BONUS Chapter

84.1K 1.5K 189
                                    

Copyright © chiXnita

Grant’s POV

Three months later after the wedding…

SA WAKAS, may nakalap ng impormasyon ang mga inutusan kong magpaimbestiga kung sino ang mga Hunters na ‘yon.

Halos isang taon ang hinintay ko. Sana ngayon, matahimik na ako.

Kasama ko si Vlaire. Sinusundan namin si Xyrus. Sabi kasi nung nagtip sa ‘min… malalaman namin ang lahat kapag sinundan namin siya. Dahil ngayong araw na ‘to, makikipagkita siya sa leader ng Hunters.

Wala akong maintindihan. Ano’ng kinalaman ni Xyrus sa mga Hunters? Pero dahil sobrang desperado na ako at si Vlaire ay hindi na kami nagdalawang-isip.

Hindi ko lubos akalain na magiging partner in crimes ko si Vlaire. Never iyong pumasok sa isip ko. Pero ngayon… magkasama kaming dalawa, kinakabahan sa maaaring makita.

Nandito kami sa Canada. Nagsinungaling pa ako kay Heather na may appointment ako kahit wala naman talaga. Ayoko lang na mag-alala pa siya.

Pero ano’ng ginagawa ni Xyrus dito sa Canada?

Takang-taka kami ni Vlaire… lalo na at may mga kasama pa siya. Hindi namin mga kilala. Mga babae at lalaki na sa tingin ko’y kasing edad lang din namin.

Mabuti hindi nila napapansin na may sumusunod sa kanila. O, hindi lang talaga mapapansin kasi sa itsura ng mga mukha nila’y parang pasan nila ang daigdig at susugod sa giyera.

Akala namin, pupunta sila sa isang sekretong lugar… kasi nga kung iisiping mabuti mapanganib ang mga Hunters na ‘yon. Ilang beses bang napahamak si Heather nang dahil sa kanila? Na kung tutuusin bakit madadamay kami, eh hindi nga namin sila kilala?

Kaso naputol lahat ng mga pinag-iisip ko nang pumasok si Xyrus at mga kasama niya sa isang restaurant at nakita namin… si Angel.

Sa tabi ko, naistatwa si Vlaire. “A-Angel Faith…? What the hell is she doing here? Wait! Oh, my God, siya ang leader ng Hunters?”

Tumawa ako na ikinakunot ng noo ni Vlaire. “Leader ng Hunters? Si Angel? Nagpapatawa ka ba—”

Pero nanigas din ako nang tadyakan ako ng maraming possibilities.

Ang pagiging astigin ni Angel. Dati palang napapaisip na ako kung bakit hindi ko siya makaya nung binugbog niya ako kahit na babae siya?

‘Yung nangyari sa birthday party ni Zyle, na kahit wala ako’y naikuwento sa ‘kin ni Heather. Ano’ng nangyari sa kanila ni Xyrus ng gabing ‘yon? Hanggang ngayon, walang nakakaalam sa ‘min maliban sa kanilang dalawa.

So, all this time… alam ni Xyrus ang lahat?

‘Yung nangyaring aksidente sa Isla de Carpio. Sabi ni Vlaire, ang punterya ng may gawa nun ay Hunters. Bakit? Dahil kakilala namin si Angel? Tangina! Bakit nadadamay kami?

‘Yung pagkakadukot nina Bianca at Leo kay Heather dahil din sa kagagawan ng mga kalabang grupo ng Hunters. Takte lang talaga!

‘Yung pagiging kalmado ni Angel nung araw na ‘yon na parang sure na sure siyang kaya niyang iligtas si Heather. ‘Yung pagpapatulog niya sa ‘kin sa isang iglap. ‘Yung pagbuo niya ng plano na kahit sino ay mapapamaang kung paano niya naiisip at nagagawa ang mga ‘yon. ‘Yung natrack niya ang location ni Heather nang walang kahirap-hirap. ‘Yung pagsugod niya sa loob na parang wala siyang katakot-takot na mapahamak.

What the fuck? Dahil ba siya nga ang leader ng Hunters? Sht!

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako napamura. Sumugod si Vlaire sa loob ng restaurant. Nagpanic akong sinundan siya dahil hindi nila kami p’wedeng makita.

“Vlaire…”

“Tangina! Ano’ng ginagawa mo dito, Xyrus Helle?” Natigilan kami nang biglang mapatayo si Angel bago pa kami makarating sa kanila. Sobrang gulat na gulat ang aura niya. Hindi siya sumigaw pero halos takasan na siya ng dugo sa ‘king nakikita. “Bakit nandito kayo? Tangina!” baling niya sa mga kasama ni Xyrus.

Nag-isang linya lalo ang mga kilay ko. Hindi sina Xyrus ang hinihintay niya sa restaurant na ‘to? Kung hindi sila... sino?

Sobra nga yatang malakas ang pakiramdam ni Angel dahil bigla siyang napatingin sa direksiyon namin ni Vlaire. Halos panawan na siya nang ulirat sa naging reaksiyon niya. Napahawak siya bigla sa kanyang ulo at sunod-sunod na nagmura.

Napalingon sa ‘min sina Xyrus at kahit sila’y napanganga nang makita kaming nakatulala lang sa kanila at hindi makapaniwala.

“Gel, let’s go—”

Napatitig kaming lahat sa pamilyar na bulto na nanggaling yata sa comfort room. Namutla rin siya nang makita kami. Eh, paano naman kami na walang kaide-ideya kung ano’ng nangyari sa kanya sa loob ng isang taon… tapos bigla namin siyang makikita dito ngayon?

Fuck! Ano ba’ng nangyayari? Ano ba talaga ang nangyari?

Inalalayan ko si Vlaire dahil muntik na siyang matumba. “B-Brix?

*.*.*.*.*

SPOILERS ALERT! SPOILERS! Napakaraming spoilers dito sa IAR sa magiging story ni Angel. Hahaha. Sorry na! Anyway, connected lang kasi lahat ng stories ko kaya gano’n.

Thank you for reading IAR, guys. Salamat at hindi n’yo sinukuan sina Heather at Grant hanggang sa dulo.

Sana, may natutunan kayo kahit wala naman talaga at puro iyakan at ka-OA-han lang. Hahaha.

Hope you read my other stories, too.

Series po ang mga stories ko. TRESE Series. Kaya expect na ang mga Sexy Chicks at Hot Dogs pa rin ang maeencounter n’yo. Pero syempre, may mga ibang characters din.

*.*.*.*.*

TRESE SERIES (In order):

"HOT DOGS and SEXY CHICKS Stories!"

Series #1: In a REALationSHIT
Genre: Romance

Series #2: How to Love
Genre: Romance

Series #3: PROXYtute
Genre:  General Fiction

Series #4:  In a FLIRTationTRIP
Genre: Teen Fiction

PS: Don't spoil yourself. Read it in order.

Thank you ulit sa mga nagbasa. I love you, guys!

Kita-kits sa iba pang stories ko!

~ Chix♥

--

MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:

Facebook: Chx Loriete
Twitter: @chiXnita
Instagram: @chiXnita_wp

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon