IAR [25.5]

66.2K 1.9K 124
                                    

-25.5-

"W-Who?" ulit kong tanong. Hindi ko namalayan na may umaagos ng luha sa pisngi ko. Pinunasan niya ito gamit ang mga hinlalaki at bumuga ng hangin.

"You don't need to—"

"Sino, Grant?" Putol ko sa kanya at napahagulhol na ako ng iyak.

Imposibleng kabilang sa thirteen families ang nagplano ng bagay na 'yon. Imposible talaga. Baka nagkamali lang ang detective na kinausap ni Grant. Baka may sinet-up lang silang member ng Trese para siya ang lumabas na suspek. Hindi ko lubos maisip na may gustong pumatay sa 'min na kabilang sa Trese; o kung sino man, sino? O kung hindi rin kabilang sa Trese, sino?

"B-Bakit may gustong manakit sa 'tin? Hindi ko maintindihan. H-Hindi ko—" Kinabig niya ako palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit.

"Stop thinking about it." Hinimas niya ang likod ng ulo ko hanggang sa likod ng balikat. "Wala pa namang ebidensiya na kabilang nga sa trese. Pinapaimbestigahan ko pa, kaya 'wag kang mag-alala. Naniniwala ako na false report lang ang binigay ni Detective Chua."

"Pero—"

Inilayo niya ako nang bahagya at ipinaloob sa dalawang palad ang aking mukha. Ngumiti siya, pero alam kong pilit. "Look, Heather, I don't want you to be involved on this."

"But I am!" Napalakas ang boses ko.

"I know, but I'm working hard to keep you stay away from it!" Natigilan ako nang lumakas din ang boses niya. Binitiwan niya ang mukha ko at ikinuyom ang mga kamao. "Pumunta tayo sa California dahil natatakot ako na baka mangyari ulit kaya nagpa-imbestiga ako. Alam kong magiging okay rin ang lahat. So, please, let me handle this on my own. I don't want you to get hurt anymore."

Sunod-sunod akong umiling. "So, you're telling me that I should stay away and act like nothing's wrong while you're doing anything on your own and might get hurt in the process?" Tinulak ko siya sa balikat at pinagbabayo ang kanyang dibdib. Hinuli niya ang mga kamay ko at hindi pinakawalan. "Y-You know I can't do that, Grant! Y-You know I can't leave you alone. You know I don't want you to get hurt. You know—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang halikan niya ako para matigil sa pagsasalita. Bakit ba kasi kailangan niya pa akong halikan?

Naiinis ako sa kanya pero hindi ko alam kung mapapanindigan ko ang salitang 'yon sa loob ng ilang segundo pa.

"Just trust me, okay?" bulong niya nang pakawalan ang labi ko. "I'll never get hurt, but if that's going to happen I won't regret it, at least I've tried enough to make you stay the hell out of it. So, please, trust me. I won't do anything imprudent that will make you worry." Muli niyang sinakop ang mga labi ko para bigyan nang mabilis na halik. "Do you trust me?" Kinagat ko ang labi at marahang tumango habang sumisinghot. Nginitian niya ako at kinabig palapit sa kanya para yakapin. "I'll do what I can to protect you, Heather."

_..._..._

"W-WHAT?" KANDAUTAL na tanong ko nang tumambad ang mukha ni Grant pagdilat ko. Nakatagilid ako paharap sa kanya. Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa mga binti ko, binti niya. Nakapatong ang ulo ko sa isang braso niya. Bigla nawala ang antok ko at nanlaki ang mga mata. "A-Ano 'yan?" tukoy ko sa hawak niya.

"Camera?" patanong na sagot niya at kumindat. Uminit ang mukha ko. Alam ko namang camera. Pero ano'ng ginagawa niya sa camera? Napaawang ang bibig ko. No!

"B-Burahin mo 'yan." Inabot ko pero nailayo niya agad sabay iling at ngisi. Alam kong hindi niya ako pinipicturan bagkus video dahil kumikislap ang pulang ilaw na nasa harap. Hindi ko alam kung ngayon lang ba niya ginagawa o kanina pa habang natutulog ako. Hindi ko maiwasan ang mailang sa ayos at itsura ko. "Mickey!"

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon