IAR [9.5]

121K 3.3K 746
                                    

-9.5-

MABILIS KONG pinunasan ang mga luha. I composed myself... bago humarap.

"H-Hi, Serg!" Awkward kong kaway sa kanya kahit na napapangiwi pa rin ako sa sakit. Literal na masakit ang kanang paa ko. Dahil siguro sa pagkakatipalok. Kumikirot din ang aking siko. Namamanhid ang tuhod.

Sana nga pati puso... namamanhid din.

Kaso hindi... kasi walang laban 'yong pananakit ng buong katawan ko sa tinamo ng puso ko.

"Xhai," sabay na tawag ni Cyclone, Dew at Jerson. Hinanap ko si Grant sa likuran nila.

Wala siya.

Narinig niya naman siguro 'yong tili ko kanina, 'di ba?

Wala talaga akong halaga sa kanya.

"Wazzup, guys?!" Nginitian ko ang barkada. Mabuti't nagawa ko naman. P'wede na akong bigyan sa FAMAS ng best-actress award. "Pupunta talaga ako dito para makisali sa inyo. Sa sobrang pagmamadali ko, nadapa ako." Ipinagpag ko ang nadumihang mga palad habang tumatawa. "Like the old times, lampa pa rin ako, walang nagbago." Pinilit kong tumayo kaso natumba agad ako.

Mabilis na lumapit silang apat sa 'kin. Nagkabungguan pa nga sina Serg at Dew. Sabay-sabay nilang nilahad ang mga kamay nila. Aabutin ko na sana ang kamay ni Cyclone at Jerson dahil sila ang malapit sa 'kin.

Napatili ako nang umangat ang katawan ko. May nagbuhat sa 'kin, bridal style. Nahigit ko pa ang hininga sa gulat. Hanggang sa makita ko ang familiar na mukhang kinaaadikan ko. Maamoy ang pamilyar na samyong kinahuhumalingan ko. Nagwala na naman ang buong pagkatao ko.

Naglaho na parang bula ang naramdaman kong sakit. Napalitan ng hindi ko masisid na emosyon. Hawakan niya lang talaga ako, okay na. Wala ng problema.

Ang unfair! Gusto kong magalit. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat ng dinanas kong sakit. Pero... pucha! Mahal ko talaga siya.

Inilapag niya ako sa sofang hinihigaan ni Serg kanina. Napahawak ako sa dibdib kong nahihirapan sa paghinga.

Kalma, heart. Kalma!

"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ni Grant na halos hindi ko marinig. Mas malakas pa yata ang pagwawalang ginagawa ng puso ko kaysa sa kanyang boses. Lumunok ako. Hindi nakaimik.

Tinitigan ko lang siya. Nakatingin din siya sa 'kin. Pinagpapawisan siya. Katulad ng mga mata niyang namumula. Pero 'yong titig niya... hindi ko na naman mabasa. Gano'n ba talaga kapag kulay abo ang mga mata? Ang hirap basahin?

May suot na siyang damit. Plain red V-neck T-shirt. Kaya pala hindi agad siya lumabas. Sinuklay niya ng isang kamay ang magulong buhok.

Ngumiti ako. Alam kong totoong ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. "Hindi, kararating ko lang no'ng madapa ako." Napabuntong-hininga siya. Sigh of relief yata.

Useless din naman kung magsasabi ako ng totoo. Ano pa'ng silbi kung sabihin kong narinig ko sila? Na nalaman kong nakokonsensiya lang siya? Na hindi niya talaga ako kayang mahalin? Na hanggang ngayon ang mundo niya'y umiikot pa rin kay Ate Xyrene? Wala!

Kasi kausapin niya lang ako... okay na. Back to normal na ulit ang lahat.

Handa kong kalimutan ang narinig ko. Handa kong balewalain na ginagawa niya lang ito... out of pity. Handa kong lunukin ang pride ko. Handa akong gumapang sa sakit. Basta alam kong nandiyan siya. Ayos lang ako. Wala na akong mahihiling pa.

Bonus na lang kung magagawa niya rin akong mahalin.

Pumasok na rin ang apat sa kubo. Sumalampak sila ng upo sa sahig. Tumingin nang pabalik-balik sa 'min. Sa aura ng mukha nila, nangangati silang magtanong kung ano ba 'yong ginawa ni Grant.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon