IAR [40]

75.9K 2.2K 1.1K
                                    

Copyright © chiXnita

"I'M NOT gonna wear this shirt," protesta ko kay Grant. Nag-iinarte talaga ako. Paano, couple shirt lang naman 'to. Kulay itim at may naka-imprint sa harap na... 'Grant Turner Loriete's. All rights reserved.'

Pinanindigan niya talaga ang All rights reserved.

May tainga pa ni Mickey Mouse na may cup sa ulo sa taas ng pangalan niya. What the... Ito na yata ang pinakabaduy na personalized T-shirt na nakita ko.

Saka nasaan na ba ang totoong Grant? May dumukot? 'Di talaga 'to si Grant.

Gusto ko nang batukan ang sarili... pero alam kung si Grant talaga nasa tabi ko. Huhu.

Kung hindi ako nakapagreact sa sinabi niya kanina. Mas lalo naman ngayon. Hindi ko alam kung mangingisay ako sa kilig o inis sa kanya.

Mas nababaliw yata ako ngayon sa inaakto niya kasya noong bago ang therapy.

Tatawagan ko mamaya si Tita Brenda para alamin kung nasa katinuan pa ako.

"You're now wearing it..." pilit na itinatago ang ngiti na saad niya. Nakaharap siya sa malaking salamin dito sa shop. Nirent niya yata 'to dahil kami lang ang tao at iilang staffs. Pumihit siya paharap sa'kin dahilan para muli kong makita ang nakalagay sa damit niya.

Hindi ako mapakali sa suot ko. Pero mas nahihiya naman ako sa kanyang suot. Kaso siya walang pakialam. Hindi ko lubos akalain na magagawa ito ni Grant. Nitong mga nakaraang linggo kaya hindi siya nagpapakita sa'kin dahil dito.

May pinaplano siya.

Scripted.

At ang isa sa mga ebidensiya ay ang nakasulat sa damit niya.

"I did. I do. I will always love HEatheR."

Nakaemphasize ang HER pero kung tititigan mo talaga, makikita pa rin ang buong pangalan ko. May tainga rin ni Minnie sa gilid nito.

Okay... whatever. This is insane!

These were personalized T-Shirts. Hindi naman maaari na kanina lang 'to ginawa. Dahil pagdating namin dito sa shop ay may nayari na.

"You blackmailed me..." Totoo iyon. Aniya, siya ang magbibihis sa'kin kapag hindi ko sinuot ang T-Shirt na 'to. Kaya sino'ng hindi mapapasunod? Sht! Nakakainis.

Pero ba't hindi ko mapigilan ang kiligin? Double sht!

Lumapit siya sa counter at may tinanong sa cashier na kanina pa nakatitig sa'min, este... sa kanya. Sarap magputol ng heels na meron dito sa shop at sungkitin 'yong mga eyeballs ng bruha. Hindi naman maganda. Impakta!

Pero ang himala... kaya kong kontrolin mga naiisip ko.

Napairap na lang ako at pasimpleng humakbang patalikod. Lalabas na sana ako nang bigla akong mauntog. Napasapo ako sa noo. Gusto kong basagin ang glass door sa harapan ko na nakasarado.

Sarap magmura. Ang bilis ng karma... 'Langya!

Narinig ko ang pagtawa nung isang babaeng sales clerk na nakakita. Nagpipigil naman ng tawa 'yong iba. Nahihiya lang sa'kin at kay Grant.

Alam ko rin na may mga taong nakakita sa labas. Mall 'to. Ang tanga ko. Gusto ko ring pagtawanan ang sarili sa kaengotan ko. Kaso ang sakit talaga ng aking ilong at noo. Magkakabukol pa yata ako.

Akala ko kasi nakabukas 'yung pinto. Clear glass pala ang nasa harapan ko. Malabo na ba ang mata ko? O shunga lang talaga ako?

"What happened...?" Muntik na akong mapaupo sa sahig. Nahawakan lang agad ni Grant ang magkabilaang balikat ko at pinaharap ako sa kanya. Marahan niyang hinimas ang aking noo.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon