IAR [36]

64K 2.8K 912
                                    

Copyright © chiXnita

"IT'S NOT what you think," putol ni Tita Brenda sa pagpapantasya ko. Napabuga ako ng hangin. Akala ko makakauwi na talaga ako. "Xhaiden needs to go out for a while. Masyado na siyang nakukulong dito. Who wants to accompany her?"

Halos sabay namang nagtaasan ng kamay 'yong tatlo. Hindi pa yata nila napansin iyon bago sila nagsukatan ng tingin. Mga timang! Nakatitig lang ako sa kanila, nakanganga at natatawa.

"Unfortunately, kids, isa lang ang pwedeng sumama." Tumawa ako nang magpout si tita. Nagpabalik-balik lang ang tingin ko sa kanya at sa tatlong mukhang binagsakan ng bulalakaw at planeta. "Madalas naman kayong magbangayan at gustong-gusto niyo'ng nag-aasaran, alam ko ring magugustuhan niyo ang bagay na 'to."

Natahimik kami habang hinihintay ang sasabihin pa niya. Kaso 'yung tatlo hindi na kayang ipinta ang mga itsura. Mukhang nag-aabang na ng babagsak na ginto mula sa bibig ni tita. Nakakaloka!

"Kung sino'ng makakasagot ng tama sa palaisipang 'to, siya ang makakasama ni Xhaiden sa buong araw na 'to."

Napahimas si Brix sa batok at ginulo ang buhok, na pinaghalong kulay copper at dark brown; na sa maniwala kayo o hindi natural ang kulay at isa sa mga gusto kong ginugulo kapag iniinis siya.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Sa nakasanayan, simple lang ang kanyang suot; pambahay niya pa yata, plain white t-shirt, faded maong shorts at tsinelas. Nakikita ko tuloy mga buhok sa maputi niyang binti, na noon pa napagtitripan ni Angel bunutan. 'Tapos ayun, World War III na naman ng aso't pusa, paulit-ulit na lang.

Tumingin siya sa'kin at kinamot ang ilong. Oh... Napangisi ako. Alam na alam ko ang mangyayari kapag ganyan siya. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin.

Naalala ko n’ong mga bata pa kami. Mahilig si Tita Brenda sa bugtong at palaisipan, at sa aming tatlo kami ni Angel ang madalas nakakasagot ng mga iyon. Si Brix, ni isa wala. Napapaisip nga ako kung totoo talaga silang mag-ina.

Si Green naman ay isinuksok ang isang kamay sa suot na hapit na pantalon. Ang isa inaayos ang pagkakatayo ng kanyang buhok. Malamang kapag ginulo ko 'yan, baka masuntok ako nang wala sa oras. Hindi kasi mapakali sa kakaayos.

Pula ang t-shirt niya. Naiinis ako dahil nakapula rin ako. Inirapan ko siya kahit 'di naman siya nakatingin. Gaya-gaya! Mukha rin siyang timang sa panay na galaw niya sa damit sa tapat ng dibdib.

Pero wala nang tatalo sa pagkatimang ni Angel. Itinaas niya ang mga manggas ng itim na T-shirt, na may DEATH na nakaimprint sa tapat ng dibdib in red paint. Ngayon ko lang ulit siya nakitang nagshorts nang maiksi. Hinawi niya ang buhok para asarin ang dalawang katabi. Pinalagatok ang leeg at umupo sa swing.

Baliw talaga ang loka-loka.

"Pagod ang utak ko para mag-isip, sila na lang, Tita." Napanguso ako. Akala ko naman ipagtatanggol niya ako. "Saka hindi man ako nakakabasa ng isip, pero malakas ang kutob ko na hindi ako ang papayagan niyong makasama ni Xhai. Kaya bahala na 'yang mga halimaw."

Tumingin siya sa akin at sinambit ang…'Ingat ka' ng walang boses. 'Tapos nagswing na siya, binubulabog ang mga paru-paro sa gilid. Best friend ko ba talaga ang babaeng 'to? Napabuntong-hininga na lang ako.

Nagkibit-balikat lang si Tita Brenda. Katulad ni Brix parang may highlights din ang buhok niya. Nakapangbahay lang rin siya. "Brix, Ryder…" umpisa niya. Kumalabog ang puso ko.

Hala! Shit… seryoso talaga si Tita?

Mukhang ayaw niyang pilitin si Angel. Parang tama rin si Gel, na wala ngang balak si tita na payagan siya. Naku naman! Mas gugustuhin ko pang makasama si Gel, 'wag lang 'tong dalawa.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon