IAR [20.5]

66.8K 2.3K 185
                                    

-20.5-

"DUDE, 'WAG kang epal. Minsan nga lang mag-entertain ng babae si Serg. Pabayaan mo na!" Nakatalikod ako sa kanila. Tumatago sa isang bouncer na nakatayo pero alam kong boses 'yon ni Jerson. Bahagya akong sumilip kahit na sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Hinila niya si Grant pabalik sa upuan nila. Saka lang ako nakahinga nang maluwag pero hindi pa rin kumakalma ang sistema.

"Tara na." Hinawakan ni Serg ang kamay ko. Inilayo ako sa mga nagkukumpulang tao. "Ihahatid pa ba kita pauwi?" Nasa harap na kami ng main road ngayon.

"Hindi na, Serg. Salamat, ha? Sige, balik ka na sa loob baka hinahanap ka na nila." Nginitian ko siya.

"Hintayin na lang kitang makasakay ng taxi." Bahagyang magulo ang buhok niya at nakalagay ang isang kamay sa bulsa.

"'Wag na. Alam kong hinahanap ka na nila Grant. Kaya ko na ang sarili ko." Tinapik ko ang braso niya. "Salamat talaga, ha?"Nabawasan na ang kabang nararamdaman ko. Uuwi na lang ako. 'Di na ako makikipagkita sa taong 'yon. Mapapahamak lang ako.

"Sigurado ka?" Tumango ako at muling ngumiti. Hinintay ko siyang makapasok sa loob ng pub. Kumaway pa ako.

Niyakap ko ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Madilim ang langit at wala ka man lang makikitang isang bituin. Namiss ko tuloy ang Trese.

"Ay!" Napatalon ako nang may humablot ng pouch ko. Hindi agad ako nakapagreact. Sinundan ko lang ng tingin ang lalaking tumakbo. Sisigaw na sana ako ng 'tulong' kaso ang mga tao, nakatunganga lang sa 'kin. Walang pakialam.

"Hayop ka! Mag-apply ka sa kompanya namin, kuya nang umayos ang buhay mo!" Hinabol ko ang lalaki. "Where are you going?" Wala na yata akong poise sa pagsigaw. "Hoy, bumalik ka dito!" Napamura ako nang lumiko siya sa isang madilim na iskinita. "Tumigil ka." Hinihingal na ako pero ang bag ko. Importante sa 'kin 'yon.

Kaya ko namang bumili ng gano'ng bag, pero kasi... bigay 'yon ni Grant.

Tumigil ang lalaki sa tapat ng isang kotse. Napatigil na rin ako at napanganga nang inabot niya ang pouch sa isa pang lalaki. Humakbang ako palapit sa kanila kahit nanginginig ang mga tuhod at hinihingal sa pagod.

"Boss, 'di naman ako masamang tao. Nakonsensiya tuloy ako. Pero salamat dito!" Itinaas ng humablot ng bag ang kamay niya. May hawak siyang pera.

"Umalis ka na," ani ng lalaking matangkad. Familiar ang boses niya. Nakaupo sa harapan ng kotseng nakabukas ang bubong. Nakatagilid sa 'kin. Hinahagis-hagis niya ang pouch sa palad. Inaninag ko ang mukha pero masyadong madilim at nakasuot pa siya ng itim. Natakot ako bigla. 'Di kaya mafia ang lalaking 'to? O baka nagrerecruit ng mga prostitute?

Tinakpan ko ang nakaawang na bibig. Baka naman gangster? Marami ba talagang gangsters sa Pilipinas?

Humarap sa 'kin ang humablot ng bag at yumuko. "Sorry po," aniya at tumakbo papalayo. Naiwan naman kaming dalawa ng lalaki. Hinahagis-hagis niya pa rin ang pouch ko sa ere.

Tumalikod ako. Wala na akong pakialam doon sa pouch. Ang bilis ng aking bawat hakbang. Masama kasi ang kutob ko. Nasa panganib yata ang buhay ko.

Pero napatigil ako. 'Yong pouch kasi... bigay na Grant, eh.

Isang hakbang na lang nasa main road na ako nang may dalawang lalaking sumulpot sa 'king harapan. "Hey!" Napapiksi ako nang hawakan nila ako sa braso at kinaladkad pabalik sa pinanggalingan ko. "Sino ba kayo? Bitiwan n'yo nga ako!" Kinagat ko ang braso ng isang lalaki kaso ako ang nasaktan. Robot ba ang mga 'to?

Tiningnan ko ang mukha nila at nakasuot sila ng sunglasses kahit na gabing-gabi na. Ang laki rin ng mga katawan, halatang batak na batak sa gym. Nagmukha rin akong unano dahil mukha silang higante sa paningin ko. "Bitiwan n'yo sabi ako!" Siguro nga robot sila at may nagkokontrol lang sa kanila dahil mukhang hindi naman nila ako naririnig.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon