IAR [14]

85.2K 2.7K 82
                                    

-14-

"WHERE ARE we going, Xhai?" tanong ni Xyrene nang makalayo na kami kay na Grant, Brix at Angel.

"Mag-uusap lang tayo, Xy," kalmadong sagot ko at umakyat sa isang matirik na bato. Sinundan niya naman ako.

"Bakit dito? Kailangan talaga tayong dalawa lang? Ikaw talaga, hanggang ngayon masyado ka pa ring malihim." Ipinagpag niya ang mga palad na nadumihan at sumalampak ng upo sa batohan.

"Oh, ano ba 'yon ha?" Pinalo niya ang tabi niya para umupo ako doon. Nakangiti siya sa 'kin. Tinatangay ang buhok niya nang malakas na simoy ng hangin. Magkamukhang-magkamukha talaga kami. Feeling ko nga may malaking salamin lang na nakalagay sa harapan ko.

"Doon tayo. Ang boring dito masyado," turo ko sa daan patungo sa bangin ng isla. "Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'yon. Gusto kong puntahan. Sasama ka?" Inayos ko ang buhok kong tinatangay na rin ng hangin. Maaliwas ang paligid. Pero may mga itim na ulap na nagtitipon-tipon na nagbabadyang uulan.

Napatayo siya bigla. "Oo naman! Tara. Matagal ko nang gustong pumunta diyan. Kaso pinagbabawalan tayo nina mommy." Nagpatiuna na siyang maglakad pero tumigil din at humarap. "Hindi ba natin sila isasama? Para mas marami tayo, mas masaya." Tumalon pa siya at itinaas ang dalawang kamay niya. 'Yan ang kaibahan namin ni Xyrene.

Mahilig siya sa mga exciting things. Aggressive. Risk-taker.

'Yon ba ang nagustuhan ni Grant sa kanya?

"Babalik din tayo pagkatapos nating mag-usap."

Nang makarating, parehas kaming laglag ang panga. Sobrang ganda sa lugar. Tanaw ang mga katabing isla at ang malawak na karagatan. Para kaming nasa tuktok ng mundo.

Halos maabot na namin ang mga ulap. Kulay asul ang dagat na nahahaluan ng berde. Nakikiawit ang mga ibon sa simoy ng hangin. Naglalakihan ang mga bato sa paligid.

"Ang ganda!" sabay na sambit namin ni ate at sabay din kaming natawa. Pumunta kami sa gilid ng bangin at sinilip ang baba. Agad din akong lumayo nang malula. Ang taas!

Matulis ang mga bato sa ilalim.

"Boo!"

"Xy!" hysterical akong napatalon nang gulatin niya ako. Humagalpak naman siya at humawak pa sa tiyan niya. "You scared me!" sigaw ko at napahawak sa dibdib na sobrang bilis ang pintig. Hinawakan ko ang braso niya. Hinila siya palayo sa bangin. "Don't do that again."

"Your face was adorable. Ang cute mo!" Pinisil niya ang pisngi ko. Kay Grant niya yata nakuha ang papisil-pisil na 'yan. Hindi niya naman ginagawa sa 'kin ito dati. "Ano ba 'yon, ha? May boyfriend ka na?" Umupo siya sa isang bato sa lilim ng malaking puno.

"No!" agad na sagot ko. "Gusto lang kitang masolo. Alam mo naman, malapit ka nang... ikasal."

Napakagat labi ako at nilalaro ang mga daliring nakapatong sa tuhod. Hindi niya alam na mahal na mahal ko ang lalaking papakasalan niya. Si Angel lang ang nakakaalam ng bagay na iyon, simula pa lang.

Ayokong malaman ni ate. Ayokong mag-away kami.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na kami ni Grant!" Tumingin siya sa 'kin. Ang saya-saya niya. Napatingin naman ako sa likod niya para pigilan ang pagpatak ng luha. "Ang swerte ko talaga sa kanya. Alam mo naman lahat-lahat ng tungkol sa amin, 'di ba? SisBeFriend kita, eh." Niyakap niya ako. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Agad kong pinunasan.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon