IAR [46]

61.4K 2K 217
                                    

Copyright © chiXnita

Xhaiden Heather Roa's POV

NAPATILI AKO. Hinawakan ko ang siko ni Vlaire at niyugyog ang kanyang braso. Hindi pa siya nagkukuwento ng mga nangyari kahapon pero kinikilig na ako.

"So, ano nga...?" Halos malaglag siya sa kinauupoan dahil sa kakahila ko sa kanya. Nandito kami sa flower shop. Tinawagan ko kasi siya para pumunta rito. Gusto kong magpakuwento. Hindi naman siya tumanggi. "Ano'ng nangyari? Kinausap ka niya? Hinatid ka pauwi?"

Nakisali na rin sina Mina, Fae at Pau sa panunukso sa kanya. Wala naman kasing gaanong customers kapag tanghali.

"Wala nga Xhai," namumulang napakamot siya sa gilid ng kanyang leeg. Pati ang kanyang tainga'y namumula na rin. Tisay talaga siya. Idinala niya ang isang kamay sa tapat ng bibig at kinagat ang kuko ng palasinsingan at gitnang daliri. Kanina ko pa 'yan napapansin sa kanya. Mannerism niya yata.

Her dimples were ostensible on her cheeks. She was wearing a pale shorts and a ginger razor top na pinatungan ng checkered polo shirt. Her curly dark blonde hair was bouncing on her shoulders.

"Bakit mo ba kasi kami iniwan kahapon?"

Ngumisi ako't nagpangalumbaba. Nakaupo ako sa may counter habang siya'y parang customer na nakaupo sa tapat ko. Sa gilid namin sina Mina na nakikitsismis sa'ming dalawa.

"Because you like Brix..." kaswal na sagot ko. Mas lalo siyang namula.

Nakasalubong namin siya kahapon sa Trinoma. Coincidence. Dahil may naisip akong kalokohan nagpaalam muna ako na mag-CCR. Iniwanan ko sa kanila ang mga pinamili namin. 'Tapos bumalik na ako sa flower shop. Nagtaxi. Tinawagan ko lang si Brix. Nagdahilan lang ako na kailangan ako nina Mina sa shop dahil may VIP na customer. Ngayon nga'y nakikitsismis ako.

"So...? Vlaire!" Muli ko siyang niyugyog.

Sumubsob siya sa counter. "Nakakahiya kasi, eh..." bulong niya. Tumawa ako.

Ba't ngayon ko lang siya nakausap nang ganito? Ang tingin ko kasi talaga sa kanya'y ang taray niya. Si Xyrene lang ang nakakausap niya nung High School pati na rin nung College kami. Si ate naman kasi kahit sino'y kinakausap. Kami casual lang sa isa't isa.

Silang tatlo nina Caleigh ay close talaga. Minsan nga'y inililihim pa sa'kin ni Xy kung ano'ng mga pinag-uusapan nila. Ngayon may ideya na ako. Isa na roon ang tungkol kay Brix. Hindi masabi sa'kin ni ate kasi alam niyang madudulas talaga ako kay Brix.

"Xhai..." Hinawakan niya ang braso ko't kinurot. Napapiksi ako pero natawa na lang. Muli siyang tumingin sa'kin at ginulo ang buhok niya. "Nakakahiya talaga."

"Ma'am Vlaire, ano nga kasing nangyari? Mamaya na ho kayo kiligin... pwede?" singit ni Fae. Napabaling kami sa kanya. Nakatikim siya ng batok kay Pau at Mina.

"Ang tsismosa mo talaga!" anas ng dalawa.

May biglang pumindot ng buzzer sa main door na salamin. Natuon ang tingin naming lahat kay Brix na nakatayo sa labas.

Muntik nang mahulog si Vlaire sa upoan. Tawa ako nang tawa.

He wore a rubicund shirt with collar and a pair of snug trousers. His hair was a bit messy which made him look even sexier. He raised his hands. Bitbit niya ang mga pinamili namin kahapon. Sinabi ko kasi na ngayon niya ihatid dito.

Right! I planned this.

Pinindot ko ang remote para bumukas ang pinto.

Vlaire was staring... rather glaring at me. Halos hindi niya alam kung magtatago sa ilalim ng cerulean dress ko o magkukulong sa office ko. I'm enjoying her reactions, actually.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon