IAR [7]

141K 3.8K 1.4K
                                    

-7-

NAPASULYAP AKO kay Grant na tahimik pa rin na nakatayo sa tabi ko. Tulala lang siya. Halatang hindi pa nakakabawi.

Hindi ko rin inaasahan na magagawa ni Brix ang bagay na iyon.

Napakurap-kurap ako nang bitiwan ni Grant ang kamay ko. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Sumunod ako nang walang pag-aalinlangan. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa. Nakaharap ang mukha sa itaas. Nakapikit. Halatang maraming bumabagabag sa kanya.

Umakyat ako sa kwarto. Kinuha ang first aid kit na nakalagay sa closet. Umupo ako sa tabi niya nang makabalik sa sala. Hindi niya alintana ang presensiya ko.

"G-gagamutin ko lang ang mga sugat mo." Hindi siya umimik. Napalunok ako nang makita ko ang kabuoang features ng mukha niya.

Namumula ang gilid ng kanyang mga mata. Nangingitim na rin. May namumuong dugo sa gilid ng kanyang labi. May bruise na rin siya sa panga. Pero hindi iyon nakabawas sa lakas ng epekto niya sa 'kin. Sa mga oras na 'to parang tinutusok ng sibat ang puso ko.

Kumuha ako ng ready to use na cotton at betadine. Marahan ko iyong idinikit sa gilid ng kanyang bibig. Hindi siya gumagalaw habang ginagawa ko 'yon. 'Di ko alam kung nakatulog na ba siya agad-agad.

Pagkatapos, pumunta ako sa kusina para kumuha ng yelo at inilagay sa cold-compress. Bumalik ako sa sala para idampi sa namumuo niyang mga pasa.

Nagulantang ang aking sistema nang hawakan niya ang kamay ko. Nanigas ako. Nanalaytay ang kuryente sa 'king buong katawan. Dumilat siya't tiningnan ako. Nakita ko na naman sa malapitan ang mga mata niya. Medyo damp and cloudy. Napalunok ako nang sunod-sunod. Nabitiwan ko pa ang hawak na cold-compress.

Gustuhin ko mang umiwas ng tingin kaso ang hirap gawin. Parang hinahatak ang mga mata ko na tumingin lang sa kulay abo niyang mga mata.

Heart, kalma. 'Wag kang magwala.

Ilang sandali pa siyang nanatiling nakatingin bago huminga nang malalim. Hinuli niya ang kanang kamay ko. Pinagsalikop niya mga palad namin. Pinisil nang bahagya bago hinigpitan ang pagkakahawak.

Nanatili siyang nakatitig sa 'kin.

Kinakapos ako ng hininga. Ni hindi ako makabuga ng hangin. Nanginginig ang katawan ko. Lalo na ang mga namamawis na palad ko.

Paano ako makakaalis sa impyerno kung sa simpleng hawak niya lang... nahuhulog na naman ako?

"I... I am sorry, Heather..." bulong niya na nagpainit sa buong mukha ko at mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

_..._..._

BUMABA AKO ng taxi. Makikipagkita ako kay Silver. Alam kong nagtatampo siya dahil hindi ko na naalala na pinakiusapan ko pala siya para sunduin ako kahapon sa private clinic ni Tita Brenda.

Tumawag siya kanina. Hindi naman galit ang tono niya. Pero gusto niyang magkausap kami. Kaya ito ako ngayon... naglalakad na papunta sa Green Park, kung saan madalas kaming magkita.

Natanaw ko agad siya sa paborito naming p'westo. Malayo sa mga tao. Sa likod ng freedom wall at katabi ng mga punong santol at kaymito. Nakaupo siya sa swing habang nakatitig sa suot niyang relo. As usual, balot na balot na naman siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng mushroom jacket na ang hood ay nakasabit sa ulo. Nakastonewashed pants at may gloves din na suot.

Nakamaskara na naman siya ng plain. Walang design na kahit ano. Kapag tititigan mo siya para siyang member ng Jabbawockeez. Ang kaibahan nga lang silver ang kulay ng kanyang maskara at hindi puti.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon