IAR [30] - Silver

84.2K 2.4K 452
                                    

-30-

"DID YOU really mean it?" tanong ko kay Grant.

Nakahiga kami sa loob ng kwarto namin, nakapatagilid paharap sa isa't isa. Hindi na tumitigil ang abnormal na heartbeats ko simula pa kanina.

Tapos na kami kumain, magshower at napagdesisyunan namin na matulog na. Maaga pa naman. Mag-aalas-otso pa lang. Kaso walang may balak sa 'min na ipikit ang mga mata. Kahit na antukin ako, ngayon lang ako hindi dinalaw ng antok.

Baka kasi sa oras na matulog ako, paggising ko... wala na naman siya sa tabi ko.

"Did I mean what?" balik na tanong niya.

Bahagya akong napapiksi nang hawakan niya ang bewang ko at dahan-dahang ipinadausdos ang palad para ipulupot sa 'king likod, bago ako hinapit palapit. Napahawak ako sa kanyang dibdib para hindi tuluyang magkadikit ang aming katawan.

I could feel his heartbeats. Mabilis. O dahil nanginginig ang kamay ko? My body frenzied up. Halos dalawang dangkal na lang ang layo ng mukha namin. His temples furrowed. Pati gilid ng labi niya dahan-dahang umangat para bigyan ako ng nakakalokong ngisi.

Don't look away. Keep staring. Paulit-ulit na kastigo ko sa sarili dahil hindi ako pwedeng umiwas ng tingin. Bakit?

Because we have a dare.

We'll need to keep on staring at each other's eyes. Blinking is allowed, but once you avert your gaze... you'll be the one to prepare the breakfast, tomorrow.

Paano kami napunta sa ganitong sitwasyon?

Habang kumakain kami ng dinner ay nagkasabay kami magsalita ng... "Stop staring."

Napaubo pa ako 'tapos siya biglang tumawa. Sa tuwing titingin kasi ako sa kanya, nakatitig na siya. Para kaming tangang dalawa. Halos mabilaukan ako kapag nahuhuli ko siyang nakatitig. Pati puso ko gustong kumawala sa ribcage

Hindi naman ako ang nag-isip ng ideyang 'to, kung hindi siya. Siya kasi ang naghugas ng pinagkainan namin 'tapos ako raw ang magluluto ng breakfast. Eh, wala ako sa mood, 'tapos gano'n din siya kaya napunta kami sa staring game, kanina-kanina lang.

'Di ko nga alam kung bakit pinagbigyan ko ang kalokohan niya. Pero sa totoo lang natutuwa ako kahit na alam kong ako ang matatalo.

"Minnie..." bulong niya. Kumurap ako ng ilang beses bago lumunok. 'Di pa rin ako nasasanay sa "Minnie".

Napapaiwas na ako ng tingin. Malamig din ang aircon pero pinagpapawisan ako nang malapot. 'Tapos nakaharap pa sa 'kin ang ilaw ng lampshade dahil nasa may likuran niya ng ulo banda. Nasisilaw ako 'tapos naluluha na rin.

Ayokong magluto. For some reason, gusto kong matikman ang luto niya. Pero mukhang ako ang magluluto. Kainis!

"I mean..." Tiningnan ko ang kanang mata niya bago ibinalik sa kaliwa. Madilim, kaya ang mga mata niya ngayon unlit ang shades at hindi gray. Hanggang doon lang ako pwedeng tumitig. Hindi ko p'wede ibaba ang tingin sa kanyang ilong mas lalo na sa labi dahil tiyak na matutukso ako.

Bakit ba pumayag ako?

"Do... you. Do uhm... you... d-do..." Napapokerface siya at pinilit kong 'wag ibaling sa iba ang tingin. I need to win. Nakakainis kasi na pati ang kanina ko pa gustong itanong nawawala sa isip ko dahil sa titig niya na halos tunawin na ako.

Hindi ako mapakali kapag siya na ang nakatitig nang matiim. Pakiramdam ko ako ang yelo at siya ang apoy. Is there a chance that ice will outmaneuver fire?

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon