IAR [23.5]

65.8K 2K 115
                                    

"MR. LORIETE and Ms. Roa, you're both okay. No fractures. No internal hemorrhage. Just few bruises and wounds. You'll be fine." May binigay sa 'min na mga tabletas ang doctor. Inabot ni Grant. Siya ang kumakausap sa babaeng doctor.

Madalang lang akong magsalita. Hindi naman kasi ako tinatanong. Ang babae naman tanong nang tanong kay Grant. Kahit hindi naman konektado sa aksidente. At ang magaling na lalaki, sagot nang sagot. Nakakainis. Hindi niya ba napapansin na nagpapacute ang doctor sa kanya pati ang nurse na kasama?

Nauna na akong lumabas. Medyo matagal din kami sa loob. Nilinis ang sugat ko na hindi na rin naman kailangan dahil nalinis na 'yon ni Grant. Gano'n din ang ginawa ng nurse kay Grant! Naiinis talaga ako kapag naalala kung paano hawakan ng nurse na 'yon ang braso niya. Panay ang ngiti at papungay ng mga mata. Hinahayaan lang naman siyang magpacute ng kasama ko. Ugh! Nakakayamot.

Lakad-takbo ang ginawa ko sa pathway papalabas ng hospital. Hindi ko pinapansin ang mga ngumingiting nurse. Iniwanan ko si Grant sa loob. Hindi pa siya tapos kausapin ng doctor. Lumingon ako kung lumabas na siya pero wala pa.

Busangot ang mukha ko habang mabigat ang bawat hakbang. Hindi ko pinapansin ang mga tao na nagsisidatingan. Naramdaman kong may naglalakad sa 'king likuran. Hindi ako lumingon. Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na si Grant.

Hinawakan niya ang bewang ko at hinapit palapit. Tumigil siya sa paglalakad at bahagyang nagsalubong ang kilay. Sinalat niya ang noo ko. "Masama ang pakiramdam mo? Kanina ka pa hindi umiimik. Just tell me, Heather, if you're not feeling well."

Umiling lang ako bilang tugon. Nahiya ako bigla. Masyado yata akong naging isip-bata na iniisip kong nakikipagflirt siya sa nurse at doctor na 'yon. Nginitian ko na lang siya.

Lalabas na kami ng hospital nang may dumating na ambulance. Nagmamadali ang mga medical attendants sa pagkuha ng pasyente. Nakatutok ang tingin ko sa isang lalaki. Nakahiga sa stretcher. Walang malay. Maraming dugo sa buong katawan. Kung hindi ako nagkakamali, nabaril o car crash siguro ang dahilan. Buhat-buhat siya ng mga stretcher-bearers at inilagay sa isang higaan na may gulong.

Akma kong bubuksan ang pinto ng passenger's seat pero naunahan niya ako. Natigagal na naman ako.

"T-Thanks." Pumasok ako. Umikot naman siya at sumampa sa driver's seat. Medyo matagal na kaming nandito sa loob. Hindi niya pinapaandar ang engine. Napasulyap ako sa kanya at nakatitig siya. Titig na titig... ulit. Naman, Grant, eh. Napaiwas ako ng tingin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Is he frolicking with me or something? Naman kasi, malapit na akong himatayin. "B-Balik na tayo sa hotel?"

Inilapit niya ang mukha sa 'kin. Ibinabaon ko ang sarili sa backrest. Pasimpleng kinurot ko ang sarili para malaman kung okay pa ako. Ano ba'ng ginagawa niya? Ikinabit niya ang seatbelt. Napasimangot ako nang umayos siya ng upo.

Sumulyap siya sa relo niyang umiilaw. Mahina siyang nagmura. Anong oras na ba? May pinindot siya at namatay ang ilaw. Pinaandar niya ang sasakyan at napakapit ako sa upuan. Ang bilis ng takbo namin.

"Grant, slow down." Medyo bumagal naman ang takbo namin pero out of speed limit pa rin. Napabuga na lang ako ng hangin. Parehas talaga sila ni Green.

Panay ang punas ko ng mga palad sa laylayan ng dress. Tinatap ko rin ang heels sa carpet ng sasakyan.

Inihinto ni Grant ang kotse. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Wala kami sa tapat ng hotel, ang nakikita ko... isang park. Siguro naman nasa Metro Manila pa rin kami?

Dali siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Hinila niya ako papunta sa kung saan. Tumakbo siya kaya napatakbo rin ako. Ano na naman 'to? Kahit na nahihirapan ako dahil sa heels sumunod lang ako sa kanya.

Hinihingal ako nang huminto kami sa tapat ng isang malaking fountain; with dancing water and dancing lights na sumasabay sa malakas na music— Christmas song. Meron ding mga Christmas lights sa paligid at malaking Christmas tree. May nagmimimic pa kay Santa Claus. Nakasuot ng costume at nakikipaglaro sa mga bata kasama ang mga parents nila. Saang lugar 'to? Ngayon lang ako nakapunta rito.

Napatingin ako kay Grant at may dinudukot siya sa bulsa. Kumunot ang noo niya. "Damn. Where is it?" Napahawak siya sa batok. Hindi maipinta ang kanyang mukha kaya napalabi ako. Ano ba kasi hinahanap niya? "Stay here!" Tumakbo siya pabalik ng sasakyan. Nakatunganga lang akong sinundan siya ng tingin.

"Merry Christmas!" sigaw ni Santa Claus sa 'di kalayuan kasabay nang pagliwanag ng kalangitan. Napatingin ako sa taas. Kuminang ang mga mata ko at napangiti.

"Wow!" Sambit ko. Namamangha. Pati ang ibang tao sa paligid. Nakatingin sa kalawakan na may naggagandahang fireworks display. Pakiramdam ko tuloy bagong taon na at hindi pasko. 'Yon nga lang walang nagpapaputok sa oras na 'to.

Umiihip ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili. Hindi ko pa rin nilulubayan ng titig ang mga ilaw sa taas. Napanguso lang ako nang marealize na pasko na tapos iniwanan ako ni Grant?

"I'm sorry..." hinging paumanhin ni Grant pagtigil niya sa harap ko. Hinihingal siya at pinag-papawisan. Ano ba kasing ginawa niya? Mukhang pagod na pagod. Sunod-sunod siyang bumuga ng hangin. "Dapat exactly midnight ko 'to ibibigay sa 'yo. Kaso naiwanan ko sa loob ng kotse." Kumamot siya sa ulo niya. Napatitig ako sa hawak niya. Nalaglag ang panga ko pagkakita ng maliit na box.

"G-Grant!" Dilat na dilat ang mga mata ko nang lumuhod siya. Sasabog yata ang puso ko kasabay nang hindi pa rin tumitigil na fireworks. Nakaluhod siya gamit ang kanang tuhod. Hawak-hawak ang maliit na kulay pulang box. Unti-unti niya itong binuksan. Nanginginig ang buong katawan ko. Damn, Grant! "W-What... W-What are... are... you."

W-What is he doing? Is... Is... Is he p-p-proposing? God! Pati utak ko nabubulol na rin.

Napapikit ako pagkabukas ni Grant ng box. Kinakabahan ako na natataranta na masaya na ewan. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng pakiramdam. Napadilat lang ako nang dumampi ang balat niya sa paa ko. Nagsalubong ang kilay ko. May ikinakabit siya sa kanang paa ko. Saka ko lang narealize kung ano.

Silver anklet!

Tumayo siya pagkakabit ng anklet. Nginitian niya ako. Damn, Grant! Hindi ko maiwasan ang mapamura sa isip. Akala ko magpopropose na siya. Hindi na rin niya naman kailangang gawin. Ikakasal naman talaga kami. Isa pa engaged na nga kami, 'di ba?

Pero ang isipin ang ideyang nagpopropose siya sa harap ko, parang magkaka-epilepsy ako nang wala sa oras.

"Merry Christmas, Heather. Do you like it?" Muli kong tiningnan ang anklet. It's beautiful. Hindi siya madesinyo, napakasimple lang pero sobrang ganda sa paningin ko. Kumikinang kapag natatamaan ng ilaw at sa tuwing igagalaw ko ang aking paa.

Ngumiti ako. "Like? I love it, Grant." Nagustuhan ko talaga siya pero mas magugustuhan ko kung diamond ring sana! Kahit may engagement ring na kaming suot, mas gusto ko pa rin na sa kanya galing. Ang pamilya naman kasi namin ang nagpush ng engagement namin.

"Merry Christmas, Grant. 'Yong regalo ko sa'yo nasa bahay—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang hawakan niya ang isang kamay ko. Ang isang kamay sa bewang ko. Gumapang hanggang sa mapunta sa likod ko. Mas idinikit niya ako sa kanya hanggang makulong ako sa mga bisig niya. Pigil na pigil ko ang hininga. Malapit nang tumigil ang fireworks display sa kalangitan pero sa loob ng puso ko wala na yatang katapusan.

"Kahit wala ng regalo. Kuntento na ako dito!" Then, he kissed me on the lips.

Hindi man perpekto ang pasko ko ngayon dahil sa nangyaring insidente kanina pero bawing-bawi lahat dahil kay Grant. Siguro nga gano'n talaga... walang katumbas na kahit ano o kahit na sino ang taong mahal na mahal mo.

Ipinupulot ko ang mga braso sa kanyang batok. Kahit na nakaheels ako tumingkayad ako para mas palalimin ang halik. Napariin naman ang hawak niya sa likod ko. Ang isa niyang kamay nasa mukha ko. Marahang humahaplos. Kahit ang labi niya, ingat na ingat ang bawat galaw.

Sumagi sa isip ko na nasa isang public place pala kami. PDK na naman kami. Ayoko pa naman ng PDK pero wala akong pakialam sa mga oras na 'to. Hindi ko maiwasan ang mapangiti bago iginalaw ang mga labi.

Ilang beses ko bang natikman ngayong gabi ang malambot at matamis na mga labi ni Grant?

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon