CHAPTER 13

1K 73 5
                                    






Pagkarating ko sa malapit sa harap ng tinutuloyan naming bahay dito sa Serevo. Nakita si Levan na masayang sinusuri ang kaniyang espadang kahoy havang sa harap niya ay may malaking lalaki ang nakatayo.

"Sigurado po kayo na akin na 'to?" May tuwang tanong ni Levan sa lalaking hindi ko pa kilala.

"Oo naman, magagamit mo 'yan kapag magsasanay ka sa paggamit ng espada." Ani ng lalaki sa kaniya.

Kung ilalarawan ko siya,kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at mayroong naglalakihang katawan kitang kita ko ang pagkabuild ng kaniyang katawan dahil halatang halata ang mga muscle niya. Kung titignan ay sa tingin ko nasa 6'8 o 6'9 ang tangkad niya walang wala sa tangkad ko na 5'6 palang.

16 years old palang naman ako, may itatangkad pa ako.

"Maraming salamat po, magagamit ko ito kapag magsasanay na ako." Nakangiting usal ni Levan.

"Walang anuman, kung may kailangan ka palitan mo lang ako."

Tumango naman si Levan sa kaniya, "Sige po."

"Ah nga pala, ikaw lang ba dito? Wala kang kasama?" Tanong nung lalaki kay Levan.

"Umalis po si Kuya Louis pero babalik din po yun kaagad, si Mama naman po ay nasa pagpupulong kasama si Ate Taiya." Sagot ni Levan sa kaniya.

"Ah ganun ba, delikado sa isang bata ang mag-isa kaya samahan mo na kita dito hanggang sa dumating na ang iyong magulang." Sabi ng lalaki Levan at bahagyang ginulo ang buhok ni Levan.

Kita ko naman ang pagngiti ni Levan sa lalaking kausap niya.

"Sige po." May galang na sabi ni Levan.

Lalapitan ko na sila ngunit napatigil ako ng pumantay ang lalaki kay Levan at sinusuri niya ang kabuoan ni Levan na kinataka ko.

"May problema po ba?" Takang tanong ni Levan sa kaniya.

"Napapansin ko na may pasa ka, sinasaktan ka ba ng mga kasama mo?" Seryosong tanong ng lalaki kay Levan na may pag-aalala.

Umiling naman sa kaniya si Levan, "Hindi po, niligtas pa nga po nila ako eh at tinanggap."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ulit ng lalaki kay Levan.

"Inampon po ako ng kinikilala ko pong Mama ngayon, mula po ako sa bayan ng Kuarayi. Ang mga pasang nakikita niyo ay gawa ng noble na pinagsilbihan ko." Sagot ni Levan sa kaniya.

"Patawad kung na itanong ko pa sa iyo ang ganitong bagay, "Panghihingi ng tawad ng lalaki kay Levan.

"Ayos lang po." Sabi naman ni Levan sa kaniya.

"Masaya po ako dahil nakilala ko si Mama." Nakangiting dagdag na sabi ni Levan.

Ngumiti ako ng marinig ko yun kay Levan kaya lumapit na talaga sa kanilang pwesto.

"Levan, ang aking Prinsipe." Tawag ko kay Levan.

Tumingin naman sa gawi ko si Levan, "Kamusta ang araw mo?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

Patakbo namang lumapit sa akin si Levan habang nakangiti, "Maayos po, Mama." Sagot niya sa akin.

"Ano-ano ang ginawa mo sa araw na ito? ana ko." Tanong ko sa kaniya.

"Naglibot po kami ni kuya Louis at nagkwentuha po tapos.....nakilala ko po siya." Sabi niya at tinuro ang lalaki na kasama niya.

Tumingin ako ng nakangiti sa lalaking tinuro ng anak ko, "Maraming salamat dahil sinamahan mo ang aking anak dito." Pasalamat ko.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now