IAR [38]

61.2K 2.4K 606
                                    

Copyright © chiXnita

SINUNDAN KO ng tingin ang bawat hakbang na ginagawa ni Grant palapit sa 'kin. Habang lumalapit ang distansiya niya ay lalo namang bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Idinikit ko ang likod sa pinto ng sasakyan para hindi matumba. Hindi niya maalis ang titig sa'kin. Gano'n din ako sa kanya. Kahit kumurap ay 'di ko magawa.

Four months.

Mahigit apat na buwan ko siyang hindi nakita. At hindi ko inaasahan na siya ang kauna-unahang tao na masisilayan ko.

Agad-agad?

Sa lahat ng tao siya pa talaga?

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Pucha! 'Di pa ako ready, Lord.

Kailangan ko munang huminga.

Gustong-gusto ko siyang makasama, pero hindi pa talaga ako handa. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano'ng dapat iakto.

Wala pa akong napraktis na speech. OMG!

Nag-undergo ba talaga ako ng therapy? Ba't wala namang pinagbago? Gano'n pa rin epekto n'ya sa 'kin, eh.

May lindol ba? O ganito lang kalakas ang tibok ng puso ko na niyayanig ako.

Sa mahigit apat na buwan, wala namang pinagbago sa physical features niya. Maliban sa buhok niyang bagong trim yata. Nakasuot siya ng lavender longsleeves na nakatupi hanggang siko, trousers at black shoes.

Nakakasiguro akong on the way siya papuntang opisina.

Tumigil siya sa harap ko. Wala na yatang tatlong talampakan ang pagitan namin. Gusto kong umatras, kaso dikit na dikit na ang likod ko sa sasakyan. Naririnig ko na talaga ang tibok ng aking puso.

Kalma, heart. Ba't ba nababaliw ka na naman?

Akala ko ba okay ka na?

Parang gusto kong kumaripas ng takbo at bumalik kay Tita Brenda. Huhu!

Isinuksok niya ang kaliwang kamay sa bulsa at ang isang kamay ay idinala sa batok niya. Ang aliwalas ng kanyang mukha.

Muli ko na namang nakita 'yung maliliit na biloy niya sa magkabilaang pisngi nang siya'y ngumiti.

Sht! Ba't ako nagpapanic?

Ano ba, Heather?! Alam mo na kung paano i-handle ang lalaki, 'di ba? Remember the STARS. Stay calm. Think first before you talk. Always appreciate his efforts. Remember: attitude over beauty. Smile.

At unang-unang ang... stay calm. Ba't mukha kang tanga diyan?

Pero hindi talaga ako makalma lalo na't...

He looked so hot and yet so delectable at the same time. At the moment, it felt as if we were the only people in this place. I felt that I was just imagining him, but I know he was real. He's really standing in front of me. Staring at me... sexily.

Haha! Ang saya-saya. Ang sarap mag-headbang.

Oh God... I missed him!

"Hi...?" basag niya sa katahimikan. Pati ang boses niya namiss ko.

Nahigit ko naman ang hininga. Seriously, hi?

What should I suppose to say? Hello? Hi, too? How are you?

Wala akong nasabi at naibaba ko lang ang tingin sa kanyang dibdib. Then, reality hit me. Grant was so close to me.

When I realized that, I suddenly had trouble breathing. Sa bawat hugot ko kasi ng hininga ay ang samyo niya - na pinaghalong aftershave at likas na amoy niya, na sobrang namiss ko - ang kumikiliti sa ilong ko pati na rin sa imahinasyon ko dahil naglulumikot na naman ito.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon