IAR [9]

123K 3.4K 676
                                    

-9-

NAPAHAWAK AKO sa noo nang may tumamang maliit na kahon. Pinandilatan ko si Angel. "Nakahithit ka ba?" Hinimas ko ang noong nagkabukol na yata. Ibinato ko pabalik ang box. Kaso pinagana niya ang pagiging action-star niya. "Arg! Bakit umiwas ka?"

"Malamang matatamaan ako! Ang bobo nito." Binato niya ulit ako. Tinamaan ako sa braso.

"Seryoso, Gel. Ano'ng problema mo?" Kanina pa nga ako nababadtrip. Dadagdag pa siya.

"Ikaw... ikaw ang problema ko!"

"B-bakit? Ano'ng ginawa ko sa 'yo? Hindi naman ako ang nagsabing outfit ni Tinkerbelle ang suotin mo!" Na hanggang ngayon suot niya pa rin.

"Gaga! Ano'ng kinalaman ng suot ko sa pamumutla mo?" Kinuha niya ang may kalakihang regalo. Napasugod tuloy ako sa kanya.

"'Wag mo namang sirain ang mga gifts ko!" Inagaw ko ang hawak niya. Lalayo na ako nang hawakan niya ang kamay ko't hinila ako paupo. "Ano ba, Gel?"

"Anong ano ba, Gel? Sasapakin na kita, umayos ka!" banta niya kaya napasimangot ako.

Nandito kami sa loob ng guest room, kasama ang mga nakatambak na regalo. Bubuo na sila ng isang bundok kapag pinagpatong-patong ko.

"Bakit ba kasi?" Umupo ako nang pa-Indian style. Nakapagpalit na ako ng pajamas. Nangangati kasi ako sa gown. Ang sakit din ng sakong ko dahil sa heels, mukhang magkakapaltos.

Umirap si Angel sa ere. "Bakit hindi ka bumalik kanina? Ano'ng nangyari sa 'yo sa loob ng banyo? May nakita ka bang multo? May lumabas na undin sa inidoro? May sumapi sa 'yong engkanto? May— tangina... ano'ng problema mo?" Sinapak ko nga.

"P-pinagsasabi mo. Masama lang talaga ang pakiramdam ko." Humalukipkip ako habang itinatap ang mga daliri sa legs ko.

Pinagtaasan niya ako ng kilay na sign na hindi siya naniniwala. Tinuro niya ang daliri ko. "Marunong ka ng magsinungaling sa 'kin?" Tumayo siya't pinagpagan ang laylayan ng damit. "Masama pakiramdam mo? Wait, tatawagin ko lang si Grant. Diyan ka lang--"

Hinawakan ko ang paa niya para pigilan siya. "M-may humalik sa 'kin. P-pero, Gel, h-hindi ko 'yon ginusto. 'W-wag mo namang sabihin kay Grant, oh."

Alam kong hindi si Grant dahil Xhai ang tawag sa 'kin, hindi Heather. Kapag naiisip ko si Grant, naguguilty ako. Hindi ko talaga alam kung bakit gumanti ako.

"'Yon naman pala— Tangina! ANO?" Napasalampak ulit siya sa harapan ko.

"I swear, n-nabigla lang din ako kaya—"

"May humalik sa'yo? Sino? Masarap ba—" Tinakpan ko agad ang bunganga niya.

"'Wag kang sumigaw. B-baka may makarinig sa 'yo." Nagulat na lang ako nang bigla siyang humalakhak kaya sinapak ko ulit. "Ano ba? Namomroblema na nga ako nagawa mo pang tumawa?"

"Akala ko naman kung ano na. 'Yon lang pala." Grabe. Akala ko totoong nagulat siya, joke lang pala. Ibang klase.

Napakasupportive na best friend. Lecheee.

"Hinalikan ako ng kung sino tapos wala lang sa 'yo?!"

Napailing siya. "Ano bang pinagmamaktol mo? 'Yong hindi mo kilala ang taong 'yon o may ibang dahilan pa? 'Wag mong sabihin na..." Tiningnan niya ako sa mga mata. Oh, no! "Tangina! Gumanti ka ng halik? Nasarapan ka, 'no?" Humagalpak siya.

Sobrang transparent ko ba talagang tao para malaman niya ang iniisip ko?

"Good! Ibig sabihin nagustuhan mo ang halik ni Mang Tuko," tukoy niya sa bungi naming security. Nalaglag ang panga ko.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon