapapatay ko talaga siya once na makita ko.

"Hello, pretty Xhai, I love you!" Napangiti ako't binalingan ang light brown na stuffed toy na nadaganan ng aking siko. Ito ang regalo ni Brix sa akin nung birthday ko. Kagabi ko lang nabuksan. Ang cute. Kasing laki siya ng unan na aking hinihigaan. Kinuha ko 'yon pati ang stuffed toy na kulay heather na may mix na hyacinth color. Mas malaki ng konti sa stuffed toy na nagsasalita. Ito naman ang regalo ni Grant sa 'kin. Masaya ako dahil sa dalawang stuffed toy na 'to. Adik na adik talaga ako sa ganito.

"I love you, baby G." Hinalikan ko iyong mas malaki na may heart na bulsa sa malaking sikmura. "I love you too, baby B," baling ko naman sa may BV sa gitna. "Aalis muna si mommy."

"Just tell me if you want to have a real baby."

Napatalon ako paalis sa kama dahil sa gulat. "Baby!" Napahawak ako sa bibig dahil sa nasabi. Ngumisi naman si Grant at lumapit.

"Aalis ka?" Hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya dahil ang buong atensiyon ko ay doon sa unang sinabi niya at sa magandang tanawin na nakatayo sa harap ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko makontrol. "Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" Kumunot ang noo niya at sinapo ang aking noo.

Napaiwas ako ng tingin. Lalo akong kinabahan nang husto. Paano ako makakatulog kung anong oras na ako nakauwi? Mabuti nga naunahan ko pa rin siya kung hindi, yari na. Hindi niya rin nalaman na pumunta ako ng pub. Ang laki talaga ng utang na loob ko kay Serg.

Hayop kasi si Green. Nagmayabang lang naman ang ipis na 'yon kagabi. Siya raw ang number 1 illegal racer sa Pilipinas. Halos inikot namin ang buong Metro Manila sa pagmamayabang niya kaya anong oras na kami nakauwi. Number 1 nga, illegal naman. Ipapakulong ko talaga ang ipis na 'yon.

"Pupunta kami ni Angel sa mall. Kasama namin sina Denice at Keziah, maghahanap ng susuotin para bukas." Nagpapasalamat ako dahil nagawa kong makapagsalita nang diretso. "Papasok ka na ba? Magpapasko na, papasok ka pa rin?" dagdag na tanong ko para hindi na siya mag-usisa pa.

Ngumiti siya kaya napalunok ako. Nakakainis! Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Isang ngiti lang, kahit na kagigising mo pa lang, kumpleto na ang araw mo?

"Why? Do you want to make a real baby?" Nasapak ko siya sa gulat. Humalakhak lang ang loko at hinapit ako sa bewang. Ibinaba niya ang mukha at inilapit ang bibig sa tapat ng tainga ko. Kinilabutan ako. "Para next Christmas, hindi na stuffed toy ang sasabihan mo ng I love you, kung hindi totoong baby na. Baby nating dalawa," bulong niya sa bandang leeg ko at hinalikan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang sinipsip niya nang bahagya ang balat ko.

Nabigla ako. Nawiwindang sa mga ikinikilos ni Grant. Nakakapanibago.

Umiwas ako dahil ayokong magkaroon ng hickey. Baka mahuli ulit ako ni Angel. "Uhm..." ngali-ngaling batukan ko ang sarili. Natameme ako. Ano ba dapat ang sasabihin ko? 'Oh sige, baby, I want to make a real baby.' O kaya, 'Oh, c'mon baby, you don't have to ask about it, just do it?' Magmumukha naman akong desperada nun. Pero shit kasi. Gusto ko ng idea niya. "Uhmm... K-Kasi, Grant..."

Tumawa ulit siya. Halos himatayin na kasi ako. Pinagtitripan niya yata ako. Magkapatid talaga sila ni Green. "I need to go. May aayusin lang ako sa office, uuwi rin agad ako para magpahinga dahil sa party bukas. Mag-ingat ka sa lakad n'yo ni Angel. Call me if there's a problem." Pinisil niya ang pisngi ko at tumalikod. Napanguso naman ako. Disappointed.

Hinawakan ko ang braso niya. Inayos ang gusot sa suot niyang cerulean long sleeves at tabinging necktie. Ako lang ba ang nakakaalam na mas nagiging gwapo siya kapag nakapang-office attire? Gusto ko tuloy 'wag na lang siyang pumasok at paunlakan ang sinabi niya kanina. Agad kong ipinilig ang ulo para mawala ang naiisip ko.

"Ingat ka rin." Mabilis ko siyang dinampian ng halik sa pisngi.

Nagulat ako nang muli niyang ipinulupot ang braso sa bewang ko at idiin ang katawan ko sa kanya. Bago pa ako makapagreact, nahalikan na niya ako. Mabilis lang. Pero wala pang ilang segundo, muli niya akong hinalikan. Mas mariin at matagal. Natigil ako sa paghinga pero ang puso ko hindi na maawat sa pagwala. Pakiramdam ko may intensity 7 na lindol sa loob ng tiyan ko. Normal ba 'to?

"I'm starting to sink, baby," garalgal na usal niya na mas nagpabaliw sa 'kin. Muli niyang pinakawalan ang labi ko at muli ring sinakop. Wala na. Hindi ko na alam kung saang lupalop na ako napadpad.

I want the sweetness and softness of his lips. I like the scent of his breath. I like the uncontrollable speed of my heartbeats. I love being this close to him.

I just love him, everything about him

Ang kamay niya sa bewang ko'y gumagalaw paakyat. Dumikit ang likod ng tuhod ko sa gilid ng kama. "I can't..." Siniil niya ulit ako ng halik. Mas mariin. Mas matagal. Mas nakakabaliw. "I can't stop..." bulong niya sa labi ko kaya naibuka ko ang bibig dahil sa gulat.

"Grant..." I gasped when he gently bit my lower lip. Napahawak ako sa dibdib niya para kumuha ng suporta dahil sa panginginig ng mga tuhod. I could feel the erratic pounding of his heart. Natigilan siya bigla at lumayo. Sinabunutan niya ang buhok. Mabilis pa rin ang hininga. "W-Why?" Kumunot ang noo ko. Kinakabahan ako. Humakbang ako palapit pero bigla siyang tumalikod.

"I'm really digging my own grave in hell. Damn!" Kumuyom ang mga kamao ni Grant. "If the time will come that I tug you, don't come with me. Don't bury yourself with the devil. Save yourself from me, Heather." Mabilis siyang lumabas ng kwarto at isinarado ang pinto.

Napasalampak ako sa gilid ng kama dahil sa panghihina. Ngayon ko lang napakawalan ang pinipigilan kong hininga. Kinagat ko ang labi at hinawakan. Naguguluhan ako. Why? All of the sudden, he just left me hanging; thinking vague things.

What did he mean by saving myself from him?

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon