IAR [52]

49.2K 1.6K 127
                                    

Copyright © chiXnita

DUMILAT AKO nang ihagis ang katawan ko sa kung saang matigas na bagay. Napadaing ako sa sakit dahil tumama ang aking balakang sa bato. Nang bumalik sa’kin ang nangyari agad akong nagpanic. Pero hindi ako makatayo dahil parang binugbog ang katawan ko. Namamanhid.

Madilim sa’king kinaroroonan. Hindi ako sigurado kung nasaan ako ngayon pero kung iisipin ko’y para akong nasa loob ng isang k’weba dahil may mga nakausling bato at nag-eecho ang boses ng mga tao.

Nagtatakbuhan sa kung saan-saan ang mga kalalakihan na nakita ko kanina. Sa galaw at reaksiyon nila’y tila wala silang pakialam sa’kin at iba ang kanilang ipinunta dito. Nilalagpasan lang nila ako. May mga hawak silang mga baril. Hindi ko sila mamukhaan dahil nahihilo pa rin ako’t madilim nga.

May humila patayo sa’kin. Si Leo. Siya lang yata ang ayaw akong iwanan, dahil may atraso ako kay Bianca. Wala akong maintindihan sa mga lalaki nilang kasama. Ayokong mag-isip ng kung anong rason dahil masyado nang ukupado ang aking utak, pagod ang aking katawan at masakit na sa puso.

Hindi ko alam kung ba’t nandito na kami. Lumilipad ang isip ko kung ano’ng nangyari kay Grant. Kung ano’ng nangyari kay Brix, kay Green, kay Kuya Xyrus at Angel.

Nasaan na sila? Ayos lang ba sila? Bakit nandito sila? Paano nila nalaman na nandito ako? God, puro katanungan ang isip ko. Pero kahit isa’y walang sagot.

May mga nag-sisigawan na kalalakihan, pero hindi ko sila maintindihan. Wala ako sa sarili para alamin kung ano ang kanilang pinag-uusapan. May mga pumuputok na baril pero hindi na ako nagugulat. Ni hindi ako takot na matamaan ng ligaw na bala.

Kaladkad lang ako ni Leo sa kung saan. May hawak din siyang baril. Natatapilok ako dahil sa mga bato. Puro galos na yata ang paa’t legs ko. Pero kahit ang dumaing ay hindi ko magawa.

Muli niya akong itinulak pabagsak. Tumama ang gilid ng ulo ko sa nakausling tipak ng k’weba. Naramdaman ko na may umagos sa gilid ng aking kilay. Alam kong dugo iyon. Mainit. Malapot. Pinahid ko ‘to ng kamay. Hindi ko maramdaman ang sakit. Hindi ko alam kung bakit. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at ang paghinga ko. Iyon lang ang hindi nagbabago.

“Diyan ka lang!” ani Leo at tumalikod. “Bianca!” Hanggang sa hindi ko na marinig ang boses niya.

Mas madilim sa kinaroroonan ko ngayon. Wala akong maaninag kahit isa. Si Leo kasi ay may dalang flashlight. Natatakot ako na baka may ahas dito o kaya nakakamatay na insekto. Wala na ring napapadaan na mga lalaki sa bahaging ‘to. Nakakabingi rin ang katahimikan at kahit anong mabangis na hayop ay hindi gugustuhing manatili rito.

Kaso hindi ko maigalaw ang mga paa para tumayo. What the hell is wrong with me? With my body? Bakit manhid na manhid ako? Ang buong katawan at pakiramdam ko?

Minasahe ko ang mga binti. Hanggang sa makatayo na rin ako sa wakas. Binabalanse ko ang katawan at nakahawak ako sa gilid ng k’weba. Hanggang sa makasalubong ko si Bianca kaya natigilan ako.

May hawak siyang torch. Hinagis niya iyon sa gilid at binuksan ang dalang flashlight. Napalayo ako dahil sa patalim sa kanyang kanang kamay. Panay ang abante niya. Panay naman ang hakbang ko paatras. Sinabi niya na hindi niya kaya ang pumatay ng tao pero sa expresiyon ng kanyang mga mata, sa ngisi niya ngayon ay magagawa na niya.

“Pinatay mo si Ate Lexy!” Tinangka niya akong saksakin. Napaiwas ako at tinabig ang kamay niya sa gulat dahilan para mabitiwan niya ang patalim.

Napaupo ako sa sobrang takot. Nais kong sumigaw para humingi ng tulong pero tinakasan ako ng tinig. Hinawakan niya ang buhok ko at inuntog ang aking ulo sa bato. Napadaing ako. Inulit niya pa iyon nang isa at tila mabibiyak ang aking bungo. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa hilo at sa dugong tumutulo.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon