English Tagalog Phrases like a story 20

3 1 1
                                    


Haven't we saved up a little money? - hindi ho ba meron tayong konting salaping naiipon?

Maybe that's what you're spending on the house. - ah marahil iyan ang ginagamit ninyo sa pagpagawa ng bahay no.

There was a reason for saving that money. - kaya ko ho pinaghirapan iyan kuwartang yan.

I had hoped to use it to go back to school. - dahil sa akin pagasa na balang araw eh makapagaral pa ko.

How could you tell? - bakit ninyo po nasabi?

I'm too old to learn new trends. - kay tanda tanda ko na para matuto niyan mga bagong uso.

I might just drop it. - mabitiwan ko pa iyan.

Let me teach you instead. - ikaw na lang ang tuturuan ko.

Even the money that we've saved up. - pati yung salaping dapat na naitatabi natin.

But since you've gone on a spending spree. - ngayon nadala kayo sa karangyaan hindi naman natin kaya.

Is being squandered on useless things. - nagkawaldas waldas sa wala naman kabuluhan.

Once you pull the string. - pag ah hinila mo ang lubid.

Don't bother. - hindi na.

The cans will make a loud noise. - kakalampag ang mga lata.

It will drive all the birds away! - mabubulabog ang mga ibon!

You'd know how hard it is to make a little money. - eh malalaman ninyo kung ganong hirap ang magtabi ng konting salapi.

The money I've saved for you hasn't been touched. - ang kuwartang ipinatatabi mo sa akin ay hindi nagagalaw.

Please don't accuse me of anything. - huwag ka sanang magparatang sa akin.

The profits from our small store are not mine alone. - iyon konti natin tindahan eh para kanino ba para sa atin din iyon.

Annoying! - bwiset!

But I don't really need this, do I? - para sa akin, aanuhin ko iyon?

She made me promise not to tell anyone. - hindi ko ipinagtapat sa iyo sapagkat ayaw niya ayaw niya pasabi maski kanino.

But I must tell you now because of your suspicions. - kaya lamang napilitan ako sapagkat mukhang pati ako'y iyung pinaghihinalaan.

Remember that those kids just want to show their gratitude. - alalahanin mo ang ginawa ng mga batang iyan ay gumaganti lamang ng utang na loob sa atin.

Because we took them in. - sapagkat kinupkop natin sila.

I think I just forgot where I placed them. - parang nakalimutan ko kung saan ko nailagay.

Take off your shirt and I shall wash it. - hubarin mo ang iyong kamiseta at lalabhan ko.

I treated them so well. - gayon napakabuti naman ang pakita ko sa kanila.

And now I have to be nice to people who don't deserve it. - at ngayon ay napipilitan akong makiusap sa mga taong hindi karapat-dapat pakiusapan.

I had a premonition last night. -  nagkaroon ako ng pangitain kagabi.

Because this place can never provide them a decent future. - sapagkat ang pook na ito ay alangan alangan sa kanilang magandang kinabukasan.

You're insulting us. - nakakasugat kayo ng damdamin.

We may end up fighting. - baka mag-away pa tayo nito.

Those children must be returned to me. - kinakailangan iyan mga batang yan ay mabalik sa akin piling.


English Tagalog Phrases Part 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt