IAR [25]

62.7K 2K 104
                                    

-25-

"WHAT ARE you doing here?" Akma kong isasarado ang pintuan kaso naiharang ni Angel ang kanyang paa at pumasok sa loob ng bahay. Seryoso ang itsura niya at hindi maipinta ang mukha.

Kalalabas lang ni Grant ng bahay papuntang opisina.

"What's your problem, Xhai?" Napaatras ako nang titigan niya nang matiim. Sunod-sunod akong umiling at ngumisi nang mapakla. "You're not texting me. You're not even answering my calls. Tangina, Xhai, second week na ng February, pasko mo pa ako hindi pinapansin. Ano ba kasing problema mo?"

Bakit siya pa yata ang nagtataka sa mga oras na 'to? Hindi ba niya alam kung bakit naiinis ako? "I told you already, Gel, don't hurt Kuya Xyrus... but you did. Hindi lang physically. Siguro naman hindi ka tanga para hindi malaman na patay na patay sa 'yo si kuya, 'di ba? It's been years, Gel. Three years? No, more than three years, I think. But you're still rejecting him. Why you're so cruel to Kuya Xyrus?"

Nanatili siyang nakayuko, at isa lang ang ibig sabihin no'n, wala siyang balak na sabihin sa 'kin. Isa rin 'yon sa mga ikinatatampo ko. Lahat ng tungkol sa 'kin alam niya. Alam ko rin ang mga bagay-bagay na tungkol sa kanya pero hindi lahat. May itinatago siya at walang balak na ipaalam kahit na umiyak pa ako sa kanyang harapan.

Best friend ko siya.

Hindi ba niya ako kayang pagkatiwalaan ng mga sekreto niya?

"What's wrong with my brother? Why can't you love him, Gel? Kung hindi mo man siya kayang mahalin... just, please, stop hurting him!"

Kilala ko si Angel. Magmula no'ng bata pa kami, kilalang-kilala ko na siya. Hindi naman bato ang puso niyan, eh. In fact, nagkaboyfriend na siya. 'Yong seryosong relasyon. High school pa kami noon. Pero ngayon, pinatayuan niya yata ng higanteng gate ang paligid ng puso niya para wala nang makapasok na iba.

"You don't understand, Xhai—"

"Oh c'mon, Gel. Paano ko nga maiintindihan kung ayaw mong ipaintindi? Wala naman akong kapangyarihan na kaya kang unawain o kayang basahin ang lahat iniisip mo, eh. So, ibabalik ko ang tanong mo kanina. What's your problem, Gel?"

Tumayo siya para mapantayan ako dahil kanina pa ako nakatayo. "Kung naiinis ka sa 'kin dahil sa kuya mo, I'm sorry, Xhai, but you know I can't love him—"

"You can!"

"I can't!" sigaw niya na nagpatahimik sa 'kin. Matagal na naghari ang katahimikan. Sa dalawang salitang binanggit niya, pakiramdam ko nasa katawan ko si kuya kaya damang-dama ko ang sakit. Para akong sinaksak nang paulit-ulit.

"You still love him, don't you?" I wasn't pertaining to Kuya Xyrus. I was pertaining to Alex. Ang nag-iisang lalaking kayang patinuin si Angel. Ang nag-iisang lalaking minahal ni Angel.

Natigilan si Gel. Nanatili siyang nakatitig sa 'kin. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng inis sa sarili. Alam kong sensitive ang bagay na 'to para sa kanya kaya iniiwasan kong mabanggit ang tungkol kay Alex hangga't maaari. Pero masyado nang matagal simula no'ng mamatay si Alex. Kailangan niyang magmove-on. She needs to be happy. Humakbang ako palapit sa kanya. Mababakas ang pagsisisi sa mukha ko pero kailangan kong i-open-up ang bagay na 'to.

"Gel, Alex was gone. He'll never—"

"Tangina! Alam ko, Xhai. You don't need to slap me with the cruel truth that he's gone." Mababakas ang pagkabitter sa boses niya. Napayuko ako nang wala sa oras. Damn. I'm so stupid! "Pero hindi si Alex ang issue dito kung hindi si Xyrus. I can't love him. Okay? I don't wanna love him. I'm not gonna love him. So, please, Xhai, I'm begging..."

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon