PROLOGUE

3.3K 108 1
                                    


"Hays kapagod talaga ang training. "Reklamo ng kamasa ko habang panandalian inuunat ang sarili.

Kasalakuyan kaming naglalakad dalawa habang nakasuot ng taekwando uniform na may hawak hawak na inumin, hininhintay namin magstop light para makatawid ng maayos at ligtas.

"May shooting range tayo bukas at katana practice, sabay na tayo Levia." Sabi ng kasama ko na si Satari, hindi naman ako sumagot sa kaniya alam naman niya kung anong magiging tugon ko dahil wala naman akong pagpipilian lagi siyang maaga pumupunta sa bahay para lang gisingin ako.

Nahagip naman ng mata ko ang isang babae na abala sa kaniyang kausap sa cellphone hindi niya namalayan na nabitawan niya ang kamay ng batang kasa kasama niya hanggang sa nagulat ako ng bigla itong naglakad papunta sa kalsada, napatingin naman ako sa sasakyan na mabilis magpatakbo kaya walang pag-aalinlangan na bitawan ang aking mga dala at mabilis na tumakbo sa bata.

"Lev!" Rinig malakas na sigaw

Sakto naman na naitulak ko ang bata at siya ring malakas na pagbunggo ko sa sasakyan at pagtalsik ko sa lakas ng pagkabangga sa akin, napaka bilis ng lahat.

Ramdam na ramdam ko ang pagtalsik ng aking katawan, labis na sakit ang aking naramdaman hindi ko magawang igalaw ang anumang parte ng aking katawan,  ang tanging naririnig ko lang ay ang paghina ng tibog nang puso ko at unti unting nanlalabo ang aking paningin.

"Le-Levia." Rinig kong banggit sa aking pangalan kahit nanginginig pa habang inangat ako.

"A-Ang  ba-bata."Hirap kong bigkas.

"Ano ka ba! Ikaw na nga itong malala ang kondisyon yung bata pa rin ang iniisip mo." Ani' ya sa akin kahit nanlalabo na paningin ko ng paunti unti kita ko parin ang pag-iyak niya.

Rinig ko naman ang pagdating ng ambulance dahil sa ingay na nililikha nito sa tuwing may emergency.

"Kapit lang Levia, nandito na ang ambulance. "

Mapait naman akong napatingin sa kaniyang sinabi, "M-Mag-iingat ka, Sa-Satari." Huling sambit ko bago ako tuloyang nawalan ng buhay.

Ngunit kahit alam kong patay ako nararamdaman ko ang aking sarili na tila lumulutang sa isang kawalan, nais ko mang buksan ang aking mga mata ngunit hindi ko magawang kontrolin ang aking katawan hanggang sa sinakop ako ng isang nakakasilaw na liwanag.

Nang ramdaman ko na maaaring ko ng imulat ang aking mga mata kaya naman unti unti kong minulat ang aking mga mata, nakita ko ang isang napagandang maamong babae na nakatayo sa aking harapan na may abot tengang ngiti sa kaniyang mukha.

Nagtataka naman akong nakatingin sa kaniya, sino siya?

Siya ba ang sundo ko?

Rinig ko naman ang may kahinaang paghagikhik nito.

"Ako si Hain Deveo Cutillar....hindi kita susunduin." Pagpapakilala nito sa akin.

"Kung hindi kita sundo, eh ano kita?" Tanong ko sa kaniya.

"Ikaw ang magiging ako, ikaw ang papalit sa akin at mabubuhay para sa akin." Sagot na niya na kinagulo ng aking isipan.

"Huh? Magiging ako........ikaw?" Taka kong tanong sa kaniya, tumango naman siya sa akin.

"Anong papalit at mabubuhay para sayo?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin, "Mabubuhay kang muli ngunit sa ibang katauhan na, sa aking katauhan na iyong magiging katauhan din." Sabi niya sa akin.

"Mabubuhay?" Patanong ko sa kaniya.

"Namatay ka at namatay din ako, magkaparehong araw ngunit magkaibang oras dahil kanina pa ako nandito para hintayin ang taong papalit sa akin.....at ikaw yun Levia." Ani 'ya sa akin, wala anumang emosyon akong nababasa sa kaniya ngunit ang mga mata ay punong punong ng kalungkutan.

"Bakit? " bakit ako?kung katawan niya naman yun edi siya nalang bumalik, bakit pa ako nadamay hayyy ano 'to reincarnated? Rebirth? O Reborn? May ganun ba?

"Dahil ikaw lang ang tanging may kakayahan na palitan ako at nakikita kong may mababago ka." Sabi niya sa akin at pilit na ngumiti na siyang kinairita ko, ayaw na ayaw ko ang mga taong mapag panggap at matago sa kanilang pagkatao o nararamdaman.

"Pwede bang wag kang ngumiti kung hindi naman totoo." Irita kong usal sa kaniya.

"Patawad." Nakayukong sabi niya.

"Napaka invalid naman ng sinabi mo, may mababago ako? Wala akong mababago dahil isa lang akong ordinaryong tao." Sabi ko sa kaniya.

"Meron, sa talento at kakayahan na meron ka may magbabago lalo na't nasa katangian mo ang magsakripisyo para sa iba kahit buhay mo ang nakataya." Sabi niya sa akin na punong puno ng tiwala sa sarili.

"Ka-"

"Wala na tayong oras, pagkagising mo ay siya ring pagpasok sa iyong isipan ang lahat ng aking alaala, makilala mo ako ng lubusan." Pagputol niya sa akin.

Nakaramdam naman ako ng pagkahilo at para bang hinihigop ako.

"Maraming salamat, hanggang sa muli." Huling salitang narinig ko mula sa kaniya bago ako tuloyang mawalan ng malay at,

Bigla naman akong nagising sa isang lugar,  na kita ko ang kalangitan at mataas na nagtatayuang puno.

Teka puno? Napabangon naman ako at nilinga linga ang paningin sa paligid nasa kagubatan ako.

Tinignan ko naman ang aking sarili na nakausot ng dress may makinis at maputi na balat.

"Aray!" Daing ko ng biglang pumasok sa aking isipan ang mga alaala ng babae nakausap ko.

"Hain Deveo Cutillar. "Bigkas ko ng buong pangalan, ang pangalan ng totoong may-ari ng katawan ko ngayon, isang prinsesang hinayaang mabuhay ng mag-isa maliban sa katulong nito na nasa kaniyang tabi na pinagsisilbihan siya.

Kinikilala nga ang mga kababaihan dito sa kanilang mundo ngunit minamaliit naman karamihan.

Kaya ba nakahiwalay siya sa kaniyang magulang at kapatid dahil isa siyang babae? Hindi ba patas ang pagtrato ng kaniyang amang hari sa kanilang magkakapatid kaya ang mga kapatid niya lang na prinsipe ang pinagtutuonan nito ng pansin?

"Hayyss" napa sabunot nalang ako sa aking buhok sa mga impormasyon na nalaman ko tungkol sa kaniya.

"Princess?!" Rinig ko kaya na pa tigil ako sa pagkakahawak sa aking buhok.

"Princess Hain?!" Muli kong rinig, yung maid niya kaya ang tumatawag?

"Princess Hain? Nasaan ka?" Rinig kong sigaw kaya napatayo ako.

"Nandito ako!" Sigaw ko, maya maya lang ay may nakita akong isang babae na nakasuot ng pang maid.

Nang makita niya ako ay dali dali niya akong nilapitan, "Princess,  kanina pa kita hinahanap ah, saan ka ba galing?" Sabi niya na may pag-aalala.

"Nandito lang ako nagpapahangin." Pagdadahilan ko sa kaniya.

"Sa susunod sabihan mo naman ako, kanina pa kaya kita hinahanap. " Reklamo niya sa akin.

"Patawad." Sabi ko sa kaniya at bahagyang ngumiti.

"Hali kana, balik na tayo sa South Mansion. "Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at naglakad na, sumunod nalang ako sa kaniya dahil naninibago pa ako kahit na nasa akin ang alaala ng totoong Hain Deveo Cutillar.


Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin dito pero sisikapin ko na mabubuhay ako ayon sa gusto ko, gagawin ko kung ano gusto ko.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now