IAR [3]

173K 4.8K 696
                                    

-3-

"Tangina, Xhai! Ano'ng sabi mo?" Napatakip agad ako sa magkabilaang tainga nang sigawan ako ni Angel, best friend ko.

"Calm down—"

"Calm down? Matapos kong malaman kung anong katarantaduhan ginawa ng gagong Grant na 'yon. Paano ako hihinahon? Nasaan na ba ang siraulong 'yon? Kung hindi mo siya kaya, ako ang papatay sa kanya. Tangina niya—"

"Bunganga mo, Gel!" Angel ang pangalan pero kung makapagmura akala mo ang pangalan... 'demonyita'.

Kaming tatlo ni Brix ang palaging magkasama simula bata. Lahat ng tungkol sa 'kin, alam niya. Si Silver lang ang hindi ko kayang banggitin. May kung anong pumipigil sa 'kin.

"Kamartiran mo, Xhai!"

"Mahal ko nga siya..." Ba't ba hindi nila ako maintindihan? Silang dalawa ni Brix. Best friends ko sila... pero silang dalawa pa ang pumipigil sa 'kin para sumaya.

"Gaga! Katangahan ang tawag diyan!"

Angel Faith Tuazon.

Ang nag-iisang babaeng kilala kong sobrang hilig magmura lalo na kapag galit na galit na. Siya 'yong tipo ng babaeng hindi ka kayang ilaglag kahit ano'ng mangyari. Kung gaano katalas ang tabas ng dila niya gano'n naman siya karupok pagdating sa mga malalapit sa buhay niya. Mas inuuna niya ang kasiyahan ng ibang tao kaysa sa kaligayahan niya.

Astigin. Boyish. Kapag kasama ko siya, hindi kami nilalapitan ng mga lalaki. Kahit si Brix hindi nakakapalag sa kanya. Maganda, kaso nakakaintimidate. Kapag kasi tinitigan ka na niya nang matalim, lalo na't may magkadeep blue ang mata niya (kaso palagi siyang nagcocontacts) tiyak na titiklop tuhod mo.

Kahit na sobrang opposite naming dalawa, magkasundong-magkasundo kami. Sadista siya, masokista raw ako. Palaban siya, fragile 'di umano ako. Prangka siya, kabaliktaran ko. Pero kahit na hindi nagkakasundo ang mga hilig at personalities namin... hindi nila kami kayang tibagin.

Mas open lang talaga ako kay Angel. Ang awkward din kasing kausapin si Brix minsan dahil kaibigan niya si Grant. Sila lang talaga ang mga kaibigan ko. Idagdag na rin ang mga barkada namin sa Trese.

"Tangina lang talaga, Xhai! Gumising ka nga. Nagmumukha ka ng tanga." Ginugulo niya ang kanyang buhok. Panay rin ang lakad niya sa harapan ko.

Xhai ang tawag nila sa 'kin o Xhaiden, kahit na parents ko at ibang nakakakilala sa 'kin. Isa lang naman ang tumatawag sa 'kin ng Heather. Si Grant. Ayaw niya kasi akong tawaging Xhaiden dahil it sounds like Xyrene. Kaya ayoko rin ng may tumatawag sa 'kin ng Heather dahil gusto ko, siya lang talaga. Kahit simpleng bagay lang 'yon sobrang saya ko na.

"Hindi ako natutulog, Gel," pagbibiro ko pero halatang pilit ang ngiti na mas fake pa sa mga produktong gawa ng China. "Kaya paano ako gigising—" Napabaling sa kaliwa ang mukha ko nang sampalin niya. Nakakabingi. Mas malakas pa sa sampal ng babaeng inuwi ni Grant.

"Cut that bullsht, Xhaiden! Hindi ako nakikipagbiruan." Napaupo ako sa sofang nasa likuran. Sinapo ang pisngi. Ang tagal magsink-in na sinampal niya ako. Samantalang siya namumula't nanlilisik ang mga matang nakatitig sa 'kin. Na isa lang ang ibig sabihin, Angel's beastmode is on, makakapatay na siya. "Gusto ulit kitang sampalin, alam mo ba 'yon? Para naman matauhan ka na!"

Napayuko ako't napapikit. Hinayaan ko na lang siyang magsalita. Tutal kahit naman ano'ng sabihin niya... ako pa rin ang magdedesisyon para sa sarili ko.

"If I knew this would happen to you, I wouldn't have visited to Trese Paradise. I was gone for just three months, pagbalik ko, puro masamang balita ang madadatnan ko? Kahit isang good news wala akong nakuha. Tangina, Xhai!" Umupo siya sa katapat kong pang-isahang couch. Kulang na lang itakin na niya ako ng mga titig niya, ang tatalim. "I know you're stupid when it comes to Grant. Pero hindi ko aakalain na madodoble ang katangahan mong 'yan. Baka naman bukas manganak na rin ang katangahan mong iyan at ang masaklap kambal pa?

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon