IAR [17.5]

79K 2.4K 185
                                    

-17.5-

"NAGUSTUHAN MO ba ang birthday gift ko para sa 'yo?"

Katatapos lang namin kumain. Kung kanina nagrereklamo ang tiyan ko dahil sa gutom, nagrereklamo pa rin ngayon dahil sa kabusugan. Ginawa akong baboy ng lokong 'to. Mabuti na lang hindi ako nagka-impatso.

Inubos niya yata lahat ng pagkain dito sa resort. Kung palagi akong nandito, tiyak na lugi ang negosyo. Ang takaw ko kaya. Wala pa akong kain buong maghapon.

Nagsusuot ako ng pang ice-skate na boots, natigilan at tumingin sa kanya. "Ha? Anong gift?" Saka ko lang narealize na dapat hindi na lang ako nagsalita.

"Hindi mo pa nakikita?" Natigilan din siya sa pagsuot ng boots. Umiwas ako ng tingin at napakamot sa ulo.

"Ah. 'Y-yong regalo mo? Oo naman, ang cute nga, eh. Salamat, ha?" Pero sa totoo lang, hindi ko pa natitingnan mga gifts na natanggap. Si Angel lang ang naghalungkat. Kay Grant pa lang ang binuksan ko. Malaking stuffed toy. Mahilig kasi talaga ako sa stuffed toys. Kaya baka gano'n din ang regalo ni Brix. "'Yong stuffed toy na nagsasalita?" Gusto kong batukan ang sarili. Paano kung hindi gano'n ang gift niya. Siguradong magtatampo siya.

God, Heather. Ang tanga mo talaga.

Bigla siyang ngumiti. Hindi ko pinahalatang nagulat ako. Seryoso? Stuffed toy nga na nagsasalita? Gusto ko na tuloy makita. Sigurado akong magugustuhan ko nga 'yon.

"Tara! Ice skating na tayo. Kapag hindi ka pa rin natuto ngayon, hindi ka makakauwi sa inyo!" Tumayo siya at hinila rin ako patayo.

"A-ano? Ilang taon mo na akong tinuturuan pero hindi ko pa rin mabalance ang sarili ko." Nanlalaki ang mga mata ko. Mabuti sana kung race ng kabayo tiyak na ako ang mananalo. Ice skating? Joke ba 'yon? "Hindi p'wede! Baka hindi na ako makauwi."

"'Yon nga ang gusto ko. Dito ka lang kasama ko," seryosong sambit niya. Hindi ako nakaimik at natulala. "Joke!" Pinisil niya ang pisngi ko.

Sasapakin ko na sana siya kaya lang bigla siyang lumayo. Binalance ko ang sarili, sa kasamaang palad hindi ko nagawa. Lumapit si Brix para alalayan ako, pero nasama rin siya sa pagbagsak. Una siyang sumemplang sa madulas na yelo. "Ouch!" Napahawak ako sa mukha nang tumama sa tiyan niya. "'Wag ka nang mag-g-gym. Ang tigas, eh. Masakit!" Umupo ako pero hinila niya ako pabalik.

"What? Ano'ng matigas?" Salubong ang kilay niya, pero may nagbabadyang ngisi sa mukha. Kinagat ko ang labi at sinimangutan siya. Loko-loko talaga. Nakatingin lang ako sa mukha niya na ngayon ko lang narealize na sobrang lapit pala. "Ano'ng matigas, Xhai?"

Napabitiw ako sa tiyan niya bigla. Humalakhak siya kaya tinakpan ko ang mukha niya. "Wag ka ngang tumawa!" Muli siyang napahiga sa yelo. Hawak niya ang likod ko kaya naisama niya ulit ako. Nasubsob ako sa dibdib niya. Naririnig ko ang pintig ng puso niya. "B, t-tayo na!"

"Tayo na? Sige ba?" Kinurot ko siya sa tagiliran nang marealize ang sinabi niya.

"Naman, eh. Tayo na nga!"

"Oo nga. Tayo na, Xhai!" Hindi ako makaalis dahil sa mahigpit na pagkakayapos niya. Kinagat ko ang dibdib niya nang hindi pa rin siya tumatayo. "Xhaiden!"

"Tumayo ka na kasi!" Inilayo ko ang mukha. Pero mas hinapit niya ako.

Umayos siya nang higa, humarap. Nakatagilid kami paharap sa isa't isa. Nailang ako bigla. Pinilit kong tumayo. Hindi niya ako binibitiwan. Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. "Mamaya na, Xhai."

"M-malamig ang yelo," wala sa loob na sabi ko. Simula nang malaman kong mahal niya ako, naiilang na ako. Pinipilit ko lang na umaktong wala lang. Normal. Pero paano ko gagawin 'yon kung ganito siya?

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon