IAR [28]- Green Ryder Loriete

66.5K 2.1K 365
                                    

-28-

Green Ryder Loriete's POV

"I love you," wala sa sariling bulong ko. Damn it!

Yes, I love her.

At nakakabanas lang na ayaw niya akong kausapin. Gaano ba kalaki ang nararamdaman niyang inis sa 'kin? Napangisi ako sa sarili at gusto kong manapak ng tao bigla.

Of course, she hates me.

Dahil simula bata pa lang kami, inaasar ko na siya. Hindi niya naman ako masisisi. Si Grant ang gusto niya, noon pa. Si Brix ang best friend niya. 'Tapos ako kaaway ang turing niya? Nakakagago, 'di ba?

Gusto ko siya.

Nagpapapansin lang naman ako sa kanya. Kaso nagagawa niya lang akong pansinin sa oras na inaasar ko na siya.

Kasalanan ko ba na sobrang hirap umamin?

Gusto ko talaga siya.

Pero ano'ng mapapala ko sa oras na umamin ako? Ano'ng silbi kung gagawin ko ang bagay na 'yon kung alam ko namang rejection lang ang makukuha ko?

Suck it, Ryder. You're hopeless.

"W-What?" Dilat na dilat ang mga matang tanong ni Xhai.

Nakatitig lang ako sa kanya. Nakain ko yata ang dila. Kasi kung ibang babae 'to sobrang dali lang mag-isip ng sasabihin. Pero kasi si Xhaiden 'to, eh.

Si Xhaiden.

Ang dami pa niyang iniisip at problema ngayon at ayoko nang madagdagan ang mga iyon.

I can do what I want. Pero pagdating sa kanya, hindi ko pala kaya. Kaya ito... tumawa ako nang malakas.

Alright, I get it... I'm a jerk!

Rejection. That's my greatest fear of all.

Takot akong mareject. Dahil sa buong buhay ko, never pa akong nabusted.

Alam kong mangyayari at mangyayari 'yon... soon. At alam kong sa kanya manggagaling ang salitang iyon.

Ayokong marinig mula sa kanya, ayoko pa.

Ang sumunod na nangyari, nakasanayan ko na. Usual. Hinawakan niya ang buhok ko at hinila ito. Kulang na lang mapanot ako.

Bakit ba ang hirap sabihin ng mga salitang "Mahal kita?"

"Gago! Walang nakakatawa." Napalitan ng mga daing ang pagtawa ko kuno. Napangisi ako nang mapakla nang suntukin niya sa braso.

Wala akong choice kung hindi gamitan siya ng lakas para maihiga sa upuan ng sasakyan. Ginamit ko ang dalawang tuhod para ipitin ang tuhod niya nang hindi na muling manlaban.

Baka masipa na naman niya si junior.

Nakakarami na ang babaeng 'to.

Kaso napalunok ako nang makita ang posisyon namin. Hirap na hirap siyang nakahiga habang ako halos nakapaibabaw na sa kanya.

Sabay kaming natigilan.

Great, Ryder! You're really dragging yourself into a deep dark hole.

"B-Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas siya pero hindi ko magawa ang bitiwan siya. Hindi ko rin nagugustuhan ang pagbilis ng hininga ko pati na rin ang reaksiyon ng katawan ko.

Ibinaling niya ang mukha sa gilid para iiwas ang tingin sa 'kin. Ang unfair. She can ignore me so easily. Why can't I do it if she can do it perfectly?

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon