IAR [42]

61.1K 2.2K 663
                                    

Copyright © chiXnita

DUMAPA AKO sa kama. Hinihintay magplay sa laptop ang inabot sa 'kin ni Mina na CD nung isang araw. Ngayon ko lang nakita ulit na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama ko.

Lately kasi puro si Green na lang ang inaatupag ko. Anyway, 'di ko alam kung saan kami pupunta mamaya. Maaga pa naman, eh. Wala pang ala-sais ng umaga.

Pero ako ang pinakaunang bumati sa kanya. Duh! 'Di ako natulog, ano. Hinintay ko muna ang alas-dose ng gabi tapos tinawagan siya.

At kinilig naman ang bruho. Napakababaw talaga ng kaligayahan ng ipis na 'yon.

Tsk! Si mommy kasi hindi ako papayagan umalis ng gabi. Kaya no choice ako.

Napabalikwas ako ng upo nang makita si Grant sa video pagkaplay nito. Natutop ko ang bibig.

Bakit may video ako ni Grant?

Nakaitim siya. Sigurado akong ito 'yung couple shirt na ipinagawa niya.

Nakakatiyak din ako na ang video na 'to ay malamang pagkatapos ko siyang pauwiin n'ong September 2 ng gabi.

Ang hindi ko maintindihan... paano ako nagkaroon ng kopya nito? Wala namang nabanggit si Mina kung sino ang nagpapabigay nito.

Naninikip ang aking dibdib. Mariin kong kagat ang ibabang labi habang pinapanuod siyang nakasubsob sa kama. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Ate Xyrene.

Sht! Ba't naiiyak na naman ako? Kakabwisit!

Malayo ang camera dahil mukhang galing ito sa footage ng CCTV sa loob ng pribadong ospital. Pero tanaw ko ang kabuoan nila.

Bumibisita ako tuwing Sabado ng hapon kay ate. Iuuwi na namin siya rito sa bahay sa susunod na linggo. Iyon ang napagpasyahan ng mga magulang ko. Sumang-ayon ako. Mas maaasikaso namin siya dito siya sa bahay. Kukuha lang kami ng private nurse na siyang magbabantay.

Nag-angat ng ulo si Grant. Sinuklay niya gamit ng mga daliri ang buhok ni Xyrene. Hinalikan niya rin ang palad nito. Hindi ko na nakontrol ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Papatayin ko na ang video nang magsalita siya.

"I really love her, Xy." Naistatwa sa ere ang kamay ko. Natulala ako. Bakit ko naririnig ang boses ni Grant gayung malayo siya sa camera? Kung sino man ang nagpadala ng video na 'to, plinano niyang makunan ang eksenang 'to.

"Alam mo naman 'yon, 'di ba? Pero ayaw niyang maniwala. Ipinagtabuyan niya ako. I don't want to give up because I love her. I'll fight because I lover her. Kahit gaano kasakit okay lang... because I lover her. Pero ba't siya ang dali lang isuko ang lahat? Mahal niya ba talaga ako? O baka ako lang ang patuloy na naniniwala at pinapaniwala ang sariling mahal niya ako kahit hindi naman pala totoo?"

Mahina siyang tumawa hanggang sa mabasag ang tinig niya. "T-Tangina! Ngayong gabing 'to... sila na ng kapatid ko."

Hindi ko na gaanong makita ang video. Kahit anong punas ang gawin ko sa mga mata'y patuloy na pumapatak ang mga luha ko. Nakakainis! Sinabi nang hindi na ako iiyak.

Dapat hindi na ako naapektuhan kay Grant, eh. Mali 'to. Hindi p'wede 'tong lintek na nararamdaman kong 'to.

"I'm sorry, Xy." Muling yumuko si Grant sa kama. Garalgal na ang boses nang muling magsalita. Pinipiga ang puso ko. "P-Pagdating sa 'yo ang unfair ko. Simula noon gago na ako hanggang ngayon gago pa rin. Pasensiya ka na. Ikaw lang kasi ang malalapitan ko. Even back then, you were the one who always listened and cared for me. M-Mahal kita pero mahal na mahal ko talaga siya. Patawarin mo ako kasi siya na naman ang pinili ko. S-Sorry... I'm so sorry, Xy."

Natigil ako sa paghinga. Pati yata luha ko'y nanigas. A-Ano?

Anong pinili? Hanggang ngayon ako ang pinipili niya? Pinili niya ako dati? Ha? Wala akong maintindihan!

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon