IAR [47]

49.8K 1.8K 107
                                    

Copyright © chiXnita

LUMAPIT AKO sa gate at pinindot ang beeper. Wala si Mang Tuko sa tapat. Dali ko siyang nakitang tumatakbo palapit sa'kin, hawak ang malaking payong.

"Diyos mi yo, Ma'am Xhai, ba't kayo nagpapaulan? Nasaan si Sir Grant?" usisa niya. Hindi ko na pinansin ang kanyang mga ngipin na kulang dahil nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig.

"W-Wala pa ho siya?" Niyakap ko ang sarili dahil nanginginig na talaga ako. Ang bigat-bigat ng katawan ko. Hindi ko alam kung namamanhid ba ako sa sakit o sa lamig ng tubig.

Pinasukob niya ako sa payong pagkabukas niya ng gate. Wala rin iyong silbi kasi basang-basa ako. "Hindi kayo magkasama?" balik na tanong niya. "Pagdating na pagdating kasi niya kanina'y umalis agad. Nagmamadali nga habang may kausap sa cellphone. Baka nagkasalisi kayo. Tawagan n'yo, Ma'am. Baka kung ano nang nangyari doon." Nag-aalala na rin siya.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga. "N-Nasa akin ho ang cellphone niya." Kumunot ang kanyang noo. Takang-taka kung paano nangyari 'yun, eh ang alam niya 'di kami nagkita. "M-Mahabang k'wento. Pasok na muna ako, Mang. Kailangan ko hong maligo."

Tumango siya at binuksan ang main door dahil hindi ko mabuksan sa sobrang panginginig. Pagpasok na pagpasok ay agad akong tumakbo sa loob ng banyo. Dali akong naghubad at binuksan ang hot shower. Nakakagaan ng pakiramdam ang maligamgam na tubig.

Kung sana lang pati ang sakit at bigat sa dibdib ko'y kaya nitong burahin.

Nang matapos ay tinungo ko ang silid namin dati nang nakatapis lang. Gano'n pa rin ang ayos ng silid. Nakasarado ang tatlong bintana na natatakpan ng auburn na kurtina. Mahilig talaga siya sa pula.

Ang tagal ko na pa lang hindi nakakapasok dito. Ilang buwan na ba? 'Di ko na tanda. Halos kalahating taon na yata. Pero siya dito pa rin nakatira kahit pwede naman siyang umalis dahil kansel na rin ang kasal namin.

Dito pa rin siya umuuwi kahit sa parents ko na ako tumutuloy.

Binuksan ko ang aking closet. Gano'n pa rin ang pagkakaayos ng mga damit. Hinugot ko ang light-colored cotton jacket na may hood. Isang dangkal pa ang haba ng sleeves sa dulo ng aking mga daliri. Natatakpan din ang hanggang gitna ng thighs ko kaya kahit wala akong suot na shorts ay okay lang.

Matapos mag-ayos ay bumaba akong kusina dahil kumakalam ang aking sikmura. Napangiwi ako pagkabukas ng refrigerator. Puro preserved and precooked foods at tubig lang ang meron. Tocino, ham, bacon, hot dog, instant noodles, etc. Kumakain ba siya bago pumasok sa opisina?

Matapos magluto't kumain ay humiga ako sa sofa sa sala. Hindi na ako mapakali dahil lagpas alas-dose na. Malakas pa rin ang ulan pero wala pa rin si Grant. Nasaan na siya? Hindi ko siya matatawagan dahil nasa akin ang phone niya.

Tinawagan ko na rin isa-isa ang lahat ng HD. Maliban kay Green dahil alam naman niya ang nangyari. Isa lang halos ang sinabi nilang lahat. "What happened?", "No, I didn't see him.", "I thought he's in Cebu.", "Did you guys quarrel?" at isa lang din ang sagot ko kapag nalaman na hindi nila kasama si Grant. "It's a long story."

Tinanong ni Brix kung nasaan ako. Maybe he knows that there's something wrong. I told him that it was nothing and I can handle it alone.

Hinihimas ko ang balahibo ni Turner habang si Cygnus ay pumapaikot sa'king binti. Pati yata sila'y nakikisimpatya sa nararamdaman ko. Malamang natatakot din dahil hindi pa bumabalik ang kanilang amo.

Hanggang sa makatulog na ako sa sala sa sobrang pag-aalala at kahihintay sa kanya.

I opened my eyes when I heard a thunderous crash. Hastily, I jolted up. There's a dense but almost whispered grunt noise not far away from me.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon