Final Chapter - IAR

83.1K 2K 274
                                    

Copyright © chiXnita

Grant's POV

"TAKOT AKO kay papa. At kailanman wala pa akong hindi sinunod sa mga sinabi niya. Pero, brad, pagdating dito gusto ko desisyon ko ang masunod. Ang taong gusto ko ang papakasalan ko. Kaya liligawan ko si-"

"Si Xyrene...?" Tumayo si Brix sa pagkakaupo sa isang bato sa ilalim ng punong mahogany. "'Di ba?"

Natigilan akong napatitig sa kanya. Bigla na lang ang pamumuo ng mga pawis sa'king noo. Hindi ko mailarawan ang timpla ng mukha niya kaya umiwas ako ng tingin.

"Grant, alam mong gusto ko si Xhai. Gusto ko siya noon pa. Mahal ko na yata siya. Alam mo naman 'yun, 'di ba? Siguro naman hindi mo ako kakalabanin dahil lang sinabi ni Tito Greg na ipapakasal ka sa kanya? Siguro naman-"

Pabiro kong sinuntok ang kanyang balikat. "Kalma! Walang sinabi si papa kung sino'ng papakasalan ko. Kinausap kita para humingi ng advice sa'yo pero mukhang hindi mo rin yata ako matutulungan."

Hindi ko alam kung ba't tumatawa ako. Inilagay ko sa bulsa ang mga nakakuyom na kamao't yumuko. Sinipa ko ang maliit na bato. Na sana sa ginawa kong iyon mawala rin 'tong gumugulo sa isipan ko.

"Ayokong madisappoint si papa. Pero ayoko ring sundin ang gusto niya. Dapat bang ligawan ko si Xyrene?"

What the hell am I doing?

"Gusto mo ba siya?" Kahit hindi na ako mag-isip alam ko na ang sagot. Pero napag-aaralan naman 'yun! Nagkibit-balikat lang ako. "Honestly, brad, hindi ko alam ang sasabihin sa'yo. Pero hindi naman siguro masama kung paminsan-minsan ay suwayin mo naman si tito? Bakit hindi mo subukan gawin ang mga gusto mo?"

Suwayin si papa? Kaya ko nga bang suwayin si papa? Senior high school pa lang ako! May maipagmamalaki na ba ako para talikuran ang magulang ko?

Nag-angat ako ng tingin at tinitigan siya nang seryoso. Kaya ko bang kalabanin ang kaibigan ko? Kahit saang anggulo tingnan ay talo naman ako. Ni hindi ko nga makausap ang taong gusto ko.

So, ba't kailangan kong mag-isip ng kung ano-ano?

Binura ko ang lahat ng "what ifs" sa utak ko. Hindi na ako nag-isip pa.

"Kapag sinunod ko ang gusto ko... magkakagulo!" Tumalikod ako. Pero ang totoo'y hindi ko sila kayang talikuran. Bahala na! "Thanks sa advice, brad. I guess, I'll court Xyrene."

Wala sa sariling dinala ako ng mga paa sa tapat ng isang classroom. Kakatapos lang ng kanilang klase. Sumandal ako sa pader na malapit sa pinto. Una kong nakita sina Caleigh at Vlaire na papalabas. Kasunod nila si Xyrene. Hindi na ako lumingon sa paligid. Huminga ako nang malalim bago hinawakan ang kanyang braso.

"Eh... Grant-" Hinila ko siya palayo sa kanila bago pa makapagreact sina Vlaire. "W-Wait, Grant! Why all of the sudden you're-"

Hinarap ko siya. "Can I court you?" Nanlaki ang kanyang mga mata hanggang sa namula ang kanyang buong mukha.

--

ITINUPI KO ang kulay pink na papel matapos ko itong basahin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o susuntukin ang sarili ko. Inilagay ko ito sa aluminum box na halos mapuno na. Biglang bumukas ang pinto ng k'warto ko kaya nabitiwan ko ito.

"G-Grant..." Namamalat na boses ni Xy ang aking narinig kaya hindi ako magkandaugaga sa pagpulot ng mga nagkalat na sulat sa sahig. "'Don't need to hide those. You've already said that you love Xhai. So, don't panic!"

Tumayo ako't tinitigan siya. Namumugto ang kanyang mga mata. Naguilty ako. Malamang iiyak siya dahil sa sinabi ko kahapon. 'Tapos first anniversary pa namin ngayon. But somehow, deep inside me, I didn't regret it.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon