IAR [20]

67.6K 2.1K 117
                                    

-20-

PAGDATING SA bahay, gising na ako pero nagpanggap pa rin na natutulog. Binuhat ako ni Grant hanggang sa kwarto. Dinampian niya ng halik ang aking noo. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

God! Mahal na mahal ko talaga siya.

Wala akong pakialam sa mga masasakit na salitang ibabato sa 'kin ng iba. Hindi sila ako. Wala silang alam sa nararamdaman ko. Bakit nila ako kailangang husguhan?

"I'm sorry. You always got hurt because of me."

Pinigilan kong hindi magreact. Hinimas niya ang buhok ko. Marahan niyang hinampos ang aking pisngi. Nararamdaman ko rin ang hininga niya sa 'king labi.

"I'm sorry, Heather..." bulong niya. Sobrang bigat ng boses. "I'm so sorry for everything." Hinalikan niya ang tuktok ng ilong ko. Pigil na pigil ko ang hininga pero ang puso ko hindi ko mapigilan sa pagwala.

"Hope my kisses can cure the pain." Ginawa ko talaga ang lahat para hindi maidilat ang mga mata nang dumampi ang labi niya sa labi ko. Magaan lang. Pero hindi ko napigilan ang mapalunok. Magkadikit lang naman ang mga lips namin. Ni hindi nga gumagalaw pero mukha akong hihimatayin. "Sweet dreams."

Ilang sandali pa, lumabas siya ng silid. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto. Hinawakan ko ang dibdib. Pati kamay ko gumagalaw dahil sa mabilis na kalabog. Nagmulat ako at hindi napigilan ang mapangiti. Hinawakan ko ang mga labi.

Umikot ako sa kama at dumapa. Inilubog ko ang mukha sa binigay na stuffed toy ni Grant. Ipinalo ko pa nang ilang beses ang mga paa sa paanan ng kama.

Nang mahimasmasan, bumangon ako. Tumambad sa 'kin ang maliit na note na nakalagay sa gilid ng unan. Sulat kamay ni Grant. (May lakad lang kami ng barkada. Hindi ko alam kung anong oras ang uwi ko. Mauna ka nang kumain. May pagkain na sa kusina. Ingat ka!)

Abot tenga ang ngiti ko kahit sa simpleng bagay lang na 'to.

Kaso biglang umatake ang konsensiya ko. Napasulyap ako sa wall clock, ilang minuto na lang mag-aalas-otso na. Aalis din naman kasi ako para makipagkita sa lalaking 'yon. Kailangan ko 'tong gawin para matahimik. Bumabagabag kasi talaga sa 'kin kung sino. Lalo nang alam kong kilala ko.

Sumakay ako sa taxi dahil hindi ako marunong magdrive. Saka hindi p'wede. Narcoleptic ako.

Bumaba ako sa tapat ng El Grandia's Pub. Mag-aalas-nuwebe na. Late na ako ng isang oras. Walang mensahe ang lalaki. Hindi rin ako nagtext kung pupunta ba ako.

Kinakabahan ako nang makatungtong sa loob ng pub. Kilala ako ng security guard kaya pinapasok ako.

Maraming tao. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. May mga nagsasayawan. Inuman. May mga kumukislap na iba't ibang kulay na ilaw. Malakas ang tunog ng pang-discong music. Hanggang third floor ang pub. Kasing laki ng second floor ang first floor. Konektado rin. Kita ang first floor kapag nasa second ka. Ang third naman private na. Doon madalas tumatambay ang Hot Dogs.

Nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko agad kung sino'ng nagtext. 'You're late!' Agad kong iginala ang paningin. Kinakabahan ako.

Pero sobrang dami ng tao. May mga lasing na, kahit maaga pa naman talaga. Madilim din kaya hindi ko maaninag ang mukha nila. Naglakad-lakad ako hanggang sa matigilan at maistatwa. Nanlalaki ang mga matang napatingin sa grupo ng mga lalaking nakaupo sa dalawang sofa katapat ang table na may mga mamahaling alak. Ang Hot Dogs!

Oh, shit! Bakit nandito sila?

Bakit hindi ko naisip na dito sila i-ttreat ni Cyclone?

Tumago ako sa likod ng isang matangkad at matabang bouncer nang mapatingin sa gawi ko si Cyclone. May hawak siyang kopita at mukhang tipsy na. Napahawak ako sa dibdib sa sobrang kaba. Muntik na. Patay ako kung nagkataon.

Sumilip ako. Nakita ko si Grant, umiinom din. 'Di ko gaanong maaninag ang mukha dahil nakatagilid. Katabi niya si Dew sa isang sofa. Sa isang sofa naman sina Cyclone at Jerson.

Bakit hindi ako nag-iisip nang maayos? Dapat alam ko nang dito sila magkikita-kita. Kailangan ko nang umalis. Bago pa may makakita sa 'kin.

Hindi nga yata talaga mababawasan ang pagiging clumsy ko. Natabig ko ang tray na dala ng isang waiter. Nahulog 'yon kaya gumawa ng ingay. Nagkabasag-basag ang mga bote ng alak sa sahig. Kaso mas maingay pa rin ang malakas na tugtog kaya walang gaanong nakapansin. Dali akong tumakbo palayo kahit na hindi pa ako nakakahingi ng paumanhin.

Napasabunot ako sa buhok at biglang pumihit. Napabalik ako sa loob nang makitang makakasalubong ko si Brix. Muli akong nagtago. Yumuko ako sa likod ng sofang kinauupoan nang hindi ko alam kung sino. Hinintay kong lagpasan ako ni Brix. Nagtungo siya sa direksiyon nina Grant. Mukhang okay na ang pakiramdam niya.

Tumayo na ako nang alam kong wala ng problema. Kaso muli akong napatalon nang may nakatayong pamilyar na bulto sa harap ko. Hindi ko na napigilan ang mapamura at matutop ang bibig ko.

"Xhai?" Ipinilig ni Serg ang kanyang ulo. Unti-unting kumukunot ang kanyang noo. Bakit palagi na lang si Serg ang nakakahuli sa 'kin 'pag tumatakas ako? Kinagat ko ang labi ko. Patay talaga ako nito!

"What are you doing here?" Tinap ko ang mga daliri sa gilid ng legs. Lumingon ako sa paligid kaso wala akong makitang ibang exit kung hindi ang nasa likod ni Serg. "Isinama ka ni Grant?" Hindi pa rin ako makasagot. Dinaig ko pa ang natuklaw ng ahas o kaya ang mahuling may kalampungan sa sala. "Tara! Doon tayo sa kanila." Hinila ako ni Serg kaya hinatak ko agad siya pabalik.

"W-Wait... K-Kasi ano, Serg..." Tiningnan niya ako. Hindi ko gaanong maaninag ang aura niya. Madilim at nag-iiba-iba ang kulay ng kanyang mukha dahil sa mga ilaw na kumikislap.

"Ano?" May sumasayaw sa likuran ko. Naitulak ako nang bahagya kaya napatukod ako sa dibdib ni Serg para hindi matumba. "Ingat naman, men!" sita niya sa lalaking mukhang sinadya ang nangyari. Hindi ko pinansin dahil mas kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman ni Grant na nandito ako. Nagsinungaling kasi ako.

"Kasi, Serg... 'D-di pwedeng malaman ni Grant na nandito ako. T-tulungan mo naman ako, oh," pakiusap ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung tutulungan niya nga ako. Ipinagsalikop ko pa ang mga kamay, 'yong pormang nagdadasal. "Sige na. M-mahabang kwento. Alam kong kaibigan ka niya pero kaibigan mo naman ako, 'di ba?" Medyo pasigaw ang boses ko dahil malakas ang tugtog.

Tumawa siya, saglit nga lang. "Ano ba'ng gagawin ko?" Humawak siya sa baba niya. Idinikit nang bahagya ang mukha sa tainga ko. Medyo tipsy na rin yata siya dahil naamoy ko ang alak na ininom niya. But I know I can count on him.

"T-Tulungan mo lang akong makaalis dito nang hindi ako nakikita ng barkada mo. 'Wag mo ring sasabihin sa kanila na nakita mo ako. Ha? Please, Serg?"

"Okay—"

"Men! Sino 'yan?" Nakita ko si Dew na tinapik si Serg sa braso. Napatalikod agad ako. Hinawi ang buhok para ipangtakip sa mukha ko. Bahagya rin akong lumayo sa kanila. Napapitlag ako nang may humawak sa balikat ko. "Miss, sandali! Parang—"

"Back off, Dew! She's mine!" Napatalon ako sa sinabi ni Serg. Itinulak niya pa palayo si Dew. Pero agad ding pumasok sa utak ko na sinabi niya lang 'yon para 'di ako makilala.

Humalakhak si Dew. "Si Denice ba 'yan?" Lumunok ako para mawala ang pagbabara ng lalamunan ko. "Dapat sinabi mong isama niya rin si Irish." Muli niya akong hinawakan sa balikat. Pinigilan ko talaga ang mapalingon. Alam kong maya-maya lang baka umeksena na ang ibang Hot Dogs. "Den, humarap ka naman—"

"I said, back off!" Muli siyang inilayo ni Serg. Lasing na yata si Dew dahil sa lakas ng tawa niya. Medyo nakakaagaw na rin kami ng eksena. "Bumalik ka na nga doon. Mapapatay talaga kita!"

"Fine! Relax, Serg." Mukhang umalis na nga si Dew. Hindi ko na naririnig ang nakakalokong tawa niya. Kung si Grant 'yon o Brix malamang nakilala na ako.

"Tara na, baka makita ka pa nila." Hinawakan ni Serg ang kamay ko pero muli rin siyang natigilan pati ako nang may muling humawak sa balikat niya. Lumingon si Serg, "Grant!" gulat na bigkas niya. Nanlaki ang mga mata ko. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso. Nanginig ang aking buong katawan na parang may biglang tumutok ng balisong sa aking tagiliran. Damn!


In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon