IAR [49.5] - Original Plan

63.2K 2K 366
                                    

Copyright © chiXnita

“ANO BA kasing ginagawa natin dito?” Halos maluha na si Irish nang tumigil siya sa paglalakad. Umupo siya’t minasahe ang sakong niya na namumula na.

“Stop crying!” apila ni Denice, pero nangangati na rin. “Ilang minuto pa lang tayong naglalakad. Tumayo ka na nga.”

“I wasn’t crying. Hindi talaga kita ilalakad kay kuya,” Irish yelled out. She was pertaining to Cyclone.

Ngumisi si Denice. Mas inasar pa si Irish. “Oh, c’mon, Rish. I don’t need your help, I can handle him.” She tossed her below shoulder-length hair to her back.

Nakita kong nauna nang maglakad si Shantal, hindi pinansin ang sinabi ng pinsan niya. Nakasunod sa kanya ang kapatid na si Caleigh, na katabi si Vlaire. Kami na lang tatlo nina Irish at Denice sa likuran.

“Keep walking! Malapit na tayo,” pahayag ni Keziah na nasa unahan namin. Katabi niya si Angel. Sila ang pasimuno ng lakad naming ito na wala naman kaming ideya kung saan.

Basta sinusundan lang namin ang footsteps na meron sa buhangin papunta sa liblib na parte ng isla. Maraming lagas na mga patay na dahon at putol na putol na sanga ng mga punong madalas na makita sa tabi ng dagat.

Gumagawa ng kaluskos ang bawat hakbang namin. Minsan nga’y napapatili pa ang iba kapag nakakaapak ng kung ano.

Sampung minuto na rin kaming naglalakad. Mabuti at lagpas alas sais pa lang ng umaga, medyo malamig pa. Inaantok pa nga ako.

Kanina kasi’y sumilip sa tent namin si Kez, may binulong siya kay Gel at umalis sila. ‘Tapos bumalik din agad. Hinila ako ni Gel palabas ng tent kahit wala pa ako sa sarili.

Hindi ko pa nasusuklay ang buhok ko. Bangag pa yata ang itsura ko. Nahatak rin nila lahat ng kababaihan papunta rito. Pero sila maayos ang itsura.

Tahimik lang sina Shantal, Vlaire at Caleigh. Nagtataka yata kung ano’ng ginagawa namin dito. Natatakot din siguro dahil wala namang permiso sina Kuya Clyde at Jensen.

Si Irish at Denice lang ang maingay kanina pa. Si Irish kakareklamo dahil masakit na raw ang paa. Si Denice naman umagang-umaga ang daldal na.

Sinusuklay ko ng mga daliri ang buhok ko. Mabuti hindi naman siya dry. Ipinagsama ko ang mga hibla at ipinaikot sa tuktok ng ulo para gawing bun. Basa na kasi likod ko.

Mga tatlong minuto pa kaming naglakad bago humarap sa’min si Kez. Nakalagay ang hintuturo niya sa tapat ng bibig. Nagbabanta ang mga mata na ‘wag kaming gagawa ng kahit anong ingay.

“Stay down!” Ikinumpas niya ang isang palad na yumuko kami habang naglalakad.

Kahit naweweirduhan kami’y sumunod naman sa kanya. Hanggang sa mapagtanto ko kung ano’ng balak nila.

Naririnig ko ang malakas na buhos ng tubig mula sa kung saan. I think it’s from a minor waterfalls that connected to the sea. Kaso naunahan ako ni Shantal na magtanong.

“Are we going to peep on the guys?” Her eyes widened with the realization, deep dimples appeared on her flushed cheeks.

Keziah chuckled but didn’t answer. Siya ang may pakulo nito at hindi ko alam kung ba’t nakisali si Angel. Wala yata silang magawa. Ang aga-aga ang dumi ng mga utak nila.

Tumili si Denice. Occupied with excitement, her huge grey-black eyes widened. “Oh God, really? Dali…” Tinakpan ni Caleigh ang bibig niya.

“Shut up, Den. They might hear us,” Vlaire giggled while pinching her. Mukhang gusto niya rin?

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon