IAR [20.75]

76.3K 2.3K 207
                                    


-20.75-

"XHAIDEN!" HINDI ko nilingon si Green. Tumawid ako sa main road kahit na maraming dumadaang sasakyan. "What are you doing?" Napasinghap ako nang may biglang humarurot na motor sa tabi ko. Sunod-sunod ang busina ng mga sasakyan. Nanigas ako sandali at muling tumakbo.

Bahala na si Lord.

Nakahinga lang ako nang makarating sa kabila. Kaso, saktong pagtawid ko, nagred light kaya kitang-kita ko kung paano tumakbo papalapit sa 'kin si Green. Naalerto ako. Hinubad ko ang magkabilaang heels at kumaripas ulit ng takbo. Ngayon ako nagsisi kung bakit naisipan ko pang magheels. Bakit kasi pumunta ako dito?

'Tapos si Green lang pala. Si Green?! Ugh!

Ano'ng pumasok sa isip ko at pumayag akong makipagkita sa ungas na 'yon?

"Bakit ka ba tumatakbo?" Bahala ka diyan. Kausapin mo ang gwapo mong mukha. Tutal, mahangin ka naman at gwapong-gwapo sa sarili! Panindigan mo.

Wala sa loob na pinunasan ko ang mga labi kahit na tumatakbo. Masakit na mga paa ko at napapagod na. Naiinis ako. Gusto kong maglumpasay. Gusto kong sampalin ang sarili.

Bakit ang tanga ko? Bakit hindi ko naisip na si Green nga 'yon? Kung tutuusin dapat no'ng una pa lang alam ko na ang sagot. Tinuklaw na ako, ngayon ko lang naramdaman ang epekto ng kamandag. Sobrang naiinis ako. Naririndi sa sarili. Hindi naman kasi ito ang unang beses na hinalikan niya ako. In fact, siya ang first kiss ko. Ang gagong 'yon! Mapapatay ko na talaga siya. Hayop!

Birthday ko rin noon, ikapitong kaarawan. Hawak-hawak ko ang ninakaw kong picture ni Grant sa album nila sa sala. Hiling ko kay mommy na kahit kiss na lang galing kay Grant okay na ako. Sabi kasi nila, kung love ka ng isang tao, hahalikan ka niya. Kaya gusto kong makasiguro. Pagkatapos ng party namin ni Xyrene wala pa rin akong natatanggap na kiss. Ayaw kasi nina mommy. Bata pa raw ako. Eh, bakit sila hinahalikan ako? 'Di ba pwede si Grant?

Umiyak ako nang umiyak noon kasi hindi natupad ang wish ko. 'Di nila ako pinagbigyan. Pumunta ako sa likod ng bahay namin at umupo sa hanging chair na nakatali sa sanga ng punong mangga. Then, sumulpot si Green na kumakain ng chocolate. Nagulat pa siya nang makita ako pero alam ko namang sinundan niya ako para asarin.

"Ano'ng ginagawa mo dito, panget? Lumayas ka nga!" singhal ko at humagulhol ulit. Iyakin na talaga ako, bata pa lang.

Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko. Pinunasan ko ang mga mata at tinitigan siya. Seryoso ang mukha niya pero biglang humagalpak ng tawa. Sinapak ko tuloy.

"Gusto mo?" tanong niya, sabay lahad ng palad. May nakalagay ditong chocolate. Hindi niya ininda sapak ko sa kanya, siguro mahina.

"Ayoko niyan!" Tinabig ko ang kamay niya. Nahulog ang chocolate sa lupa. Inapak-apakan ko 'yon. "Gusto ko kiss!" Tapos umiyak muli ako.

"Kiss?" Gulat na bulalas niya. Tumango ako. Birthday na birthday ko, umiiyak ako. Hindi pa ako sinundan nina mommy at ate dito. "Kiss nga 'yon, eh. Hershey's kisses. Ang tanga mo naman, Xhai!"

"A-Ano?" Tiningnan ko iyong chocolate. "Bakit hindi mo kaagad sinabi? Meron ka pa ba diyan?" Umiling siya. "Umalis ka na nga. Wala kang kwenta!" Suminghot ako kasi parang tutulo na ang sipon ko dahil kanina pa ako umiiyak.

"Tumahan ka na nga. Pumapanget ka lalo!" Kumamot siya sa ilong niya habang tinitingnan akong umiiyak. "May alam pa akong kiss. Gusto mo?" Napatigil ako bigla sa pagsinghot at napatango na lang bigla. Ngumiti siya. "Pikit ka muna." Pumikit naman ako, syempre kiss ang kapalit kaya sinunod ko. Namalayan ko na lang na parang may dumikit sa mukha ko, ay hindi sa labi ko. Napadilat ako bigla at lumayo si Green sa akin. Hindi ko alam ang ginawa niya. Wala akong ideya.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon