IAR [37]

66.4K 2.3K 545
                                    

Copyright © chiXnita

APAT NA buwan at limang araw na magmula nang tumira ako rito kay na Brix. Hindi ko namalayan ang pagdaan ng mga araw dahil sadyang mabilis. Isang buwan na lang, makakalabas na rin ako.

Ang daming nangyari.

Maraming mga activities na pinapagawa sa 'kin si Tita Brenda. Marami na rin yatang nagbago sa'kin. Hindi ko naman matukoy kung ano-ano ang mga iyon.

Ang alam ko lang masaya ako.

Pumupunta rin kami ng mga bahay-ampunan. Ang dami kong natutunan sa kanila. Kung tutuusin, ang lahat ng mga pinagdaanan ko'y walang-wala kumpara sa mga buhay ng mga batang iyon. Marami akong narealize. Akala ko ako na ang pinakamalas na tao sa mundo.

Maswerte pa pala ako.

Dumaan na ang kaarawan ni Cyclone n'ong April 3. Kay Dew n'ong May 5. Gano'n din ang kay Brix nung nakaraang buwan lang... June 8, na nagkaroon ng konting pagsasalo para sa'min lang.

Ngayon naman, August 10 na at ang may kaarawan ay ang pinakamayaman sa'ming magkakaibigan, si Zyle.

Mamayang gabi pupunta rito ang Hot Dogs at Sexy Chicks. P'wede naman silang magpaparty sa ibang lugar. Pero ayun sa kanila gusto nila akong makasama.

Natuwa naman ako. Pakiramdam ko tuloy ako ang may birthday. Loko talaga si Zyle, ang bait-bait. Deserve na deserve talaga niya'ng maging leader ng HD.

Hindi ko alam kung sasama rin si Grant, pero sana pumunta siya kahit hindi ko alam kung paano haharap sa kanya. Nasasanay na ako na hindi siya nakakasama o kahit na ang makita, pero namimiss ko na talaga siya.

Ngumiti ako sa camera ng laptop ko bago pinatay ang video. Walang internet connection dahil hindi ako pinapayagan ni tita na maglog-in sa mga social networking sites.

Baka maisipan ko raw na halungkatin sa net ang mga nangyayari kay Grant. Kaya naman naisipan ko na lang na gumawa ng video para sa kanya. Araw-araw ko 'to ginagawa.

Alam 'to ni tita at wala akong ideya kung ba't hindi niya ako pinipigilan gawin ito.

Sinasabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko kapag ginagawa 'to. May mga kaengotan din akong ginawa. Ibibigay ko 'to sa kanya 'pag nagkita kami, kung magagawa ko nga. Nakakahiya kasi mga pinaggagawa ko.

Tumayo na ako mula sa kama at shinut-down ang laptop. Nakaligo na ako at nakapag-ayos ng sarili. Pambahay lang din ang suot ko. Mamaya pa naman ang party at night swimming lang naman 'yun dito sa pool nina Brix. Isa pa, kami-kami lang ngunit hindi ako mapakali.

Paano nga kung pumunta si Grant? Hindi pa yata ako ready.

Bumuntong-hininga ako at nagpalakad-lakad sa loob ng silid. Panay rin ang laro ko sa mga daliri. Marami na akong natutunan at kaya ko na rin i-handle ang sarili 'pag nasa harapan ng ibang lalaki.

Kaso, sadyang nababahala pa rin ako sa tuwing naiisip na si Grant na 'yong nasa tabi ko.

Paano kung bumuhos na naman ang aking nararamdaman sa oras na siya ay masilayan?

Paano kung sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay agad akong tumakbo palapit sa kanya, para salubungin siya ng yakap at halik?

Paano kung hindi ko napigilan ang umiyak?

Paniguradong uulitin ni tita ang therapy. Ayoko na!

Tama na ang isa. Ayoko nang dagdagan ng limang buwan pa. Kaso, malalaman ko lang kung may nagbago nga sa'kin sa oras na magkita ulit kami ni Grant.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon