Epilogue

116K 2.5K 1.1K
                                    

Copyright © chiXnita

Hindi ito panaginip. Hindi ilusyon. Lahat ay totoo.

Sulit ang lahat ng sakit. Natumbasan ang baldeng mga luha. Nasuklian ang bawat sakripisyo.

Trese Paradise. Roa Island. September 18, 20**. 6:13 PM. Seashore. Sunset.

Thirteen families. Relatives and friends. Hot Dogs and Sexy Chicks. Nandito sila, saksi sa napakaimportanteng kaganapang 'to. Nandito sina Aling Cora at Mang Kiko kasama ang kanilang kambal na sina AJ at JA. Gano'n din sina Mina, Pau at Fae. Hindi rin nagpahuli si Mang Tuko at ibang kakilala.

Kaso wala sina Brix at Angel.

Nakakatampo! Pero ano'ng magagawa ko?

Wala akong pakialam sa kasuotan ng karamihan. Hindi ko naaappreciate ang malamyos na background music, ang malamig na simoy ng hangin, ang mga dekorasyan, ang purple na carpet na nakalatag sa puting buhangin, o ang mga pamilya namin na napapaluhang nakatitig sa'min.

Nakatuon lang ang atensiyon ko kay Heather na ngayon ay nakatayo sa harapan ko, namumula ang mga mata, habang sinasabi ang vows niya. Damn! Sa wakas... ito na.

Hindi ko siya gaanong naiintidihan kasi halos mabingi na ako sa pagwawala ng lintek na pusong 'to.

Gusto kong hilahin ang oras kasi gusto kong tapusin na. Mas gusto ko yata ang naghihintay sa grange ng Loriete's Island. Alam ko namang nagpipills siya. Hindi naman ako baog kaya nagtataka ako kung bakit wala pa ring bunga.

Pero mamaya, sisiguraduhin kong hindi matatapos ang gabing 'to... nang wala akong nabubuo.

"Grant Turner Loriete... listen to me!" Pinitik niya ako sa noo dahil natulala lang akong nakatitig sa kanya. Narinig ko ang tawanan pero bigla na lang may bumagsak na luha sa'king mata. Takte!

Akala ko iiyak lang ang isang tao kapag nasasaktan siya nang sobra pero iiyak ka rin pala sa sobrang saya.

"Sabi nila ako ang pinakamartir na babae sa buong mundo dahil hindi kita kayang ipagpalit kahit kanino. Pero ang hindi nila alam hanggang ngayon baliw na baliw pa rin ako sa'yo," aniya't humagikhik.

"Because without you, Grant, I'm nothing. With you, I'm something. Together, we're everything." 'Yun ang lyrics sa kanta na sinulat niya. Pinunasan niya ang pisngi ko. Lumulutang ang pakiramdam ko. "'Yung ibang couples gusto parehas sila ng damit, ng phone at kung ano-ano pa. Ako? Last name mo lang okay na. 'Yun ang pangarap ko noon pa pero bukas paggising ko... parehas na tayo ng apelyido."

"Hindi mo na rin ako kailangang sunduin sa trabaho para ihatid pauwi sa bahay namin kasi simula ngayon titira na tayo sa bahay natin. I can't promise not to make you mad. I can't promise that I won't hurt you again. All I can promise is that I want you in my life and I'll do anything to keep you there. I'm going to fight for it because you're worth it. At palagi mo sanang tatandaan, Grant Turner Loriete, na... you're not my number one; you're my only one!"

May mga sinabi ang pastor na nagkakasal sa'min, pero hindi na pumasok sa isip ko. Lahat ng thirteen families ay born-again Christians. Ang gusto ko sa simbahan mismo kami ikasal pero ang gusto niya'y beach wedding.

Marami raw siyang memories sa dagat kaya ano pa bang magagawa ko?

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya. Nanginginig ang mga 'to pero mas masahol pa yata 'yung pangangatog nung sa'kin at nagpapawis pa. Tensiyonado ako't duda kung maisusuot ko nang maayos ang singsing sa kanya.

Tumutugtog ang kinompose niyang kanta. Dahil siya mismo ang gumawa nito at ito ang pinakapaborito kong kanta sa buong mundo'y ito na rin ang theme song ng kasal namin.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon