CHAPTER 53

567 45 3
                                    



HAIN POV.

Pagkatapos ko mag-ayos tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin kung maayos naman ba ang suot ko.

Nagsuot ako ng pangmamamayan na kasuotan dahil balak kong pasukin ang Zalco o ang dalawang empire na pinapakumbinsi ko kay Bea.

Nakasuot din ako ng wig na panglalaki na sinama ko pa sa pinapagawa ko kay Taiya, hindi maaaring naka pangbabae pa rin ako baka mahirapan akong pumasok.

Kung ano man ang pipiliin niya sa dalawa, yung sa isa dalawang empire naman ang pupuntahan ko bago ang Zalco Empire para makatiyak ako na makuha namin ang loob nila.

"Sigurado ka na ba sa binabalak mo, Hain?" Tanong sa akin Bree na batid kong nag-aalala siya sa akin.

"Sigurado na ako, Bree. Huwag kang mag-alala uuwi naman akong ligtas." Ani ko sa kaniya na nakangiti pa para pagaanin ang pakiramdam niya.

"Delikado ang binabalak mo pero may tiwala ako sayo, bumalik ka ng ligtas at maayos." Ani 'ya sa akin na alam kong pilit ang ngiti niya sa huli

Talagang nag-aalala siya sa akin.

Ayaw ko maging kampante lang na naghihintay sa mga ulat ng tauhan ko, kailangan ko rin kumilos para makasigurado ako na hindi kami maiisahan sa digmaan.

May pinapa-unlad pa akong bayan, hindi maaaring matalo at mapunta sa wala ang lahat kahit pa kinaiisan ko ang emperor dito.

Pagkalabas ni Bree, kinuha ko naman ang mga bala't baril at nilagay sa lalagyanan na nakasabit sa beywang ko, naglagay din ako ng maliit na kutsilyo sa paanan ko baka sakaling kailanganin ko ng maliit na patalim.

Sinukbit ko rin ang espada sa gilid ng beywang ko.

Bago ako lumabas ng silid ko, kinuha ko ang isang wig dahil isasama ko si Captain Yenari sa binabalak kong gawin.

Nakakailang hakbang palang ako palayo sa silid ko, nakita ko na si Captain Yenari naglalakad parang tutungo yata siya sa silid ko.

"Master." Tawag niya sa akin nung makita niya ako.

Bago ko nagsalita, napansin ko ang pawis at parang pagod siyang humihinga.

Nagmamadali yata 'to tumungo sa boriyan at bumalik dito.

"Kamusta? Nasabi mo na ba kay Bea?" Tanong ko sa kaniya nung makalapit na siya sa akin.

"Opo, pinasabi niya rin na uunahin niyang kumbinsihin ang Samune Empire." Sagot niya sa tanong ko.

Ibigsahin, mauuna kami nito sa Ganhera Empire pumunta bago sa Zalco Empire.

Hinila ko naman si Captain Yenari papasok sa silid ko at pinaupo siya sa upuan ko na nakaharap sa malaking salamin.

"Anong gagawin mo, Master?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya at pinakita ang wig na hawak ko, "Babaguhin ang anyo mo." Sagot ko sa kaniya na nakangiti pa.

"Ano ang bagay na iyan, Master? Nakita ko yan kanina na hawak mo, parang buhok ng isang tao." Sabi niya sa akin habang sinusuri ang wig na hawak ko.

"Wig ang tawag dito." Sabi ko sa kaniya, kumuha ako ng suklay at pang-ipit para itago ang buhok niya.

"M-Master ako na po." Pagpipigil niya sa akin

"Ako na, hindi mo naman alam ang gagawin ko."

"Para saan po ba 'to, Master?" Tanong niya.

"Para mabago natin ang kaunti ang hitsura natin." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit? Para saan po?"

"Papasok tayo sa Ganhera Empire at Zalco Empire, magpapanggap tayo na mamamayan nila." Palihim naman akong napangiti nung makita ang gulat niyang reaksiyon.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now