IAR [16]

96.2K 2.7K 347
                                    

-16-

NAPAPANGIWI AKO habang tinitingnan si Angel sa ginagawa niya sa saging. Isinusubo niya ito pero hindi naman kinakain. Dinidilaan niya lang ang dulo nito at muling ipapasok sa bunganga niya. May papikit-pikit pa ang bruha at bumubulong ng, "Hmm. Sarap talaga!"

Lumunok ako. "God! Angel, stop doing that. Gross!"

Nandito kami sa bahay. Kauuwi lang namin ni Grant kahapon. Nasa opisina na siya ngayon. Nalaman ni Angel na nakauwi na kami kaya sumugod agad dito. Knowing her, makikitsismis lang ang babaeng 'to.

"Stop doing what? Licking, sipping and sucking this delicious banana?" Muling akong napangiwi sa sinabi niya at napailing na lang nung kinagat na niya. "Bakit naman ako titigil kung mas masarap kainin ang saging kung didilaan muna?"

"Hindi naman mag-iiba ang lasa niyan. Kung gusto mong kumain, kumain ka nang maayos, hindi ganyan."

"Oh, c'mon, Xhai. Walang basagan ng trip." Muli niyang dinilaan ang dulo na may kagat na at muling isinubo. Ipinaikot-ikot niya pa ito sa loob ng bibig. Kaya naman tumayo na ako at pumunta sa sala. Baka maisipan pa niyang muling kumuha ng saging sa mesa. Mauubusan na kami ng stock sa kusina. Kinikilabutan din ako sa ginagawa niya.

Sumalampak ako ng upo sa sofa. Ipinatong ko ang mga paa doon at niyakap ang tuhod. Hindi tuloy mawala sa isip ko ang nangyari nung last night namin.

May nangyari sa'min ni Grant.

Iyon ang gusto ko. Ginusto ko 'yon. Kaya ko nga sinimulan. Gusto kong magkaroon ng improvement sa pagitan namin bago matapos ang bakasyon na 'yon. Kaso hindi ko alam kung may nagbago ba. Kasi gano'n pa rin. May nangyari. Ilang ulit pa nga, eh. Pero never lumabas sa bibig niya ang gusto kong marinig. Hindi niya sinabi sa 'kin na mahal niya ako.

Naguguluhan na kasi ako, eh. Wala ba talaga? Ako lang ba ang nagbibigay ng kahuluguhan sa mga ikinikilos niya nitong huli? Masyado ba talaga akong umaasa? Na mahal niya rin ako?

"So, okay na talaga kayo ni Grant?" Napalingon ako kay Angel na kakaupo lang din sa tabi ko. Mabuti na lang wala na siyang hawak na saging, kung hindi kukutusan ko na talaga siya.

"Sinabi ko na sa 'yo. Magiging okay din ang lahat." Tapos na ang bakasyon namin, akala ko balik na ulit sa dati. Hindi na ako papansinin ni Grant. Pero gano'n pa rin naman ang turing niya sa 'kin. Baby pa rin ang tawag niya sa akin. Is it a good sign? Eh, ba't ako natatakot?

"Okay na, Gel. Wala ng problema. Kilala mo naman si Grant. Mabait siya. Sweet. Naging cold and harsh lang naman siya simula no'ng nangyari iyon kay ate. Though, hindi naman talaga niya ako napapansin noon pa kahit na barkada tayo dahil kay Xy. Pero okay na ngayon."

"Paano ka nakakasigurong hindi ka ulit niya gagaguhin?" Ipinatong niya ang ulo sa sofa at tumingin sa fluorescent na parang steering wheel ang design at kulay gild ang ilaw.

"Kasasabi ko lang na kilala mo si Grant." Nginitian ko siya pero bumulong-bulong lang siya na hindi ko maintindihan. "Ano'ng sinasabi mo diyan?"

"Wala! Ano'ng nangyari sa inyo sa Trese?" Ibinalik niya ang tingin sa 'kin.

"W-wala ah!" Naalarma ako sa tanong niya. Kahit na marami naman talagang nangyari. Muntikan pa ngang mapahamak si Grant. Pero ayaw niyang may makaalam na kahit sino sa bagay na 'yon. Kaya nga bumalik agad siya sa Isla de Carpio para asikasuhin ang insidente. "A-ano namang mangyayari?" Kabado ako. Kainis talaga ang babaeng 'to. Ang galing manghuli.

"Sigurado ka? Eh, bakit pinagpapawisan ka diyan at mukhang natataranta?" Bumungisngis pa siya at hinagis-hagis sa ere ang throw pillow. "May patap-tap ka pa ng mga daliri sa tuhod." Humalakhak na siya at tiningnan ako nang nakakaloka.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon