IAR [26]

59.5K 2.2K 493
                                    

-26-

"GREG!" NAPATAYO bigla si Mama Tracey para hawakan si papa sa braso. "Let's talk to them first!" Pagalit na sita niya sa asawa.

Hindi ko maintindihan kung ano'ng nangyayari. Napaupo ako para alalayan si Grant sa pagtayo. Nakita ko ang pamumula ng panga niya at kaunting dugo sa gilid ng labi. Namumutla rin siya at natulala na lang bigla.

"P-Pa, what's wrong?" Humakbang siya palapit sa mga magulang. Mababakas sa boses niya na takot talaga siya sa papa niya.

"'Wag na 'wag mo akong matawag-tawag na... papa. Wala akong anak na bastos na, demonyo pa!" Nakita ko ang pagtangis ng bagang ni Papa Greg at pagkuyom ng kamao, kaya napaharang ako sa harapan ni Grant.

Nanginginig ang aking katawan. Kung sa bahay namin ang boss... si mommy, sa mga Loriete naman si Papa Greg. Kahit si Mama Tracey takot sa kanya.

"P-Pa—" Ang dami kong gustong sabihin. Ako na lang ang saktan niya 'wag lang si Grant. Ano ba'ng problema? Pero hindi ko madugtungan dahil namimilipit ang aking dila.

Lumapit si daddy at mommy, at hinila ako papunta sa pwesto nila. May ibinubulong si daddy pero hindi ko maintindihan. Si mommy naman kinakausap si Papa Greg. Si Mama Tracey napaupo sa sofa at napahagulhol ng iyak.

"No, Xyria!" Impit na sigaw ni Papa Greg na bumalot yata sa buong bahay nila. "I'm his father! I have the rights to discipline him." Natigilan si mommy nang sigawan siya ni papa. Napahigpit ang pagkakahawak ni daddy sa braso ko. Naiintindihan ko siya dahil never niyang sinigawan si mommy. "Kung ikaw ayos lang sa 'yo na makitang tinatarantado ang anak mo. Puwes ako, hindi p'wede sa 'kin na tarantado ang anak ko!"

Napaawang ang bibig ko. Napaangat ng ulo si Grant at nanlaki ang mga mata. Ngayon alam ko na ang problema.

Walang sekreto na hindi nabubunyag.

Pero wala sa isip ko na ganito ang mangyayari sa oras na malaman nila. Natatakot ako sa p'wedeng gawin nila kay Grant.

"G-Greg." Hinawakan ni Mama Tracey ang braso ng asawa dahil mukhang susugurin nito ulit si Grant na kanina pa naistatwa sa kanyang kinatatayuan. Sunod-sunod siyang umiling habang umiiyak. "Calm down. Let's talk—"

"Let's talk to him first?" Putol ni papa sa kanya. "Bullshit! 'Wag mo akong pipigilan, Tracey. Walang magagawa kung kakausapin mo lang ang isang gago. Kailangan niyang makatikim para tumino!" Lumapit siya kay Grant at kwinelyuhan ito.

Hindi ko napigilan ang mapasabay kay mama sa pag-iyak. Naikuyom ko ang mga kamao at pumikit. Ayokong makita ang gagawin ni papa. Alam ko namang hahayaan lang siya ni Grant.

Bakit ba nangyayari sa 'min 'to? Okay na rin naman 'di ba? Bakit kailangan pang ibalik kung alam naman na tapos na at hindi na mababago pa?

"Ganyan ba kita pinalaki, ha, Grant? Sumagot ka!" Galit na galit talaga ang boses ni papa. Lumalabas ang mga ugat niya sa leeg.

Naramdaman ko ang paghawak ni dad sa likod ko. Mas lalo akong napahikbi. Pinisil naman ni mom ang kamay ko at bumulong ng, "I'm sorry, sweetie, everything's gonna be okay."

"You didn't respect me. You didn't respect our family. Xhaiden is your fiancée, yet you didn't respect her as well. How could you do that cruel thing, Grant? Having séx with a dirty woman in front of her? Damn you!" Narinig ko ang malakas na impact. Alam kong sinuntok na naman ni papa si Grant.

Nakita ko ang nakakuyom na kamao ni Papa Greg. Kaliwete siya at suot-suot pa niya ang wedding ring nila ni mama. Para akong sinasaksak nang paulit-ulit sa bawat suntok na ibinibigay niya kay Grant. Pinilit kong tumayo pero pinigilan ako nina mommy.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon