IAR [33.5] - Grant Turner Loriete

64.9K 2K 450
                                    

-33.5-

"GRANT—" INILAYO ko si Heather nang bahagya. She was trembling. I wiped her tears and kissed her temple. Hinawakan ko ang kamay niya at iginaya siya para maglakad. I intertwined our fingers.

Gusto ko lang siyang makasama saglit.

Sumunod lang siya nang wala sa sarili. Inilagay ko sa loob ng bulsa ang kaliwang kamay dahil siguradong mag-aalala na naman siya sa oras na may sugat ako.

"H-How's Lexy?"

Muntik na akong matigil sa paglalakad. Napatingin ako sa kalangitan at nagbabadyang umulan. Malamig din ang simoy ng hangin. Mukhang nakikisimpatya ang panahon sa 'king nararamdaman.

Natigilan ako nang hilahin ni Heather ang kanyang palad. Tumigil kami sa pagitan ng dalawang malaking puno sa gitna ng kalsada na papalabas ng Loriete's village.

"D-Don't tell me... Lexy's—" Kinabig ko siya para yakapin.

"No. No... S-She's okay. She's fine." Mariin akong napapikit. Shit!

"I'm... I'm so sorry. K-Kasalanan ko... kasalanan ko. Hindi ko naman sinasadya, eh. H-Hindi ko... Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa oras na may mangyari sa kanyang masama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko—"

"Don't blame yourself. Wala kang kasalanan." Mas lalo ko siyang niyakap nang mahigpit. Wala na akong pakialam kung mabasa ang damit ko dahil sa kanyang luha.

Ito rin ang ayaw ko, palagi na lang siyang umiiyak 'pag kasama ako. Oo, paminsan-minsan, ngumingiti siya, pero hindi sapat 'yon para hawakan ko pa siya.

"I-Iiwanan mo na ba ako?" Nanigas na lang ako bigla sa kinatatayuan sa naging tanong niya. Sunod-sunod akong lumunok, pigil na pigil ang hininga.

Damn! Ang hirap pala.

Kakayanin ko ba? Nagdadalawang-isip na ako kung itutuloy pa ang plano. Humigpit ang hawak niya sa damit ko. Alam kong ramdam niya ang bilis ng tahip ng aking dibdib.

"Nang dahil ba sa nagawa ko... lalayuan mo na ako? Grant, please... 'wag mo akong iiwanan."

Hindi ko alam kung dapat kong pasalamatan ang biglang pagbuhos ng ulan. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat nang hindi tinitingnan.

"Tara... silong tayo." Kaso, mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin. Isinubsob ang mukha sa dibdib ko at sunod-sunod na umiling.

"No! Dito lang tayo. A-Ayokong iwan mo ako... dahil alam kong 'pag umalis tayo dito, ibabalik mo ako sa kanila. H-Hindi ka na magpapakita."

Basang-basa na kami dahil mas lumakas pa ang buhos ng ulan. Gano'n din ang ginawa niyang paghikbi. Hindi ko maigalaw ang mga paa para alalayan siyang bumalik sa bahay.

Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang dapat kong sabihin? Hindi ko siya magawang yakapin. Inilagay ko na lang ang mga nakakuyom na kamao sa tagiliran namin.

Sa oras na ikulong ko siya sa mga bisig ko. Talo na naman ako.

"Just tell me... tell me, Grant, that you're not gonna leave me. P-Please, Mickey..."

Napayuko na lang ako bigla. I'm so sorry.

"Oh my God!" sambit niya nang hindi ako umimik. Natutop niya ang bibig at muntik pang matumba, naalalayan ko lang agad siya. Sunod-sunod ang ginawa kong pagmumura sa isip.

"A-After everything that has done... After everything we've been through... After everything, Grant... you'll still leave me?"

I couldn't control myself any longer. I grabbed her waist and kissed her gently on the lips. I really hate seeing her crying because of me. She told me before that kiss can cure everything, so... I want to kiss her... hanggang sa mawala ang sakit.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon