IAR [24]

72.8K 2.2K 189
                                    


-24-

THE DAYS went so fast. It's been more than a month since Christmas. We're going back to Philippines now. Grant and I, took a-month-trip to tour in California and South Korea before going back to Metro Manila.

Ni hindi ko nga binati si Angel no'ng birthday niya last January 9 dahil naiinis pa rin ako sa ginawa niya kay Kuya Xyrus. Nagtetext siya, tumatawag pero hindi ko sinasagot.

Pumunta kami ni Grant sa California pagkatapos namin magcelebrate ng Christmas. December 28 kami umalis kaya sa California kami nag New Year's Eve. Hindi ko alam kung bakit naisip ni Grant na muli kaming magbakasyon na dalawa, gayo'ng kababakasyon lang namin sa Trese Paradise.

Hindi lang isang linggo ang naisip niya kung hindi buong buwan. Kahit na sa ginawa naming bakasyon, palagi pa ring naisisingit ni Grant ang business. Madalas may phone calls pero okay lang. Sulit na sulit ang ginawa naming bakasyon. Parang lumulutang pa rin ako sa alapaap kahit na nakatungtong na ang dalawa kong paa sa NAIA terminal ngayon.

Nagcelebrate kami ni Grant ng kanyang ika-24th birthday last January 17 sa Disneyland sa Anaheim, California. Akala ko wala nang tatalo sa last birthday celebration ko pero dinaig pa 'to nang pumunta kami sa Disneyland. Hindi naman ito ang unang beses na nakabisita ako sa lugar na 'yon.

Naalala ko na bumisita kami nina Xyrene kasama ang mga parents namin no'ng six years old pa lang kami. Hindi ko na masyadong naalala ang mga nangyari pero ang idea na nakarating na kami roon ang hindi ko makakalimutan. Pati sa Hongkong Disneyland nang eight years old naman kami.

Sobrang hilig ko talaga sa mga fairytales, princes and princesses, and magical things. Kahit na 22 na ako hindi ko pa rin maipaliwanag ang sobrang saya ko nung birthday ni Grant. Doon ko naexperience ang maging isang normal na tao.

We rode at the Peter Pan's and different rides. Kaso hindi lahat dahil sobrang daming tao. Too crowded para masakyan mo lahat sa two weeks na pananatili namin sa Paradise Pier Hotel. It was like a magical experience staying there.

We went to Adventure Park. Doon ko nakita ang iba't ibang personalities ni Grant. Ayaw niyang nagpipila ng sobrang haba pero wala siyang choice. Natatawa na lang ako kahit na ang cute niya kapag nakasimangot siya paminsan-minsan pero mas madalas nakangiti lalo na no'ng pumunta kami sa Frozen Fun.

Pagkatapos ng tatlong linggong pananatili namin sa California, dalawang linggo kami sa Disneyland at ang ibang araw, namili lang kami ng mga souvenirs. Nag-ikot kami sa kung saan-saan at in-enjoy ang bakasyon. Kaso hindi talaga maiwasan ang mga umi-extra sa buhay. May mga iilang Californian bitches na nagpapacute kay Grant. They were so damn liberated. Sila talaga ang nagpapakita ng motibo. Kahit na sa harapan ko kinakausap nila si Grant. They were calling him Turner and it was like an exploding bomb to my ears.

Ang sarap ngang pumatay, eh.

Nanatili rin kami nang mahigit isang linggo sa Seoul, South Korea. Nag-ikot lang din. Nag-ice skating sa totoong snow. Hiniling ko pa sa kanya na puntahan namin ang Seoul Tower. It's the place where couples believe that locking the locks with their names, then tossing the keys off the bridge, and after that, they said that the couples will stay together forever. So, I decided to do it. We did it.

Lutang pa rin ako sa mga magandang nangyari sa bakasyon namin. Bitin na bitin din. Pero wala na akong magagawa dahil pasakay na kami sa sundo namin, si Mang Tuko ang driver.

Namiss ko ang amoy ng Manila. Ito kaagad ang sumalubong sa 'min paglapag namin ng NAIA.

Isang buwan lang naman kaming nawala pero pakiramdam ko isang dekada. Sumulyap ako sa screen ng phone ko. 3:13 PM, February 7 at Saturday, ang nakalagay rito.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon