IAR [4.5]

144K 4.4K 576
                                    

-4.5-

"XHAI!" TINAPIK ako nang malakas ni Angel sa pisngi kaya napabalik ako sa sarili. "Stop crying..." Hindi ko alam kung kanina pa siya nandito.

"Kasalanan ko, Gel. Wala akong k'wentang kapatid—"

Niyakap niya ako. Hinimas-himas ang likod ko. "No. Aksidente ang nangyari. Don't blame yourself."

"K-Kung makapagsalita ka parang ang dali lang ng mga bagay-bagay para sa 'yo. Alam mo kung gaano kami kaclose ni Xyrene. Kakambal ko siya. Natural lang na umiyak ako para sa kanya."

"I know. Pero, Xhai, isang taon ka nang nagkakaganyan. Kung magigising siya, magigising siya. Kung mamamatay siya, 'di patay—"

"Bawiin mo ang sinabi mo!" pagbabanta ko.

"Hindi ko gagawin 'yan dahil totoo ang sinabi ko," tiim-bagang na tugon niya. "Tao lang tayo, namamatay. Ang tanong kung kelan? Saan? Paano? At kung ano'ng dahilan? Pero hindi natin 'yon mapipigilan."

"Pero kasi—"

"Ano?" Iritadong tanong niya. "Ayaw mo pa ring makinig sa 'kin? Sisisihin mo pa rin ang sarili? Iiyak ka ulit? Hanggang kailan? Hanggang kailan ka magiging ganyan?"

"Gel—"

Sasagot pa sana siya. Hindi na natuloy nang may bigla kaming narinig na ingay sa labas. May bumubukas sa pinto ng kinaroroonan naming silid. Nagkatitigan kami ni Angel. Sabay na napabaling sa pintuan.

"Where's Samson?" tukoy nito sa guard na kasing katawan ni 'The Rock'.

Gano'n na lang ang pagsalakay ng kaba't kabog ng dibdib ko nang mobosesan ang nagsalita.

Si Grant.

Hindi niya ako p'wedeng makita. Napatingin ako kay Angel bago kay ate na walang kamalay-malay kung ano'ng nangyayari.

Ano'ng gagawin ko?

Kinagat-kagat ko ang labi. Bago pa ako makapagsalita, nahawakan na ni Angel ang kamay ko't hinatak ako patayo.

"I know..." bulong ni Gel, na tila nababasa ang pagpapanik ko. Agad kaming pumunta sa tapat ng isa pang pinto na sa tingin ko ay comfort room. "Hindi p'wede, baka umihi ang gago. Mayayari tayo lalo na 'pag nakita ka niya."

Kung ano-ano nang pumapasok na negatibong bagay sa utak ko. Kabadong-kabado. Panay ang pagtap ng mga daliri ko sa legs.

"Gel..." Parang maiihi ako kahit hindi naman. Kailangan na naming mag-isip ng paraan. Mapapatay ako ni Grant.

Tinuro ni Angel ang isang maliit na cabinet sa gilid, na sa tingin ko'y lalagyan ng mga hospital apparatuses.

Bago pa ako makatango, nahila na ako ni Angel at sapilitan akong pinapasok sa loob. Siniksik niya rin ang sarili. Maya-maya, pumasok si Grant kasabay nang paghila ni Gel pasara ng pinto ng cabinet. Mahina akong napabuntong-hininga. Para akong sumabak sa basketball game at ako ang huling tumira. Buzzer-beater.

Napakapa ako sa loob ng cabinet para alamin kung ano'ng mga laman nito pero wala akong nakapa kahit na ano. Ano'ng silbi nito dito? Display?

Narinig ko ang mga hakbang ni Grant papalapit sa higaan ni Xyrene. Naninikip ang dibdib ko. Nakita ko sa maliit na butas na yumuko siya't dinampian ng halik si ate sa noo.

Naramdaman ko ang paghawak ni Angel sa kamay ko't marahan niyang pagpisil.

Akala ko makakahinga na ako nang maluwag, hindi pala. Napako ang tingin ni Grant sa 'min. Narinig ba niya ang pagbuntong-hininga ko? Hindi ko alam kung nakikita niya kami pero nakatingin siya sa cabinet.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon