IAR [10.5]

114K 3.1K 438
                                    

-10.5-

NAPAUBO AKO. Imbes na maibuga ko ang ubas sa loob ng bunganga, nalunok ko bigla.

Nataranta naman si Grant sa nangyari. Kumuha siya ng tubig. Natapon pa sa kumot habang ako panay ang pukpok sa dibdib. Bumara yata ang ubas sa lalamunan ko.

"D-drink this." Hindi ko mainom ang tubig dahil masyadong nanginginig ang kamay niya. Inalalayan niya ng isang kamay hanggang sa matapon sa damit ko.

Napasinghap ako. Biglang nawala ang bumabarang ubas sa lalamunan. Nalunok ko na nga nang tuluyan kaya napahagalpak na lang ako.

Tiningnan niya naman ako nang matiim. Kitang-kita ko pa rin ang panginginig niya. "Your hands were shaking, Grant. Ang cute."

"It's not funny!" Ininom niya ang tubig na natira. Binuksan niya ang dalawang malaking containers. Napanguso na lang ako't tiningnan ang mga prutas.

Kumain kami nang tahimik. Hindi kasi niya ako iniimik. Hindi ko rin alam kung paano gumawa ng topic.

Tumingin ako sa kaliwa, 'yong dalawang kabayo ang nandoon. Sa kanan, burol ang natatanaw. Sapa ang nasa likuran ko. Tumingin ako kay Grant. Seryoso pa rin siya habang nagsasawsaw ng mangga sa alamang.

Kumuha rin ako ng mangga at nagsawsaw din. Tumikhim pa ako pero ang seryoso niya pa rin. Kaya naman ang hintuturo ko na ang isinawsaw sa alamang at ipinahid sa mukha niya sabay tayo at takbo papalayo.

"Heather!" sigaw niya at hinabol ako. Oh, 'di ba pinansin din ako.

Nilingon ko siya at binelatan. Tumawa rin ako habang pinupunasan niya ng laylayan ng damit ang mukha. Naexpose tuloy ang tiyan niyang hindi ko mailarawan nang hindi ako napapalunok. Iniwas ko ang tingin kahit ramdam ko na ang pag-init ng mukha ko.

Lahat na lang ng bagay na konektado sa kanya... kahinaan ko.

"Let's play hide and seek, Grant..." Tumalon ako sa malinis na sapa. Kailangan kong i-enjoy ang linggong 'to dahil hindi ito pangmatagalan. Hiram lang.

Bumagsak ang katawan ko sa tubig na sa tingin ko mahigit siyam na talampakan ang lalim. Sumisid ako at umahon lang nang nakatago na sa dalawang malaking bato na nasa gitna ng sapa.

Narinig ko ang pagtalon niya kaya hindi muna ako lumabas. Kaso lagpas dalawang minuto na yata hindi pa rin siya nagpapakita kaya kinabahan ako bigla. Lumabas ako mula sa bato at lumangoy sa kung saang sulok ng sapa pero hindi ko siya makita.

"Grant?" tawag ko. Muli akong sumisid pero batohan lang ang natanaw ko. "G-Grant, hindi nakakatuwa. Lumabas ka na!" Lumangoy ako papuntang gilid kaso may biglang humawak sa paa ko at hinila ako pabalik.

"Huli ka!" Ipinulupot niya ang mga braso sa bewang ko't bumulong sa puno ng tainga. "Hide and seek pala, ha." Muli siyang lumubog. May naramdaman akong tila natanggal sa katawan ko. Pag-ahon, itinaas niya ang kulay purple kong shorts. Nanlaki ang mga mata ko. Ang lapad ng ngisi niya sabay hagis niyon sa takas. "You don't need that anymore."

Hindi ako nakapagsalita. Kinapa ko na lang ang sarili kung may suot pa ba akong underwear. Thanks God meron pa naman.

Tiningnan ko siya nang muli niya akong hapitin papalapit sa kanya. Itinikom ko ang bibig. Itinaas ang gilid nito. Sinadya kong idikit lalo ang sarili sa kanya. Naramdaman ko ang matigas na bagay na tumusok sa may puson ko.

Nabura ang ngiti niya. Napasinghap. Humigpit ang hawak sa 'kin.

When it comes to flirting, it takes two to play that game, Grant.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Inilapat ang isang palad sa hubad niyang dibdib. Alam kong nakaboxers na lang siya kaya hinubad niya ang shorts ko kanina. Samantalang ako may damit pa.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon