IAR [13.5]

81.9K 2.5K 170
                                    

-13.5-

NAKALAYO NA ang misteryosong lalaki pero hindi ako papayag na hindi ko siya makilala. Muli ko siyang hinabol kaso sa kasamaang palad may nakabangga ulit ako.

Isang matandang babaeng naghahalo na ang itim at puting buhok sa ulo. May hawak siyang baston. May malaking balabal sa likod. Nakasaya. Typical na matanda.

"Sorry po..." Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad. Ang clumsy ko talaga kaya madalas akong napapahamak. "May masakit po sa inyo, nanay? Sorry po talaga."

Ngumiti lang siya at umiling. May wrinkles na rin ang mukha niya dahil sa edad niya.

Tiningnan ko ulit ang lalaki pero hindi ko na siya nakita. Iginala ko agad ang paningin ko pero wala.

Where the hell is he?

"Nanay, ayos lang talaga kayo? P-pwede ko na po ba kayong iwan dito?" Bakit ba ang malas ko? Sa pagkakatanda ko wala naman akong balat sa puwet para pagsakluban ako ng lupa at langit.

Ngumiti si nanay at muling tumango. Ginantihan ko siya ng ngiti at tumalikod na. Hindi ako papayag na muli akong takasan ng lalaking 'yon. Kaso hinawakan ni nanay ang braso ko.

"Mahigit isang taon nang comatose ang kakambal mo at wala pa ring kasiguraduhan kung magigising pa."

Nabitiwan ko ang hawak na rose. Nanginig ang buong katawan ko nang muling humarap sa kanya. Pakiramdam ko dumilim din ang paligid. Maya-maya lang magpapaulan na nang nakakatakot at malakas na kulog at kidlat ang kalangitan.

"P-paano n'yo po nalaman—" Tiningnan niya ang palad ko. Hindi ko na nagawa ang umimik. Hindi ako naniniwala sa hula. Hindi talaga pero natakot ako bigla.

Ang creepy.

"Susmaryusep, hi'ja!" gulantang na usal ni nanay. Napaurong pa siya patalikod. Dilat ang mga mata. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko na makontrol. "Mag-iingat ka, hi'ja."

"N-nanay, 'wag n'yo po akong takutin—"

Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Tiningnan 'yon pero hindi pa rin nagbabago ang aura niya. Tinapik niya ako sa braso. "Palagi kang mag-iingat. 'Wag kang magpapadalos-dalos sa mga kilos mo. Lahat ng gagawin mo magdalawang-isip ka muna. Kung maaari apat o limang pag-iisip, hi'ja. Hindi ko masasabi kung ano'ng eksaktong mangyayari pero... may nakita akong panganib. Malaking peligro."

Napahawak na ako sa dibdib ko. "N-nanay naman—"

"Hindi kita tinatatakot. Hindi pa ako nagkakamali sa mga nakikita kong mangyayari sa hinaharap. Pero sana nagkamali lang ako ngayon. Sana nagkamali lang talaga ako. Basta mag-iingat ka. Iyan ang palagi mong tatandaan. Kung hindi mo gagawin ang bagay na 'yan, tiyak na magsisisi ka. May magbubuwis ng buhay para sa 'yo, siguradong isa pero maaaring dalawa o baka tatlo pa."

Namutla ako sa narinig. Pinagpapawisan ang mga palad ko. Ang bilis ng bawat paghinga ko.

Umiling ako nang sunod-sunod. Pumikit. Baka sakaling pagdilat ko wala na si nanay sa harap ko. Pero nandito talaga siya. Hindi naman nakakatakot ang itsura pero nakakapangilabot ang mga pinagsasabi niya.

Tumingin ako sa paligid. Gano'n pa rin ang mga ginagawa ng mga tao. Ang pag-iisip kong sundan 'yong lalaki, nawala na. Lahat ng atensiyon ko napunta na lang sa mga sinabi ni nanay.

"Siya ang mapapangasawa mo, 'di ba?" May tinuro siya sa likod ko.

Lumingon ako. Nakita ko si Grant na papalabas na ng hotel. Tumitingin-tingin sa paligid habang nakalagay ang isang kamay sa bulsa. Hinahanap niya yata ako.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon