IAR [14.5] - Silver

92.2K 2.6K 487
                                    

-14.5-

Silver's POV

ANG MAKITA siyang umiiyak sa 'king harapan ay ang pinakamabigat na pakiramdam. Ang naisin siyang masaktan ay ang pinakahuli kong hihilingin sa sanlibutan.

Nakatitig lang ako sa kanya habang malayo ang tingin niya sa dagat. Tagus-tagusan ang tingin sa nagbabagang-ulap at araw na papalubog. Nakaupo siya sa puting bungahin. Nililipad ng hangin ang nakalugay na buhok. Nakasuot ng white top na walang manggas at pajamas. May hawak siyang stick na itinutusok-tusok sa buhangin.

Kahit malayo ako sa kanya kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Umiiyak na naman siya?

Ano ba'ng dapat kong gawin para hindi na siya masaktan pa?

Ikinuyom ko ang mga kamao. Hindi naman kasi ako ang taong makakabuo sa kanya. Mahal na mahal ko siya, to the point na kakayanin ko lahat kahit na paulit-ulit na akong nagpapakatanga.

Hinding-hindi niya naman kasi ako makikita. Kahit tanggalin ko ang takip kong maskara, hindi niya ako magagawang mahalin kahit katiting lang kumpara sa pagmamahal ko sa kanya.

Gusto ko siyang protektahan. Gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ko. Handa kong isuko ang lahat para sa kanya.

Tanga ba ako? Kasi kahit ibang tao ang gusto niyang makasama... ito pa rin ako, patuloy na lumalapit sa kanya.

Madalas akong ganito. Hanggang titig lang mula sa malayo. Palagi siyang binabantayan. Kasi gusto ko kapag nasa panganib siya o kailangan niya ng masasandalan, mabilis ko siyang malalapitan.

Hindi ko naman siya inaabala. Hindi ko siya kinukulit matapos ng birthday niya. Kasi ito ang gusto niya. Ayoko ring sirain ang bakasyon nilang ito ni Grant, ang lalaking hindi ko maintindihan kung ano'ng nakita niya at ayaw niyang pakawalan. Sinaktan na siya't lahat ayaw niya pa ring sukuan.

Mapapatay ko sarili ko kapag bumitaw ako. Hangga't kaya ko... gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Mapakla akong ngumisi. Tanga nga yata talaga ako.

Napabuga ako ng hangin at inayos ang silver na maskara. Lumapit ako sa kanya. Hindi ko rin siya kayang isuko. Gusto ko siyang iligtas sa sitwasyon niya.

She doesn't love Grant.

Hindi pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Grant.

Obsession and love are different.

I clenched my fists. My body was unsteady. Alam ko ang tungkol sa sakit niya. Hindi na importante kung paano ko nalaman. Ililigtas ko siya. I don't know how. But...

I'd sacrifice everything.

Paunti-unti kong pinapatay ang sarili ko sa ginagawa ko. Pero siya ang nakasalalay rito. Kasiyahan niya. Maging masaya lang siya, kumpleto na ulit ako. 'Yong totoong ngiti ang makikita ko sa kanyang mga mata. 'Yong tunay na tawa ang lalabas sa bibig niya.

Kahit na sa huli... hindi siya magiging akin.

Hangga't hindi ako nauubusan ng baraha, gagawa ako ng paraan. Kahit na ang sarili ko mismo ang masira ko, ayos lang.

Alam ko... kasama niya si Grant sa bakasyon na 'to, pero hindi siya masaya. Kilala ko siya. Nagpapanggap na naman siya. Gano'n ba talaga kahalaga si Grant sa kanya?

Ano ba'ng meron kay Grant na wala sa 'kin?

Halos ikamatay niya kahapon ang nangyari kay Grant. At wala akong nagawa para sa kanya. Wala na naman akong nagawa.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon