IAR [54]

64.6K 1.9K 318
                                    

Copyright © chiXnita

Grant Turner Loriete’s POV

DALAWANG ORAS? Tatlo? Hindi ko na namalayan kung ilang oras na akong nakaupo rito sa tapat ng emergency room.

Nakayuko’t tulala lang akong nakatunghay sa mga palad kong hindi tumitigil sa paggalaw. May bahid pa ito ng natuyong dugo, gano’n din ang damit ko pero kahit ang maghugas ng kamay ay hindi ko magawa.

May mga kasama ako rito na naghihintay sa paglabas ni mama sa ER. Nasa loob siya, isa sa mga doctors na umaasikaso.

Pag-apak ko kanina sa bungad ng hospital ay panic agad ni mama ang sumalubong sa’min nang makita akong buhat si Heather, lupaypay ang mga kamay… walang malay.

Wala akong alam kung ano’ng nangyayari sa ER. Bawal pumasok at kahit ang sumilip ay natatakot akong gawin.

Hindi ko na napapansin ang nakapaligid sa’kin. Wala ako sa sarili para mapakinggan ang mga sinasabi nina Vlaire at Caleigh. Katabi ko sila, nasa magkabilaan ko.

Sina Mommy Xyria at Daddy Hellix, pati na rin si Xyrus ay hindi ko matingnan kung ano’ng ginagawa nila. Ang alam ko lang ay may mga nagpapabalik-balik ang lakad sa tapat ko. Mayroong may kausap sa phone at kumakausap kung kanino.

Ilang beses na bang nangyari ang pamilyar na eksenang ‘to? Hospitals. Emergency rooms. Takot ng buong barkada at pag-aalala ng pamilya. Itong hindi ko kayang ipaliwanag ng mga emosyong ‘to? Sobrang dami na…

May biglang yumakap sa’kin. Na sinundan ng dalawa pang mga braso. Hindi man lang nagreact ang katawan ko. Para akong robot na kumukurap pero nahihirapang gumalaw. Ano mang oras ay magshu-shutdown.

“God… Grant, ano ba namang reaksyon ‘yan!? U-Umiyak ka naman…” namamalat na boses ni Vlaire. Para siyang namatayan sa boses niya. Tangina!

“’Wag mo namang kimkimin, Grant. Sinosolo mo na naman.” Hinihimas ni Caleigh ang likod ko. Si Caleigh ba o si Vlaire? “Ilabas mo lang. H-Hindi ka naman nag-iisa. Nandito kami. Ang barkada.”

Tangina! Tangina lang talaga… Kung joke lang ang sitwasyon ngayon, kanina pa ako natawa.

They’re sobbing… moaning. And they’re doing their best to comfort me.

Mapakla akong napangisi. Caleigh and Vlaire? Vlaire and Caleigh… seriously?

Noon, sina Brix at Xyrene lang ang malalapitan ko kapag ganito. Hanggang si Angel, hindi nagpapalyang magtanong… kung okay lang ako, kung kaya ko pa ba noong mga panahon na si Heather ay isinasagawa ang therapy niya.

Pero ngayon, nasaan na sila? Ganito na ang nangyari kay Heather… pero wala sila. Tangina!

Mahigpit kong ikinuyom ang mga kamao. Maigting ang mga pangang tumayo ako. Natulala sina Caleigh at Vlaire sa’kin pero naglakad ako palayo. Hindi naman sila sumunod. Naramdaman yata nila na gusto ko munang mapag-isa. Kaya ko naman, eh. Kakayanin!

Nakasalubong ko ang magkapatid na Cyclone at Irish, gano’n din sina Zyle at Denice. Kasama nila si Serg. Sabay-sabay silang dumating. Ang iba, parating pa lang yata.

Natigilan sila pagkakita sa’kin. Mukhang pati paghinga nila tumigil din. Namumula ang kanilang mga mata. And I’m too tired to scrutinize their reactions.

Nginitian ko sila at marahang tinanguan. Narinig ko pang maigting na napamura si Cyclone. “Nasa loob si Heather ng ER. Kasama niya si mama at dalawa pang doctors.” Itinuro ko ang direksiyon na pinanggalingan ko. Ibinaba ko agad ang kamay dahil nanginginig pa rin pala ito. Fuck! “Punta na lang kayo roon.” Nilagpasan ko sila.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon