Bonus Chapter - Self-reflection

74.5K 1.8K 233
                                    

Dahil sobrang namiss ko ang IAR, ito na... self-reflection lang nila. Mwa!

--

Copyright © chiXnita

Brix Vincent Flores:
Ang naging kasalanan ko? Lumayo ako.

'Yung mga panahong magulo. Sobrang gulo. At kailangan nila ako. Wala ako. Without saying anything, I just disappeared. But if I'm going to decide again: "stay and she will die or leave and I will die in the process." I'd still choose the latter. Perhaps, they won't forgive me. She will hate me.

Sana lang maayos na ang sitwasyon nilang lahat... ngayon. Sana masaya na siya.

At sana matapos na rin 'to. Itong kinahaharap ko.

Hindi ko pa masasabi kung paano, bakit, at ano ang dahilan ng paglayo ko. Masyado pang komplikado. Hindi rin nila ako maiintindihan. Wala pang makakaintindi.

Pero sana... sa pagbalik ko, tanggapin pa rin nila ako. Hindi ang kilala nilang "ako."

Kung hindi... ang bagong ako!

Green Ryder Loriete:
Ang naging kasalanan ko? Naging makasarili ako.

Una pa lang, bawal na pero sinubukan ko. 'Di talaga p'wede, pero pinilit ko. May may-ari na, pero ninakaw ko pa.

I was so engrossed on myself, my pain, my heartache, that I didn't realize that I'm not the only one who's hurting.

I was impelled to hurt Grant for breaking me before. I want to break him, too. 'Yung mas malala. Mas masakit. 'Yung mawawasak siya, higit pa sa naranasan ko.

But I didn't know that the hole I was digging to trap him is exactly the one that will stumble and make me fall.

It isn't true that the love will blind you. It's the pain.

Masyado akong nasaktan noon... hanggang ngayon. 'Yung sakit na akala ko nakapagmove-on na ako. Akala ko 'di ko na nararamdaman. Nandiyan pa pala. Pilit ko lang itinatago at nilalabanan. Sa kakatakbo ko sa katotohanan. Sa pagganti ko sa mga nanakit sa 'kin... nabulag ako. Nagbulag-bulagan.

Ang resulta, ako lang din. Ako lang ang mas nanakit sa 'kin. Mas winasak ko ang sarili ko. Dinamay ko pa ang malalapit na tao sa buhay ko.

Huli na nang marealize kong mali. Ang biyahe na pinili kong imaneho ay ang maghahatid sa 'min sa mas matinding peligro. Ang naghihintay sa dulo ay ang mas magwawasak sa 'min nang husto.

Kaya huminto ako. Sa gitna ng biyahe. Kung saan naka-full speed ang kotse. I stepped on the break. I stopped the pain. Their sufferings. They deserved it. To be happy. Kahit na ang magiging impact ng paghinto ko ay ang muling pagkawasak ko.

I decided to be broken again to make them whole in the end.

Grant Turner Loriete:
Ang naging kasalanan ko? Naging gago at duwag ako.

Mas pinili ang utak kaysa puso. Mas pinakinggan ang isinisigaw ng utak kaysa sa ipinaglalaban ng puso. Pero sa kakapakinig ko sa utak ko dinurog ko naman ang puso ko.

I did wrong things that I thought were right... from the beginning. I listened to the inner voices inside my head to prevent the people I love from getting hurt. But in the end, I broke them and myself, too.

All the pain, the heartache, the blame, I deserved all of it. After all, it's my fault.

Naging gago! Tinalikuran ang katotohanan. Ikinimkim ang nararamdaman. Nagsinungaling sa lahat para lang 'wag silang masaktan. I masked my feelings. Hide it to the point I couldn't even control my every actions that I made so it broke her... and killed me more.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon